Chapter 1

13 0 0
                                    

"Anong ibig sabihin nito, Ate Ashley?"

Tinignan lang siya ng pinsan niya saka nagpatuloy sa ginagawa. "Anong sa tingin mo?" she said while still putting pins on the cloths.

Sinundan niya ito ng lumipat naman ito sa isa pang damit. "This." Inalog alog niya pa ang folder sa harap nito. "Sinabi ko nang ayokong umuwi ng Pilipinas."

"You're not going there for vacation." May lumapit na isang babae dito at pinirmahan ang kung anong hawak nito saka dumiretso naman sa mga boards kung saan nakadrawing ang mga gagawing damit. Sumunod siya dito. Saglit na sinulyapan siya nito. "You're going there for work."

Humalukipkip siya. Nasa fifth floor sila ng main building ng Ashley's Collection in Paris kung saan nagkakagulo ang mga tao para sa bagong line ng damit na ilalabas for next month. Obviously, this cousin of hers is the big boss. Siya, isa sa mga fashion designers. Masaya siya sa trabaho niya, after all, this was her dream. Hindi ang maging boss ng kung anong kumpanya, just be a designer. Kaya na iyon ng mga kapatid niya.

Hindi pinansin nito ang tutol sa kanyang mga mata, Ashley just waved her hand to dismiss her. Her jaw dropped. Siyempre hindi siya papayag. Sinundan niya ulit ito.

"Ayokong umuwi. I'm not going to take this project."

Doon niya nakuha ang atensyon nito. Saglit na nilingon siya nito bago kinausap ang mga kasama in french, then she motioned her to follow her in her office.

Nang nasa opisina na ay naupo ito sa swivel chair, pinagsalikop ang mga kamay, at tinignan siya ng diretso sa mata. "At bakit?"

Napalunok siya. She knew this 'talk'. Sikat sa kumpanya ang sinasabing 'the talk' look ng kanyang pinsan. Kapag nakuha mo daw yon, mag impake ka na dahil siguradong mafa-fire ka.

But being her, she ignored it at umupo pa sa isa sa mga upuan doon. "You can't do this to me, Ate Ashley. We have been partners for six years. Mas kailangan ako ng ACE."

"May Philippine branch din tayo, Cassie. At alam mo na magkaiba ang taste ng mga Pinoy at taste ng mga taga-Paris. You'll just do a research and then you can do the rest here."

"Bakit hindi pwedeng dito ko nalang gawin yon? O kaya bakit hindi nalang ikaw?"

Tinaasan siya ng kilay nito. "Alam mo kung bakit hindi ako pwedeng umuwi." Sumandal ito sa kinauupuan at pinaglaruan ang ballpen sa kamay. "As for your first question, no. You've been gone for, what, ten years? Anong alam mo sa mga uso sa Pilipinas ngayon?"

Nagmamakaawang tumingin siya dito. "Ate Ashley..."

Ngunit sa halip na maawa ay tinignan pa rin siya nito na parang may nababasang kung ano. "May pinagtataguan ka ba?"

Sa sinabi nito ay napatuwid siya ng upo. "Wala ah!" But her heart was racing and she sure as hell her cousin noticed it. Hindi nalang nito pinansin iyon at tinalikuran na siya.

"You have two months, Cassie."

Napabugtong hininga nalang siya at iniwan ito. Dumiretso siya sa kanyang opisina at sa mesa'y sumalampak siya. Halos yakapin na niya iyon habang unti unti ay nararamdaman niya ang pag iinarte.

Nagsimula siyang ngumawa. "Ayokong umuwi!"

Buti nalang soundproof ang bawat silid doon kaya wala siyang pake kung ang ingay ingay na niya. Siya lang naman makakakita non. Well... She glanced at the cctv and stuck her tongue out bago nagngangangawa ulit.

Wala namang masama sa project na binigay sa kanya. In fact, baka nga makipagpalitan ng pwesto sa kanya ang mga kapwa niya pilipino doon. But she knew Ate Ashley. Baka kapag sinuway niya lalo ito ay bigla siyang patalsikin sa trabaho. Mawawalan siya ng mapagkakaabalahan sa ibang bansa at mapapauwi ng di oras.

May usapan kasi sila ng Kuya niya. Nang magdesisyon siyang ituloy sa Paris ang pag aaral ay tumutol ito. Naintindihan naman niya iyon, kaya gumawa siya ng paraan para payagan siya nito. Iyon ay ang magtrabaho sa Ashley's Collection Enterprises. Kapag natanggal siya, diretso uwi. Pinaghirapan niya ang pwesto niya ngayon, hindi niya iyon pwedeng sayangin basta basta, kaya mas pipiliin niya pang magtrabaho ng two months sa Pilipinas kesa manatili doon habang buhay.

Nangalumbaba siya ng mapagod. It is not that she hate her birth country. She just don't want to go back where her past is. Iniisip pa nga lang niya ay nasasaktan na siya. Umiling iling siya. Hala, Cassie. Sampung taon na nakakalipas, masakit pa din?

Hindi niya pinansin iyon at nagfocus nalang sa trabaho. Gumawa siya ng draft ng research paper na ipapasa niya at nagplano ng mga gagawin pag uwi. She also made calls to set meetings with their potential clients at tuwang tuwa naman ang mga ito na i-accommodate siya. She was, after all, working for ACE. Sinong tatanggi sa pinakamalaking kumpanya sa fashion industry?

Halos puno na ang schedule niya for the two months stay. When satisfied ay umuwi na siya. Hindi sa anti-social siya. Hindi kasi siya marunong mag-french. Yes, ten years na siya doon ay hindi pa rin siya marunong. Nakakaintindi pero hindi nakakapagsalita. Pangit din kasi siyang magsalita sa ibang lenggwahe. Kung makikipag usap siya, sa mga kapwa niya lang pilipino.

In-on niya ang tv at hinayaan iyong mag ingay sa buong apartment niya habang nagbibihis. Napatigil lang siya nang makilala ang nasa screen.

"Xander Ace..." Xander Ace Magnus is the most popular Filipino actor na kilala na din internationally at may mga hollywood films. Hindi lang iisang beses itong nanominate sa Oscars at mukhang sa wakas ay nakuha na rin nito ang karangalan.

Gwapo, magaling, at gwapo. Sinong babae ang hindi mabibighani dito? Definitely, hindi siya. Dahil patay na patay siya dito. She can feel her eyes turn into hearts as she continue to watch him smile and wave. Thanking every person who helped him in where he is now. Including his fans. Tumili siya.

"For now, I'll be going for a long vacation. I can't tell you where, sorry," he said smiling to the camera. Tango lang siya ng tango dito. Wala siyang naintindihan ni isa sa mga sinabi nito.

Nang magcommercial ay doon lang tila nawala ang spell sa kanya. Umiling iling siya at pinlay back ang mga sinabi nito. "Long vacation...?" Nanlaki ang kanyang mga mata nang may marealize. "Ibig bang sabihin mawawala siya?!"

Patuloy siya sa paglilintanya nang mapadako ulit ang tingin niya sa tv. There, another familiar face showed up. Nanlaki ang kanyang mga mata at napapatay bigla ng tv. Bakit iba ang tibok ng puso ko sa kanya?

Twin Trouble 1: Cassie's not-so-charming PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon