Rhian's Pov"Can we talk?"Isang pamilyar na boses ang narinig ko mula sa pintuan ng room namin.
"Sanya?"Naguguluhan kong tanong.Bakit naman ako gustong kausapin ng isang Sanya Lopez?
"Hindi mo ba ako papapasukin?"
"Oh sure!Pasok ka."Nakalimutan ko na ang tamang manners dahil sa pag iisip kung bakit siya nandito.
"What are you doing here?"habang naglalakad siya papasok.
Katatapos lamang naming mag scuba diving ng araw na iyon.Hindi sumama si Angel sa amin kaya balak ko itong puntahan sa room nito para kamustahin.
Alam kong masama ang loob nito dahil sa pagtataboy ko kanina para makapag usap kami ni Glaiza.
Hindi rin ako nakapag enjoy lalo na't nakikita kong sweet ang aking bisita at si Glai.
Pero ginusto ko ito.
Pinaubaya ko na si Glaiza kay Sanya dahil alam ko naman na ito ang mahal ni Glai.
Yes!Tinanggap ko na ngayong araw ang pagkatalo.
"I want to discuss something."Ineexpect kong kasunod na niya si Glaiza pero walang Glaiza ang pumasok sa pintong iyon.
Kami lang dalawa sa room na iyon dahil wala pa si Jaja.Nagpaiwan sila kanina nila Althea para ipagpatuloy ang pagsscuba diving.Nagpahatid kaagad ako tutal hindi ko rin naman iyon naeenjoy.
"She's not with me.Tumawag si Dadiyo.Business matters kaya kailangan niyang bumalik ng Maynila."Paliwanag nito kung bakit wala si Glaiza.
*Kaya naman pala malaya niya akong nakakausap ngayon.*
"A-Anong kailangan mo?"Di ko maiwasang mailang.Siya lang naman ang babaeng ipinalit sa akin ni Glaiza.Hmp!
Itinuro ko ang upuan pero nag insist siyang umupo.
*Jusko!Bakit ba ang tagal bumalik ni Jaja?Nakikipaglandian na naman yun kay Besty!Tss!* Ayoko ng ganitong pakiramdam.
Awkward.
"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa,Rhian."Nangunot ang noo ko sa pagiging seryoso niya.Kinakabahan ako hindi dahil sa takot kundi dahil sa pag uusapan naming dalawa.
"Mahal mo pa si Glaiza,hindi ba?"Ikinabigla ko ang tanong niya.Oh well,bakit pa ba ako nabibigla?Alam ko naman na tungkol kay Glaiza ang ipinunta niya dito.
Umupo ako sa inioffer ko sa kanyang upuan.
"Do I really need to answer that?"Nagsukatan kami ng tingin.
Ilang minuto rin na ganoon.
"No."Saka siya nagbawi ng tingin at humarap sa may bintana kung saan tanaw ang dagat."Dahil alam ko namang mahal mo pa siya."
Bumaling ako sa direksyon niya pero hindi ako umalis sa pagkakaupo ko.
"So ano pang dapat nating pag usapan kung alam mo na naman pala ang totoo?"
"Let's make a deal."Baling niya sa akin saka sumandal sa may bintana na parang boss.Nakahalukipkip pa ito.Para tuloy akong nag aapply ng trabaho dahil sa pagiging seryoso niya.
"A deal?"taas kilay kong tanong.
I cant understand her.Bakit all of a sudden ay narito siya sa harapan ko at kinakausap ako na parang hindi ako ang babaeng nagtangkang agawin sa kanya ang mahal niya.
"Yes.A deal.Kapag nanalo ka,I'll give you a chance para makasama si Glaiza sa loob ng tatlong araw."Napatuwid ang pagkakaupo ko dahil sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
X+X = Y not? Book II (RaStro)(Completed)
RomanceApat na taong nagsimula sa mali. Sa muling pagkikita ba ay sa tama na mauuwi? Paunawa: Kung hindi pa po nababasa ang book I, kindly check it on my reading lists. At kung nabasa na po ito, eh 'di good for you. lol X + X = Y not? The Book II. Enjoy.