"You look like Auntie Honey."
Napangiti siya sa batang katabi. It was Kuya Alex's three year old son, Harry. Sa unahan ay ang asawa nitong si Harriet. Hindi siya nakadalo sa kasal ng mag asawa kaya ngayon niya lang nakilala talaga ang mga ito. Lalo na ang pamangkin niya.
"That's because we're identical twins. I'm Auntie Cassie. Auntie Cassie is much beautifuler than Auntie Honey." RIP joke ni Cassie.
Tinitigan lang siya ng bata at nagpatuloy na sa paglalaro. Mahinang natawa ang kanyang kuya at ang asawa nito. Mukhang pinapanood sila ng mga ito.
"Pasensya ka na, Cassie. Ngayon ka lang kasi nakilala ni Harry kaya hindi siya palaimik sayo. Pero kung dadalasan mo ang pagpapakita sa kanya, mag oopen up din siya sayo."
Sapat na siguro ang dalawang buwan para magkakilala pa sila ng pamangkin. Ginulo nalang niya ang buhok nito at nakakuha siya ng kiming ngiti mula dito.
"By the way, this is my beautiful wife, Harriet Samontañez." Ilang minuto kasi pagkatapos ng tawag ay sumulpot na ito. Mukhang on the way na talaga ang mga ito sa rancho ng kakambal.
"It's Harriet Pinagpala-Samontañez. Proud ako sa apelyido kong iyon, hon." Naiiling na natatawa nalang ang kanyang kuya sa sinabi ng babae.
"Yeah, right."
"Honey, aminin mo na. Pinagpala naman talaga ako di ba?"
"That's because I'm your husband," mayabang na sabi ng kuya niya.
"No, hon. Napasa nalang ang swerte sayo dahil ako ang napili mong mahalin."
"What?" natatawa na nitong sabi.
"Umangal ka at kukurutin kita sa singit."
Lalong lumakas ang tawa nito.
Three years na silang kasal pero tila newly weds pa rin ang glow ng dalawa. Habang tinititigan ang mga ito ay nakakaramdam siya ng saya at inggit. Masaya siya para sa kanyang kuya, at syempre hinihiling niya na sana may tumingin din sa kanya katulad ng pagtitinginan ng dalawa. There's an over flowing love in their eyes na kahit bulag ay mapapansin iyon.
"By the way, Cassie," nakangiti pa rin ang kanyang kuya. "Bakit nga ba napauwi ka ng Pilipinas?"
Bigla ay naalala niya ang dahilan ng pag uwi niya at napabugtong hininga. "Si Ate Ashley kasi. Gumawa daw ako ng research ng fashion sense ng mga pilipino. Ako ang inassign niya na gagawa ng bagong clothing line sa Philippines, in two months."
"That's great, Cassie." Hinayaan na niyang tawagin siyang ganon ni Harriet. Tutal part na ito ng family. "Big project yang hawak mo."
Napataas ang kilay niya. Kung iisipin nga, isang magandang opportunity nga iyon para sa kanya. Ngayon lang siya gagawa ng clothing line na walang katulong. This is really a big break!
"What?" tinignan siya ni Alex sa salamin. "Ngayon mo lang narealize? Don't tell me sinubukan mong tanggihan to?"
Napakagat labi siya. Guilty.
Bumugtong hininga lang ang kuya niya. "Cassie, ayaw mo na ba talagang umuwi ng Pilipinas? Ayaw mo ba kaming makita ng kakambal mo?"
Lalong nginatngat ng konsensya ang utak niya. Tila totoong nasasaktan ito sa ideyang ayaw na niyang makita ang mga ito.
"That's not true, kuya. Libre niyo naman akong bisitahin sa Paris."
"Pero, Cassie, this is where we belong. Sa Pilipinas. Dito tayo pinalaki nina Mama at Papa. We've grown to love this country kahit na maraming flaws."
BINABASA MO ANG
Twin Trouble 1: Cassie's not-so-charming Prince
Romance(1) Tropang Watty presents Twin Trouble 1: Cassie's not-so-charming Prince "What are you doing?" Pagalit na tanong ni Prince kay Cassie. "Bakit mo pinagbabawalang lumapit ang ibang babae sakin?" Humalukipkip si Cassie at inis na hinarap ang magaling...