Book II (23)

2K 109 9
                                    


Glaiza's Pov

"Hal,hurry up!Mahuhuli na tayo sa ceremony!"Pagmamadali ni Sanya sa asawa habang hawak hawak ang may kalakihan na rin na tyan."I thought napaayos mo na yan.Bakit tumirik na naman?"reklamo nito sa asawa na di magkaundagaga sa pagpapalit ng gulong.

"Pasensya na,Hal.Malay ko bang ititirik tayo nito.Kung sana yung big bike--"

"Are you serious?Pasasakayin mo ako sa bulok na big bike mo?Baka nakakalimutan mong buntis ako!"Naiirita pa nitong dugtong.

Iiling-Iling na lamang ako habang naririnig ko iyon mula kay Sanya.Hindi ko akalain may pag ka amazona pala ito.O dahil lang siguro sa pagbubuntis niya.

"Heto na po mahal na reyna,inaayos ko na po oh."Kitang-kita ko pa ang paghalukipkip ni Sanya na halatang inip na inip na.

"Wala na ba kayong gagawin kundi mag away?Sa London ganyan rin kayo."Natatawa kong approach ng makalapit sa kanila.

"Glai?Is that you?!"Nanlaki  ang  mga mata ni Sanya ng makita ako.

"None other than me.Not unless may kilala ka pang kasing ganda at pogi ko?"Natatawa akong lumapit saka siya niyakap ng mahigpit.

"Conceited!"Hinampas pa ako nito sa balikat.

"Bossing,kailan ka pa dumating?"Tanong naman ni Arci na nakalapit na pala sa asawang si Sanya.Madungis ang kamay nito dahil na rin sa pagpapalit ng gulong.

Nagsasama na sila sa iisang bubong pero hindi pa sila kasal.Napagdesisyonan ng mag asawang ito na magkaanak muna bago sila magpakasal.Nauna silang mag undergo ng AI kaya mas naunang nabuntis si Sanya kaysa kay Jade.

Nagsimula sila bilang magkaaway.Ito ay noong panahong umalis si Sanya sa resort nila Batchi para ipaubaya na ako kay Rhian.Samantalang si Arci naman ay papunta pa lamang sa nasabing resort para sundan kami roon.Nagkabanggan ang kotse ni Sanya at big bike ni Arci at iyon na ang simula ng kanilang bangayan este love story.

"Kadarating ko lang.Tutuloy na sana ako sa resort pero nakita kong may nasiraan kaya bumaba ako.Kayo lang pala."Natatawa kong sagot kay Arci.Bossing ang tawag niya sa akin dahil naging trainee ko siya ng nagsisimula pa lamang siya sa pagiging engineer.Inalok ko rin siya noon ng trabaho sa London at mabilis naman siyang sumang ayon.Sa London din sila naging malapit ni Sanya.

Nang mabuntis si Sanya ay mas pinili nilang manatili dito sa Pinas kaya naiwan ako roon sa London.

Oo,malungkot mag isa.May mga araw na naiisip ko ang pamilya ko at mga kaibigan dito sa Pinas.Dito na rin pinili nina parents na mag stay lalo na't magkakaapo na sila. Hindi ko tuloy maiwasang mamiss sila kahit updated ako sa mga nangyayari sa kanila.

"Heto kasing magaling kong asawa.
Nagtitipid na naman."Sabi ni Sanya na binigyan ng masamang tingin ang katabi.

"Pasensya na kung matipid ang asawa mo.Hindi naman po kasi siya kasing yaman mo.Kaya kailangan niyang magtipid para sa future niyo ni baby."Katwiran naman ni Arci na parang nagtatampo sa sinabi ni Sanya.

Napapangiti na lamang ako sa inaasal nilang dalawa. Ang tatanda na
pero kung magbangayan para pa ring mga bata.

"Sus!Tampururot naman agad 'tong asawa ko.Pa kiss nga."Lambing naman ni Sanya sabay nguso sa asawa.

"Tse!"Ito naman ang humalikipkip sabay irap kay Sanya.

"Sige na po..bati na tayo oh."Pangungulit naman ni Sanya na nanghahaba pa rin ang nguso kay Arci.Pero itong si Arci may pagka pabebe at muli na namang inirapan ang asawa."Bahala ka diyan!Ikaw na nga yung ikikiss ayaw mo pa!Let's go Glai,iwan na natin yang ugok na yan!"Sabay walk out nito papunta sa kotse ko na nakaparada sa di kalayuan.

X+X = Y not? Book II (RaStro)(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon