Chapter 18

3 0 0
                                    

Pikit matang naglakad si Cassie papunta sa kusina. Sa halos isang linggong niyang pamamalagi doon, literal na kahit nakapikit pa ay kabisado na niya ang lugar. She was yawning and stretching here arms as she makes way to the coffee maker. Sumandal siya saglit sa tabi ng lababo.

"...three sheeps, four sheeps, five shee--"

"So you're usually like this in the morning?"

Kung hindi lang pamilyar na gwapong boses na yon ay hindi talaga niya talaga yon papansinin. But no, it's a voice, it's familiar, and it's right beside her. Kaya mabilis niyang idinilat ang mga mata at lumingon sa kanyang tabi, and right there beside her was Prince, who was elegantly drinking his coffee. Mukhang pinapanindigan nito ang pangalan nito.

"Tapos na ang kape mo."

"Anong ginagawa mo dito?" she said instead.

Itinaas nito ang mug na hawak nito. "Drinking coffee?"

Kumunot ang kanyang noo at tinalikuran ito. Hindi ba nag iistay siya sa hotel? Sosyal a. Pupunta siya dito para lang uminom ng kape?

"Maganda ka pala sa umaga, lalo na kapag di ka bagong ahon sa tubig."

Sa sinabi nito ay naalala niya bigla ang nangyari sa rancho. Along with it was the memories of their first... Mabilis na umiling iling siya at agad na hinanda ang kape niya.

"Sino ba kasing nagsabi sayong sumunod ka sa utos nung dalawang kutong lupa?"

"Sinong sumunod kanino? Ako? Wala akong sinusunod na utos."

Binaba niya ang mga hawak at hinarap ito. "So ikaw talaga ang may gustong lunurin ako?"

Prince took a step backward. Oh, his pa-innocent look won't work this time, even though he looked so adorable raising his eyebrows and looking anywhere but her.

Umiling iling si Cassie at kinuha ang mainit init pang kape saka ito nilayasan. Pero mukhang hindi pa ito tapos sa kung anumang plano nito sa buhay. Umupo siya sa sala at nagbuklat ng kung anu-anong magazine. But her attention wasn't definitely on those papers.

Umupo ang lalaki sa kabilang dulo ng sofang kinauupuan niya. She suppressed her smile. "So," he started. "Open minded ka ba?"

Bigla bigla ay natawa siya ng malakas.

"Ang one thousand pesos mo gagawin nating siomai."

Lalo lang siyang natawa. Hindi niya alam kung anong totoong nakapagpatawa sa kanya, his joke or the fact na gumagawa ito ng paraan para may mapagusapan sila. She really, really just love this guy.

Nang matapos sa pagtawa ay nakangiting nakatitig nalang ito sa kanya. She felt her heart skipped a beat, at hindi na niya sasawayin ito. She never fell out of love, she had always been in love with this not-so-charming Prince. And he'll always be her prince charming. Nginitian niya ito at hinayaan ang sariling malayang mahalin ito, she didn't care if he would see it in her eyes. Kasalanan naman nito kung bakit siya inlove pa rin dito. Pero hindi siya magsasalita. Basta bahala lang itong manghula.

"Yesa, anong araw ngayon?"

"Bakit?"

"Mukhang araw ng kalayaan a."

"Araw ng kalayaan?"

"Oo. Araw ng kalayaan. Mukhang may pusong lumaya na e."

"Anong kakornihan yan?"

Wala pa sanang babawi ng tingin sa kanila ngunit marunong naman siyang mahiya. Tumikhim siya at tiniklop ang mga props na magazine. Hindi niya alam kung nakatingin pa ito sa kanya o hindi, basta sigurado na siyang buo ang araw niya. Binuhat niya ang mug niya at sa pagtayo ay sumimsim siya doon. Nang tumunog ang doorbell ay sa pinto nalang siya dumiretso.

"Hi!" Nancy greeted her cheerfully. Alam niyang pilit lang ang ngiting iyon nito pero hindi na siya nagsalita. Mukhang nasilip nito ang binata sa loob dahil hindi na siya nito tinapunan ng tingin at kumakaway nalang na nilagpasan siya. "Nandito ka lang pala. Kung hindi pa sinabi sakin ng secretary mo ay hindi ko pa malalaman."

