Huminga ng malalim si Cassie habang tinitignan ang bahay sa kanyang harapan. Finally.
"Ma'am Cassie!"
"Manang!"
"Naku, naku." Niyakap siya ng butihing matanda. "Pasensya na talaga at hindi ako nakadating agad."
Nginitian niya ito. "Ayos lang yun. Nakapagbakasyon na din naman na ako."
Iginaya siya nito sa loob. Inihatid siya doon ng kuya niya. Mag iistay pa sana ito kung hindi lang tumawag ang asawa nito na may emergency daw.
"Osya, ma'am Cassie, ipagpapatuloy ko na ang pagluluto ko sa baba. Kung may kailangan ka ay tawagan ninyo lamang ako." Nakangiting tumango siya.
Pagkaakyat ay dumiretso na siya sa kwarto. Walang nagbago doon, it's the same boring room. Habang tumatagal ay may napagdesisyunan na siya sa bahay. "Ibebenta ko nalang to."
The house was the exact copy of the villa in the ranch. Ito ang bahay ng kanilang mga magulang noong nabubuhay pa ito. Dati rati ay tatlo silang magkakapatid na nagsasama doon, then she left for Paris, her sister got the ranch after she reached 21, and her brother got married. Inangkin niya ang bahay kahit wala naman siya doon para magstay. Ayaw naman ng kapatid niya doon dahil may napag ipunan na itong bahay nila. Hindi rin naman siya naglalagi sa Pinas kaya selling the house was the best option.
Tinawagan niya ang mga kapatid.
"Hi, kuya, hi kambal."
"Cassie? May problema ba?" Boses iyon ng kuya niya.
"Taray, naka confe tayo."
"Cassie?"
"Kuya." Huminga siya ng malalim. "Ibebenta ko sana tong bahay."
"Ha? Bakit?" react ni Honey.
"Ehh, wala namang nag iistay dito. Nasa Paris ang trabaho ko. Sa ranch ka na nakatira, may sarili nang bahay si kuya. Sayang lang to."
Natahimik ang mga ito kaya napabugtong hininga ulit siya. "Kuya, Honey."
"I'm here," boses ulit ng kuya niya. "It's yours now. You call the shots."
"Pero kuya kasi. Bahay nina mama at papa yan."
"Matagal ng wala sina mama at papa. I'm sure it's time na may iba namang mag aalaga sa bahay na minsan nating minahal."
Walang nagawa ang kanyang kakambal kundi makisang ayon. Tinapos nila ang tawag na may napagkasunduang ibebenta na talaga ang bahay. Bukas daw ay bibisita ang mga ito para makitulong sa pagkuha ng mga gamit. Alex volunteered to make the calls para maghanap ng agent.
Sa halip tuloy na ilabas ang mga gamit sa maleta ay iniempake niya ang mga dati niyang gamit doon.
"Ma'am Cassie?"
Nilingon niya ang matanda. Hindi niya alam kung ilang oras na siyang nagaayos doon. "Po?"
"Malamig na ang ulam. Ano po bang ginagawa ninyo?"
Itinaas niya ang hawak na lampshade. "Magga-garage sale ako bukas, manang." Hinila niya ito paupo sa tabi niya. "Saka nga pala manang, ibebenta ko na ho yung bahay."
"Po?"
"Ibibigay ko ang sweldo mo bukas, tulungan mo nalang muna akong magligpit ngayon."
"Naku, ma'am Cassie. Parang biglaan naman po ata yan."
"Wag kang mag alala, manang. Hahanapan kita ng trabaho."
"Eh, hindi ho iyon ang tinutukoy ko." Nagkamot ito ng ulo. "Hindi ho ba bahay ito ng magulang niyo?"
Tumango nalang siya. "Nakapagdesisyon nako, manang. Saka matagal tagal pa bago ulit ako makakauwi ng Pilipinas."
"Bakit naman?"
Kiming ngumiti siya dito. "Work."
Hindi na ito sumagot at nakitago nalang ng gamit. "Mamimiss ko ang kapitbahay natin."
Tinaasan niya ito ng kilay. "Manang a. Pumi-PBB teens ka ba habang wala ako?"
"Magtigil ka nga." Tumawa siya. "Lagi kasi iyon napapadaan dito sa bahay. Minsan nga tatayo lang siya sa tapat at tititigan ito. Hindi ko alam kung may nakikita ba siyang multo o ano."
"Baka interesadong bilhin ang bahay."
Tumango tango ito. "Baka nga." Isinara nito ang kahon na hawak. "Ang mabuti pa ay kumain ka muna bago ka magligpit ulit. Madami dami pa ito."
Parang nanay na din niya ang matanda, kaya sa halip na umangal ay sumunod nalang siya. Nauna itong maglakad pababa ng hagdan sa kanya. As she was staring at her back, bigla siyang nakaramdam ng lungkot. Tuloy ay niyakap nito.
"Ay Diyos kong mahabagin! Ma'am Cassie, malalaglag ako!"
"Mamimiss kita, Manang Fe." Hinigpitan niya ang yakap dito. "Salamat po sa lahat lahat."
Bumugtong hininga ito at tinapik tapik ang braso niya. "Kung anuman ang gumugulo sayo, tandaan mo na nandito kami para sayo. Magkwento ka lang at makikinig kami. Hindi ka namin huhusgahan kaya sana ay wag kang matakot na buksan ang sarili mo samin."
"Opo." Isinandal niya ang ulo dito. "Salamat po talaga."
Pagkatapos kumain ay ang sala naman ang inabala nilang ligpitin. Hinayaan na nila ang mga malalaking gamit doon, ang kukunin niya lang ay ang mga personal nilang gamit at ang mga pwedeng ibenta sa garage sale.
Maya maya ay nagring ang telepono niya kaya sinagot niya iyon.
"Hi, Cassie."
Napangiti siya. "Vince. Napatawag ka?"
"Kakamustahin lang sana kita. Hindi na kita nakausap sa Santacruzan e."
"Ahh." Inilibot niya ang paningin sa bahay. "Ayos lang ako."
"Alam mong di ako naniniwala sa ganyan," natatawang sabi nito. "I heard from the girls that you and Prince talked."
Nagkamot siya ng ulo. "Dapat siguro naging imbestigador ka nalang."
"Imbestigador ng love life niyo? Why not? So, what happened?"
"Well..." Huminga siya ng malalim. "Napagkasunduan namin na magmove on nalang."
"What?!" Tila nagkagulo sa lugar nito dahil nagkaroon ng munting ingay. "What the hell! Ganon ganon nalang?"
Tumango tango siya kahit hindi naman nito nakikita iyon. "Para na rin matahimik kami."
"Wait. Ibig sabihin mahal ka din niya?"
"I-I don't know..."
"Alam mo yang Prince na yan dapat tinuturuan ng leksyon e. Para malaman niya kung anong halaga ng mga bagay bagay na hinahayaan niyang mawala." May kung sino itong kinausap bago siya binalikan ulit. "San ka nga nakatira, Cassie?"
Kumunot ang noo niya. "Bakit?"
"Bibisitahin lang sana kita."
Nagtataka man ay sinabi na rin niya ang lugar na kinaroroonan niya.
"Pwede ka bang lumabas para makita nalang kita kung nasan ka."
"Okay...?" Sumunod siya dito. Nagpaalam siya saglit sa kasambahay at dala dala ang phone ay lumabas na din ng bahay. Saktong paglabas niya ay ang pagsulpot ni Hikaru.
"Oh, Hikaru, anong ginagawa mo dito?"
Itinuro nito ang pinanggalingan. Saka siya tinuro din. "Kapitbahay mo siya?"
"Ha?"
Bago pa siya malinawan sa sinabi nito ay may puting van na tumigil sa tabi niya. Bumaba ang mga lalaki at tinakpan ang kanyang bibig, ganoon din ang ginawa kay Hikaru na naunang nawalan ng malay. Alam niyang may gamot ang panyong ipinantatakip nito sa kanila pero kahit subukan niyang labanan iyon at unti unti din siyang tinatakasan ng ulirat. Sa bilis ng pangyayari, nabitawan nalang niya ang kanyang phone.
BINABASA MO ANG
Twin Trouble 1: Cassie's not-so-charming Prince
Romance(1) Tropang Watty presents Twin Trouble 1: Cassie's not-so-charming Prince "What are you doing?" Pagalit na tanong ni Prince kay Cassie. "Bakit mo pinagbabawalang lumapit ang ibang babae sakin?" Humalukipkip si Cassie at inis na hinarap ang magaling...