Rhian's PovIsang buwan.Isang buwan ang naging preparasyon namin ni Glaiza para sa kasal na mamaya-maya lang ay magaganap na.Halos araw-araw kaming magkasama ni Glaiza para lamang asikasuhin ang kasal namin.At ngayon nga ay oras na lamang ang hinihintay namin para maisakatuparan ito,sa tulong na rin ng pamilya at mga kaibigan.
"Sissy?"Napalingon ako sa pintuan ng pumasok roon si Jade.Kasunod niya si Nanay at Dady Oscar.
"Anak."Yumakap sa akin si nanay at sumunod si Dady Oscar."How are you Rhi-rhi?"Nakangiting tanong ni Dady Oscar.
"Constipated yata ako,Dady."Pagbibiro ko na ikinatawa nilang tatlo.
"Ninenerbyos ka lang,nak."Sabi ni nanay na nakahawak ngayon sa balikat ko.
"Is this your wedding gown,sissy?Mukhang matatalbugan mo ako ngayong araw ah."Natawa ako sa biro ni Jade.Nasa harap ito ng wedding gown ko na nakasuot sa isang maniquin.
"I told you,Ja.Mas maganda ako sayo."Nangingiti ko pang sabi saka nag flip ng buhok.
"Sige na nga."Nakangiti itong lumapit sa akin saka ako niyakap ng mahigpit."I am happy dahil natupad mo na ang isa sa mga pangarap mo,Ate."Niyakap ko rin siya ng mahigpit habang naluluha.
"Salamat,sissy.Hindi mo ako iniwan nang mga panahong lugmok ako."Natawa kami pareho sa 'lugmok' tingy na sinabi ko.
"Ang lagay ay kayo lang ang magyayakapan?"Napabaling kami kay nanay at Dady Oscar."Isali niyo naman kami ng Dady niyo."Sabay kaming lumapit sa kanila at niyakap sila ng mahigpit.
I think I've been lucky all my life.I've had the best career,a best family,a best friend,Althea. And Glaiza.A best lover in a whole world.Wala na yata akong mahihiling pa kundi isang bagay. A child.Gusto ko ring maranasan ang magbuntis at magkaroon ng mga anak.Magpalaki ng mga mini Glaiza at mini me.At alam ko,mangyayari rin iyon.In God's perfect time.
.
.
.
.
Pagkatapos ng konting iyakan ay nagpasya na kaming mag ayos dahil babyahe pa kami kung saan gaganapin ang kasal.Gaganapin ito sa isang Flower Farm na nirentahan namin ni Glaiza para sa aming kasal.
"Napakaganda mo,anak."Nakangiting papuri ni nanay ng nasa loob na kami ng sasakyan.Si Dady ay nasa passenger seat habang kaming tatlo nila Jaja ay nasa back seat kung saan pinanggigitnaan nila ako.
"Salamat,nay.Thank you for everything."Naiiyak kong sabi habang hawak ang kamay niya.
"Hindi pa rin ako makapaniwalang ikakasal ka na.But I'm very happy dahil alam kong magiging masaya ka kay Glaiza."Tumulo ang luha ni nanay na kaagad ko rin namang pinunasan.
"Akala ko tapos na ang drama,may continuation pa pala."Biro ni Jade sa tabi ko.Si Dady naman ay nangingiti lang sa pagkakaupo niya.
"Whoooaa!Magiging Misis Galura na ako,sissy!"Excited kong react kay Jade.
"Believe me,ate.Sobrang sarap sa feels."Nakangiti niyang sabi saka ako muling binigyan ng yakap na kaagad ko namang tinugon.
"Teka,wrong way yata tayo."Napakalas ako ng yakap kay Jade ng mapansin ang dinadaanan namin.
"Paanong wrong way,nak?Di ba sa Amore's Flower Farm ang way nito?"tanong ni Dady.Sana ay sa Galura's Flower Farm gaganapin ang kasal namin pero nag insist si Glaiza dahil malayo iyon.
BINABASA MO ANG
X+X = Y not? Book II (RaStro)(Completed)
RomanceApat na taong nagsimula sa mali. Sa muling pagkikita ba ay sa tama na mauuwi? Paunawa: Kung hindi pa po nababasa ang book I, kindly check it on my reading lists. At kung nabasa na po ito, eh 'di good for you. lol X + X = Y not? The Book II. Enjoy.