Nanatiling nakasandal si Cassie sa likod ng isang pader habang pinapakinggan magsalita si Prince. Hindi talaga iyon sa sadya, ngunit sa kakatakbo para hanapin si Hikaru, napunta siya doon. Mukhang totoong dumating nga ang lalaki para sa kanya.
Ayaw man niyang aminin ay natutuwa ang puso niya. Alam niyang hindi na siya pwedeng umasa pero hindi naman maiiwasan di ba? Kapag nagmamahal ka naman talaga, aasa at aasa ka.
"Hindi ka naman mabilis malasing, di ba?" Vince poured another one for him. "Sa sinabi mo kanina, are you giving me permission to ask you now?"
"Depends."
"Hindi tayo makakapag usap ng matagal kung iinom ka ng ganyan."
Sumilip siya saglit at nakita niyang mabilis na nilagok nito ang alak sa baso. Sa tanang buhay niya, ngayon niya lang nakita ito ng ganon. Mukhang luging lugi kaya umiinom.
"Huy. Tulala ka." Binitawan na ng kaibigan ang bote ng alak at tinitigan ang lalaki. "Sabi mo hindi ka mabilis malasing. Huy."
Base rin sa pag inom nito, mukha ngang hindi ito matibay sa alak. Pakiramdam niya ay isang inom pa at tutumba na ito. Lalapit na sana siya ng bigla itong magsalita.
"Nag-usap kami nung Santacruzan." Natigilan siya at sa nanlalaking mga mata ay napatitig siya sa likod nito. "Sabi ko lalayo nako. Na ayoko na siyang saktan. Pero hanggang sa paglayo ko, nasasaktan ko pa rin siya."
She bit her trembling lips. Even her heart didn't skip a single beat. Her mind just kept counting and counting and counting it's increasing beat. It was as if her world suddenly focused its attention on this guy and her heart. Her heart which was still trying to knock on the door of his, begging him to let her out and feel her love.
"Lalapit ako sa kanya, masasaktan siya. Lalayo ako, masasaktan siya. Nalilito nako. Hindi ko alam kung lalapit ba ako o lalayo."
Wala sa sariling naglakad siya palapit sa mga ito. Her knuckles were starting to get cold because of her tight clench.
"Pero kapag nanjan siya harap ko, natatakot ako. Pano kung hindi niya din ako gusto? Pano kung hindi na niya ako gusto? Talaga bang gusto niya ko?"
"Mababa ba ang alcohol tolerance mo? Wala pang isang bote yun a--"
"Kapag lumayo naman ako, hinahanap hanap ko siya," anito. "Pano kung gusto niya ako? Pano kung totoo ang sinasabi niya? Pano kung naniwala ako? Kahit biro lang, maniniwala ako." He started to chuckle. "Sana naniwala nalang ako."
She didn't know when her tears started to fall. When she tried to breathe, it made a sound so she immediately covered it with her cold hands. Vince finally noticed her. He was shocked at first but later on, he flashed his bright smile. She tried smiling back but she can't. Her feet won't stop from getting close to the love of her life. Her friend probably noticed it too because he now started to talk.
"Mahal mo ba siya?"
Prince looked up. "Yeah. I love her so much. I have been loving her for more than two decades now. The moment I first saw her, until now. Hindi niya alam na nakita ko na siya dati. Nakikipaglaro siya sa kakambal niya at sa isa pang batang lalaki. May flower crown siya sa ulo at nakaputing damit." He dreamily sighed. "She looked like a fairy.
"When she told me she wanted to marry me, you don't know how happy I was. What I didn't know that what I was feeling before wasn't just a simple crush." Tinignan nitong mabuti si Vince. "I fell in love with her that instant." Muli ay tumawa ito.
"You remind me of someone." Wala sa sariling napatingin siya sa kaibigan. He was smiling at her as he talks. "Nakita ko siyang umiinom sa bar 5 years ago." He poured a drink for them two. "There were guys trying to hit on her. Pero walang pag asa, wala siyang tinitignan sa mga yon. When someone tried to take her home, I stepped in." Sabay nilang ininom ang alak at naglagay ulit ng bago. Dumako na naman ang tingin sa kanya ni Vince. "Hindi ko makakalimutan ang mga sinabi niya noong araw na yon. How she made me want to fall in love as well."
BINABASA MO ANG
Twin Trouble 1: Cassie's not-so-charming Prince
Romance(1) Tropang Watty presents Twin Trouble 1: Cassie's not-so-charming Prince "What are you doing?" Pagalit na tanong ni Prince kay Cassie. "Bakit mo pinagbabawalang lumapit ang ibang babae sakin?" Humalukipkip si Cassie at inis na hinarap ang magaling...