"Sigurado kang okay ka lang?"
Tinawanan ni Cassie sina Aj, Yesa, Hikaru, at Aly na halos buhatin na siya papunta sa pinto. "Ano ba kayo? Magkakasama naman tayong pupunta sa Santacruzan."
"Oo nga. Pero mahabang lakaran iyon, kaya mo ba talaga?"
Cassie was wearing a pink top and a brown skirt; Aj, a white top and green skirt; Yesa, a yellow top and black skirt; and Hikaru in pale blue top and red skirt. Tinernuhan nila iyon ng puting converse at pink, green, yellow, at red, headbands, respectively.
Kaya pala nawala ang mga ito ay dahil abala ang mga ito sa pagshashopping ng susuotin nila ng gabing iyon. Hindi niya napansin kung anong oras na nakauwi ang mga ito o kung ilang oras na siyang umiiyak, basta na lang kasing sumugod ang mga ito sa kwarto niya at tinatanong kung anong nangyari.
All she did was smile and shake her head in 'no'. Alam niyang gusto pang mangusisa ng apat pero pinili nalang na manahimik. Nagpasalamat siya at tinulungan nalang siyang mag ayos ng mga ito.
Alam niyang may napapansin ang mga ito sa kanya but she was more than thankful that they weren't saying anything. Any how, mukhang alam naman na ng mga ito ang dahilan. Iisang tao lang naman ang iniiyakan niya.
"Dito nalang kaya tayo sa bahay? Dadaan naman sila dito e," suhestiyon ni Aly.
Pinalo niya ito. "Hoy. Ten years ago pa ang huling Santacruzan na napuntahan ko. Wag kayong ano."
"Odi bumalik ka ulit next year."
Malungkot na ngumiti siya. Mukhang nakuha naman ng mga ito ang nais niyang iparating dahil bigla nalang siyang niyakap ng mga ito. Gusto niyang magsorry ng paulit ulit. Parang nababalewala kasi niya ang mga kaibigan niya dahil lang sa heartbreak. Kung tutuusin ay ang mga ito dapat ang mas mahalaga sa kanya kesa sa lalaki.
"Nagugutom nako." Natatawang pinagpapalo nila si Aly at lumabas na ng bahay. Nagkalat ang mga Christmas lights at banderitas sa kalsada kahit malayo pa ang pasko. Sa bawat liko ay may mga nagtitinda ng kung anu ano. Kanya kanya ding porma ang mga tao para sa naturang event.
"Good evening, ladies."
"Vince!" Agad agad ay niyakap niya ang bagong dating. Nagtataka man sa bigla niyang ikinilos ay hindi na ito nagsalita. Sa halip ay inakbayan siya nito at naglakad na silang anim papunta sa mga kumpulan ng tao. Alam niyang nagkatinginan ang lima pero nagdesisyong manahimik nalang.
"What happened?" Maya maya'y tanong nito habang naglalakad sila. Nagtitingin tingin sila ng mga paninda dahil maya maya pa magsisimula ang main event.
Saglit na tinignan niya ito at kiming ngumiti. "Wala."
"Cassie, clearly something happened."
Bumugtong hininga siya. Mukhang di siya nito titigilan. Sabagay, halatang halata naman na hindi siya okay, bakit pa ba siya tumatanggi. "I gave up."
"Lol."
Pinalo niya ito. "Napakasupportive mo."
"Pang ilang beses mo na ba din kasing sinabi yan." Tumawa ang lalaki. "Sigurado ka na ba jan?" Yumuko siya at ginulo lang nito ang buhok niya. "Wag kasing magsalita ng tapos."
"Ano bang gagawin ko?" Pabulong niyang tanong. "Pagod na pagod nako pero siya pa rin ang hinahanap nito." Nilagay niya ang isang kamay sa kung nasan ang puso niya. "Ang sakit sakit na."
Natahimik si Vince. Kahit wala pang isang araw sila kung magkasama ay mabilis naman itong makapick up. Alam nito ang kwento niya. At kahit kulang kulang pa iyon ay tila may nabubuo na rin naman itong sariling bersyon ng mga nangyari sa kanya. Hanga siya sa lalaki dahil sa bilis nitong mag isip at obserba.
BINABASA MO ANG
Twin Trouble 1: Cassie's not-so-charming Prince
Romance(1) Tropang Watty presents Twin Trouble 1: Cassie's not-so-charming Prince "What are you doing?" Pagalit na tanong ni Prince kay Cassie. "Bakit mo pinagbabawalang lumapit ang ibang babae sakin?" Humalukipkip si Cassie at inis na hinarap ang magaling...