"Nancy." Narinig ni Cassie na sagot ng binata. "What are you doing here?"

Tumawa ang babae. "Sinasamahan ka syempre."

"You don't have to do that."

"Oh, let me be. Masaya akong kasama ka."

Huminga siya ng malalim. Okay, mukhang nasira agad ang maganda sanang buong araw niya. But she reminded herself that she's not going to win his heart, again. Isasara na sana niya ang pinto nang may makitang pamilyar na mukha. Sakto namang napatingin din ito sa kanya.

Lumarawan ang gulat sa mukha nito pero di rin nagtagal ay ngumiti nang lumapit sa kanya.

"Cassandra!"

Napangiti na din siya. "Vincent!" Tumatakbong niyakap niya ito. "Oh, my God! I missed you!"

Vincent chuckled. "I missed you, too." Humiwalay ito saglit sa kanya. "Tumangkad ka ng 0.5 cm a."

Vincent Ong was her friend for almost a year. He had a thing for her but didn't pursue when she said no. Madali itong kausap kaya madali din silang nagkasundo.

She pouted at malakas hinampas ito. "Bully ka pa rin."

Tumawa lang ito. "So what are you doing here?"

"Work," kibit balikat niyang sagot.

Mukhang may sasabihin pa sana ito nang mapatingin ito sa likod niya. Sinundan niya rin iyon ng tingin at nakita niya si Prince na nakatayo lang at nakatitig sa lalaking kanyang kausap. Hindi niya alam kung ano ang tumatakbo sa utak nito pero pakiramdam niya ang may ginawa siyang mali. What's wrong with talking with an old friend? May kaibigan din ito, bakit siya bawal?

Ngumiti si Vince na parang may napansin at bumaling sa kanya. "I guess, I'll see you later, Cass. Lagay mo nalang ang number mo dito." Inabot nito ang telepono nito sa kanya. Kukunin niya sana iyon nang may ibang humablot. When she looked at her side, it was Prince with a dangerous look on his face.

"That's my phone."

Nanlaki ang mga mata niya ng basta basta nalang iyong tupiin ng binata. Vince didn't seem to mind pero nakipagtagisan pa rin ito ng tingin kay Prince na mukhang wala ring balak umatras.

"Prince, bakit mo yon ginawa!" Ngunit imbes na pansinin siya ay nasa lalaki pa rin ang atensyon nito. Mukhang ganoon din ang isa pa.

"You just broke it."

"Then buy a new one."

Vince smirked. "I will." Saka ito bumaling sa kanya. "Cass, will you come with me?"

"No--"

Pumagitan na siya sa dalawa at tinulak ang mga ito. Pinagtitinginan na sila ng mga tao at ayaw niyang maging viral sa social networking sites. Mahilig pa naman ang mga taong magdocument ng mga pangyayaring di naman sila kasali.

"Ano ba kayong dalawa!" Nilingon niya si Prince. "Magsorry ka kay Vince."

"Pero--"

"Prince," may pagbabanta sa kanyang tinig. Kumunot lang ang noo nito at tinalikuran siya. "Prince!"

"Bahala ka." In a jiffy, Nancy was beside him. Nginitian lang siya ng babae at nakisabay na sa lalaki.

"Sundan mo." Nilingon naman niya si Vince. "Mukhang napikon sa joke ko."

Kumunot ang noo niya. "Joke?"

"Ah." Kinindatan siya nito. "Sikreto ng mga tunay na lalaki yon."

Ngumiti siya. "Pasensya ka na nga pala sa phone mo."

Tumango lang ito. "It's okay. Pero samahan mo nga kong bumili ng bago." Tinuro nito ang ulo niya. "Mag ayos ka muna." Sa sinabi nito ay doon lang siya natauhan. Hindi pa pala siya nag aayos!

"Oh, my God." Nanlaki ang mga mata niya at mabilis na pumasok sa loob. "Pakiantay nalang ako sa baba!" At humahangos na pumasok ng kanyang kwarto.

Naalala niya ang nangyari sa sala at napakagat labi. Inuna niya pa ang paglandi kesa sa pag aayos! But when she remembered how Prince looked at her with that gentle look on his face, pakiramdam niya ang ganda ganda niya. The mirror said otherwise.

Twin Trouble 1: Cassie's not-so-charming PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon