Chapter 24

4 0 0
                                    

"Canon Ramos is the most sought after singer in the whole world, ganoon din si Xander Ace Magnus. Not a singer though but a sought after actor. Both Filipinos and bachelors that's making a name in the international world of entertainment. What I'm proposing to you now is to make an article about these two bachelors and find more. Ipapakita natin sa Big Magazine kung gaano kalaki ang impluwensya nila sa market."

May sinabi pang kung anu ano ang presenter sa harap pero wala doon ang utak ni Prince. Nakatulala lang siya habang pinaglalaruan ang ballpen sa isang kamay.

Pagkatapos kasi ng mga nangyari noong nakaraang araw ay parang nawalan ng kulay ang lahat. Nawalan din siya ng gana sa trabaho. Tila sa isang iglap, nawalan ng purpose ang buhay niya.

"Sir?"

Nag angat siya ng tingin sa sampung katao na nasa loob ng meeting room na iyon. Lahat sila ay nakatingin sa kanya na tila nag aabang ng sagot. Doon niya lang din napansin na tapos na magpresent ang lalaki sa harapan.

He raised his eyebrows in question.

"Maganda po ba ang idea namin?"

Sumandal lang si Prince sa kinauupuan. Sa totoo lang ay wala siyang naintindihan. Kanina pa napupunta sa kung saan, or particularly sa isang babae, ang utak niya.

Tila nag aantay ang mga ito ng sagot. Tuloy ay dinampot niya ang folder sa harapan at iniscan ang laman non. Big time bachelors making a name in the whole world. "Yeah. Great. Do that."

Natuwa ang mga ito. Hindi na niya inintindi kung bakit dahil nauna na siyang pumasok sa kanyang opisina at dumiretso sa kanyang swivel chair. Ipinatong niya ang siko sa arm rest at ang picture frame naman doon ang tinitigan niya.

It was a picture of him, Cassie, Honey, and an unknown kid. Best friend daw ito ni Honey kaya hinayaan na niya itong sumama sa kanila. Malabo na nga din sa kanyang alaala kung ano ang pangalan nito.

Kinuha niya ang frame at tinanggal doon ang picture. Napangiti siya nang makita ang pamilyar na sulat doon nang italikod niya ang larawan. It was a short message from the five year old Cassie.

"When we grow up, Cassie will marry Prince," he read aloud. Huminga siya ng malalim. Nakasulat iyon sa pink glittered pen at halos mawalan ng space sa likod sa laki ng sulat nito. May hearts pa iyon.

Abala pa siya sa pagtingin sa larawan nang magkagulo sa labas ng opisina niya at ilang sandali lang ay pumasok na si Honey. Pinipigilan ito ng secretary niya pero tila walang pakielam ang dalaga. Dire-diretso sa kanya at hinila siya sa kwelyo. Alam niyang hindi siya kaya nito, but there was something in the way she was holding him. Punong puno iyon ng panggigigil. Honey is an expert in martial arts, dapat siguro siyang makaramdam ng kahit kaunting takot.

"Where is she?" Gigil na gigil na tanong nito.

"Where is who?"

Ngunit sa sinabi niya at tila lalo itong nanggigil sa kanya. Nagulat nalang siya ng naiangat siya nito sa kinauupuan.

"Where is Cassie?" mas malakas na na tanong nito. Dinagsa ng kaba ang kanyang dibdib. Confusion started to register in his face at mukhang napansin iyon ni Honey. Agad siya nitong binitawan at naglakad lakad sa office niya. "Oh, God. Oh, God. Kung hindi ikaw ang dumukot sa kanya, sino?"

"What do you mean?"

Napatingin sa kanya ang dalaga. "Nawawala si Cassie! Someone kidnapped her!"

Hindi na siya nagtaka ng maputol na niya ang ballpen na nadampot. He was raging mad. Sa taong kumuha kay Cassie at sa sarili niya. Kasalanan niya kung bakit nangyari iyon. Dapat ay inamin nalang niya dito ang tunay na nararamdaman at nanatili sa tabi nito. Kung hindi sana...

"Putangina." May lumipad na glass figurine na humampas sa pader. Nagulat si Honey at umatras ng kaunti sa kanya nang mapansin ang kanyang hawak. Kinuha nito ang litrato sa kabilang kamay at hinayaan ito. Ilang segundo din itong nakatitig doon bago nagsalita.

"Mahal mo ba siya?" Nilingon niya ito. Nakatingin pa rin ito sa larawan at tila nagkaroon ng sariling mundo. "I know lagi kitang tinatanong nito pero iba na ngayon." She looked at him with teary eyes kaya nag iwas siya ng tingin. "Mahal mo ba si Cassie, Prince?"

Huminga siya ng malalim. Napadako ang kanyang tingin sa hawak pa rin nitong larawan at agad na nakaramdam ng kakaibang lungkot ang kanyang puso. "Yes. I love her so much." Sa wakas ay naiamin na din niya. Noong kapag tinatanong kasi siya nito ng ganoon ay puro hindi niya alam ang sagot niya. He wanted to make it up to her, he wanted to say sorry, he wanted to help her. Puro siya paligoy. Nakakasawa na rin palang makipagtaguan.

"Buti naman at umamin ka na din." Nilingon niya ang dalawa pang bagong dating. It was his writers Yesa and Aj. "Pero mas okay kung si Cassie ang makakarinig niyan." Itinaas ni Aj ang teleponong hawak. "Nanggaling sa bahay mo si Hikaru kasi may iniutos kami. Mukhang nakuha din siya ng kung sinong kumidnap sa kanila."

"Ano pa bang inaantay natin? Tumawag na tayo ng pulis."

"Hindi tumatanggap ng mga nawawalang tao ang mga pulis hanggat hindi lumilipas ang 24 hours."

Mahinang napamura siya.

"Pero bukas ang gps ni Hikaru." Nilingon nila si Yesa. "Gumamit kasi siya ng google maps, hehe."

Hindi na nila ito pinansin at tumawag na sa kung kani-kanino si Honey habang siya ay kinontak ang isang taong alam niyang makaktulong sa kanya.

He was busy waiting for results when Aj tapped his shoulders. Nakangiti ito nang lingunin niya. "Umayos ka na a."

Doon niya napansin na nakatingin na din sa kanya ang dalawa pa doon. Nag aabang ng susunod niyang sasabihin. Ngunit imbes na magsalita ay tumango lang si Prince.

"Track Hikaru Sawada's phone."

***

Dahan dahang idinilat ni Cassie ang mga mata, nasisilaw pa kasi siya sa liwanag ng bumbilyang nakasindi sa kwartong iyon.

Kwarto. Nasa kwarto siya.

Mabilis na dumaloy sa kanyang alaala ang mga nangyari kanina. Ang tawag ni Vince. Si Hikaru. Ang kidnap. Agad na bumangon siya ng kama at medyo nandilim pa ang paningin.

"Easy."

Naningkit ang kanyang mga mata nang makilala ang lalaking nasa silid. "Vince!"

Tumawa ito. "Good afternoon. Kumain ka na ba? Kumain na ang kasama mo."

"Kasama?" Nanlaki ang kanyang mga mata at tumakbo palabas ng silid. "Hikaru!" Ngunit imbes na nakagapos at nagwawalang kaibigan ang nakita niya, tahimik na nakaupo ang babae sa sala habang nagbabasa ng libro. Saglit na nilingon lang siya nito at bumalik na sa pagbabasa.

"Kumain ka na din, Cassie."

"What the hell's going on?" She asked instead. "Bakit ako kinidnap? Mag aalala si manang. Malalaman iyon ng kakambal ko at makukulong ka!"

Again, tawa lang ang isinagot nito sa kanya. "Relax, Cassie. That's the plan."

"What plan?"

"Unfortunately, yang magaling mong kaibigan ay may saltik sa utak," Hikaru said. "Kidnap pa ang gusto."

"Hey. That would cause an uproar di ba? Mag eeffort na si Prince na iligtas ka."

"What?!" Sabay na nagtakip ang mga ito ng tenga. "Ano bang kalokohan to? Vince, pauuwiin mo nako."

"Mamaya na. Pagdating na ng Prince charming mo," he winked at her then left them.

She couldn't believe this. Hindi niya alam kung anong tumakbo sa utak nito at nakaisip na gawin iyon. It's not as if Prince would really come running after her.

"Pustahan?"

Napatingin siya kay Hikaru na abala na ulit sa pagbabasa. "Pustahan?" litong tanong niya.

Saka lang siya tinignan nito. "He will come," nakangiting sabi nito.

Twin Trouble 1: Cassie's not-so-charming PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon