Chapter 5

3 0 0
                                    

Pupungas pungas na bumangon si Cassie ng kama ng gabing iyon.

"Where am I..."

Nilibot niya ang paningin sa silid na kinaroroonan bago niya naalala kung nasan siya. Nakalimutan niyang wala siya sa magulong apartment niya sa Paris at nasa malayang parte ng Pilipinas siya.

Tumingin siya sa labas, madilim na pero maliwanag ang daan dahil marahil sa ilaw ng buwan. Onti lang kasi ang mga lamp post doon, tamang distansya para hindi agad uminit sa lugar. Kapag mas malapit kasi ang dalawang poste ng ilaw sa isat isa, mas mainit.

Nangalumbaba siya sa bintana at pinanood ang mga aktibidades sa labas. Mukhang pauwi na ang mga tauhan ni Honey at naghahanda nalang para sa kinabukasan bago tuluyang iwan ang kanya kanyang mga trabaho.

Her sister was so lucky to have these trusted and loyal people beside her. Mag isa man ito ay marami pa ring umaalalay dito. Not like her, she lived alone in Paris, survived with her own will, strength, and passion, until she finally achieved what she had been dreaming for. Hindi madali pero worth it.

Biglang kumalam ang kanyang sikmura. Hindi siya naglunch, nalagpasan niya pa ang dinner, kailangan na talaga niyang kumain.

Saglit siyang nag-ayos bago lumabas ng kwarto. May mga bukas na ilaw at sapat na iyon para makita niya ang daan patungo sa kusina.

"What to eat..." She opened the fridge and was greeted with several different kinds of food. Mga tira siguro sa lunch kanina. Kahit bigyan pa ng kakambal niya ang lahat ng mga trabahador nito ng pagkain ay hindi siya magtatakang may mga natitira pa.

Kumuha siya ng nakatupperware na palabok at puto saka ininit sa microwave. She also made herself some warm tea. Paglingon niya sa counter ay napapitlag siya.

"Prince!" she hissed. Nakangalumbaba kasi ito at tila kanina pa pinapanood ang paikot ikot niya sa kusina. Inirapan niya ito. "Bakit ka nandito?"

"Bored," simpleng sagot nito. Naningkit ang kanyang mga mata at hinarap ito.

"Bored?" Hindi ata niya nagustuhan ang ideyang iyon. "So kapag bored ka ay bigla bigla kang papasok sa bahay ng may bahay?"

Bahagyang napangiti ito. Hindi niya inaasahan iyon kaya hinayaan niyang mapatalon ang puso niya, na agad ding kanyang sinuway. "Yeah," he said, smiling lazily at her. "What are you making?"

Tinalikuran niya si Prince. She need to clear her head. "I'm heating food for dinner."

"Mukhang masarap. Pwedeng makihati?"

"Hindi," mabilis niyang sagot.

Narinig niyang napaingos ito. "Damot."

Nilingon niya ito at tinaasan ng kilay. "Bakit? Hindi ka ba kumain?"

"Not yet," umiiling na sabi nito. "Medyo naging busy after lunch."

Sinulyapan niya ang lalaki at nakita niyang malayo na ang tingin nito. Mukhang sobrang busy nga nito dahil hindi ito makulit ng gabing iyon. Hinayaan na lamang niya ito na malayang isipin ang mga dapat isipin. Hey, she wasn't heartless. Kung totoong may problema ito, aantayin niyang ito ang mag open niyon sa kanya. She can wait.

Inilapit niya ang isang tupperware dito. Tiningala siya nito na parang nagulat na hindi nga pala ito mag isa. Nag iwas siya ng tingin. "Hati tayo. Para onti lang hugasin."

Bumalik ang ngiti nito at tinulungan siyang maghati ng pagkain. Ilang sandali lang ay tahimik na silang kumakain.

"Bakit nga pala umuwi ka, Cass?"

Again, her heart jumped with surprise. "Wag mo nga kong ginugulat!" pigil niyang sigaw.

Mahinang natawa ito. Careful not to make noise as well. "Sorry. So bakit nga?"

Uminom muna siya ng tsa bago sumagot. "Work. Gusto ng pinsan ko na gumawa ako ng clothing line two months from now."

"So you're a fashion designer?"

Tumango siya. "Yeah. And I'm loving it."

Tumango tango ito. "Hanggang kailan ka naman dito sa Pilipinas?"

Hindi niya maintindihan kung bakit tila may patalim na tumusok sa kanyang puso sa sinabi nito. Pinapaalis na ba siya nito?

"As soon as possible," she quietly answered. Cassie knew she need to hide the pain or else he'll know her weakness. That she's still weak around him.

Hindi niya masasabing inlove siya dito. Maybe what she was feeling was for closure. Bigla nalang kasi silang nagkahiwalay after ng... ng nangyari dati. Wala lang siguro itong nararamdaman niya, baka kaya nararamdaman niya iyon ay dahil... ay dahil... hindi sila nagkaroon ng maayos na usapan.

Nahuli siya nitong nakatitig dito kaya agad agad ay nagbawi siya ng tingin. She can feel her cheeks turning red.

"Ganun ba?" Balewala nito sa ginawa niya. "You should stay longer. Matagal ka ding nawala."

And to see you more? No, thanks. "Actually, saglit lang ako dito sa rancho. Uuwi din ako kapag dumating na ang housekeeper ko." Nginitian niya ito. Act natural. "Sa susunod siguro na araw ay makakauwi nako."

There was something in his eyes telling her that he didn't believe a bit of what she just said. Pero nagpasalamat siya ng hindi na ito nagkomento pa tungkol don. Instead, tumango lang ito na para bang may malalim na iniisip.

"I see." Tinignan siya nito at ngumiti. Now, there's something off with him. "Umakyat ka na, ako na ang maghuhugas."

Umiling siya. "No, ako na. Bisita ka."

"Nakikain ako, Cass." For the third time that night, her heart jumped. What's with Cass?! Nickname niya din naman iyon! "It is just natural for me to wash the dishes."

"Ha?" Hindi pa rin kasi siya nakakarecover sa mga bigla niyang reaksyon dito.

Unti unting sumilay ang magandang ngiti nito, tila may napansin sa kanyang inosenteng reaksyon. Whatever the reason is, she was more than glad to have that familiar glow back in his eyes. Bumalik na ito sa normal. "Very cute. Now, move."

"Pero--"

Pumaywang ito. "I do chores, topless. Do you really want to stay?"

Not a bad idea. Napasinghap siya sa sinabing iyon ng kanyang utak. Ahhhh! Manyak! Ang manyak mo, Cassie!

"Che!" Iyon lang ang nasabi niya bago siya nagmarcha paalis. Pero kahit na naglalakad siya ay para siyang hihingalin sa bilis pa rin ng takbo ng kanyang puso. Hindi niya alam na kanina niya pa pinipigilan ang hininga, o kung humihinga siya, very controlled.

"I do chores, topless..." Ulit niya sa sinabi ng binata kanina. "Nagwawalis kaya siya?" Iisipin niya palang iyon ay namumula siya. "Ahhhhh! Bakit ang manyak mo, Cassie?!"

Pagkapasok ng kwarto ay napasandal siya sa pinto. "But I bet it would be a sight to enjoy."

Twin Trouble 1: Cassie's not-so-charming PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon