Chapter 27

5 0 0
                                    

Nakaakbay si Prince kay Cassie habang ang mga kamay niya ay nakaalalay dito. Tinulungan lang siya ni Vince na isakay ito sa sasakyan ni Honey. Ang mga sumundo naman sa kanya ay hinayaan siyang mahirapan pagkatapos ihatid sa bahay at basta nalang itinapon sa kanya ang lalaki bago nagmamadaling umalis.

"Ma'am Cassie!" Tinulungan siya nito sa pagalalay sa lalaki. "Jusko. Nawala lang kayo saglit may karay karay na kayong lalaki."

"Wag ka ngang mag isip ng kung anu ano manang."

Binuksan nito ang pinto at dumiretso sila sa isang kwarto sa ilalim ng hagdan. It was one of the guest rooms.

Basta nalang nila itong hiniga sa kama. Hingal na hingal sila pareho kahit na saglit lang naman ang nilakad nila.

"Kumuha ka ng basang towel, manang." Lumuhod siya at tinanggal ang sapatos nito.

"Ma'am."

"O?"

"Sigurado kayong okay lang dito?"

Natigil siya sa pagtatanggal ng pangalawang sapatos at tinignan ang matanda. "Okay? Oo, okay naman to. Bakit?"

"Sound proof yung kabilang kwarto."

Nanlaki ang kanyang mga mata. "Manang!"

"Odi kaya, aalis muna ko. Babalik nalang ako bukas."

"Manang ano ba yan!" Tuluyan na niyang nilayuan ang lalaki at niyakap ang sarili. "Anong tingin mo sakin? Magagawa yon?"

"Asus. Ginawa ko din yan dati."

"Manang!"

"Bente-sais ka na, Cassandra. Tama lang na gawin yon pagkatapos ng kasal. Pero kung gusto mong mamikot, pwede kitang tulungan."

"Ah, ewan! Yung towel ko!" Ngumisi ulit ang matanda. "Manang, kahit maglagay ka pa ng cctv camera dito, wala akong gagawin sa kanya."

"Kahit naman merong camera, ayokong manood." Bago niya pa mahabol ito ay naghahagigik na itong umalis.

"Manang!" Marahas na bumugtong hininga siya at lumuhod ulit para tanggalin ang sapatos. Habang paulit ulit na iniisip ang sinabi ng matanda kanina ay pakiramdam niya lumiliit ang kwarto. Tila rin naiinitan siya at hindi makahinga. Tuloy ay tumayo siya at naglakad padiretso at pabalik habang panay ang tingin sa walang malay na lalaki.

"Ahh. Ano ba to." Noon niya napansin ang suot. "Baka dahil sa jacket." Hinubad niya ang jacket. "Bakit ang init pa rin?" Nilakasan niya ang aircon. "Ish! Manang kasi!"

Pumaywang siya at tinitigan ang lalaki. Flat na flat ang kinahihigaan nito kaya pansin ang lahat ng bakat... Na muscles. Mabilis na umiling iling siya.

"Tatanggalin mo lang ang jacket niya, Cassie." Bumaba ang tingin niya sa katawan nito. "Well, pati ang pa...nts..." Napalunok siya. "Hindi, hindi. Ititira natin ang pants." Lumambot ang tingin niya dito. "Baka mainitan siya." Muli ay umiling. "Hindi. Malinis tayong tao." Muli ay lumambot ang tingin. "Pero di ko naman kayang hayaan siyang pagpawisan dahil mainit ang... ano... Ahm. Baba."

Sunod sunod na lumunok siya at habang titig na titig sa pantalon nito. "Yung pantalon lang titigan mo. Tatanggalin natin ang pantalon niya. Walang mangyayari sayo. Makikita mo lang siyang walang pantalon..."

Malakas na sumigaw siya.

"Sabi sa inyo, may pagnanasa si Cassie kay Prince e."

"Tama bang bumisita tayo?"

"Well, we have to make sure she's alive. I just didn't know I have to see this kind of scene."

Mabilis na nilingon ni Cassie ang mga nagsasalita at halos lumubo ang kanyang ulo nang makitang nandoon ang buong pamilya.

Twin Trouble 1: Cassie's not-so-charming PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon