Chapter 11

3 0 0
                                    

"Hoy. Ano na namang drama yan? Kada makikita ka namin lagi kang nakabusangot."

Hindi pinansin ni Cassie ang sinabing iyon ni Aj. Inirapan niya lang ito at nagpatuloy lang sa pangangalumbaba. Nakaupo siya ngayon sa hut nila kung saan nakapwesto sa tapat mismo ng beach. Di tulad ng cottage nila na nasa likod likod pa kung saan mas tahimik at mangilan ngilan lang ang mga tao.

Mula nung huli niyang bisita sa Summer Resort, mas marami ng three times ang mga tao doon ngayon. Mas masayang tignan ang lugar dahil mas marami nang mga tao, and Honey's employees were doing a great job keeping the place clean and in order.

"Ang layo ng tingin. Ikaw na ba si Yesa ngayon?"

Hinampas ng nabanggit si Aj na tumatawa tawa lang. "Ang sama niyo! Pero Cassie, may nakikita ka bang hindi namin nakikita? Alam mo kasi may vibes akong maraming mga ligaw na kaluluwa dito."

"Ay ano ba yan, Yesa! Konting preno naman. Bukas ang third eye ko, you know."

"O eh may nakita ka namang multo?"

"Hindi ba ikaw yon?"

Akmang kukurutin naman ni Aj si Aly ngunit mabilis itong nakalayo. Naiwan lang ang dalawang magugulo sa tabi niya.

"Nasan ang ate mo, Kimi-kimi?"

"It's Kimkimi," pairap na sabk nito. "She's somewhere."

"Wuu, ang sabihin mo lang hindi mo alam."

"Ikaw ba alam mo kung nasan yung iba?"

"Bakit, mukha ba akong hanapan ng mga nawawala?"

"Eto na nga ba ang sinasabi ko! Baka kinuha na sila ng mga mumu!"

Kunot noong tinignan niya lang si Yesa. Seryoso ba to? Napapailing na binalik niya ang tanaw sa dalawang taong kanina pa masayang nagtatawanan. Parang mas masaya kung bumubula ang bibig ng babae tapos siya naman ang tatawa.

"Cassie, huy. Tama na. Kaya mas iniisip ni Yesa na may mumu eh."

"Ano ba kasing tinitignan mo?"

Dumikit ang mga ito sa kanya. "Ooohhh," they all said in unison.

"Si Prince ba yon?"

"At sino yung kasama niya?"

"Babae!"

"Aj, magtataka ako kung lalaki pala yon pero nakaskirt siya."

"Uso na ang crossdressing no," inirapan nito si Kimkimi. Gumanti naman ng irap dito ang huli. "At mag-ate ka nga sakin."

"I prefer Lola Aj."

"Guys, guys," pigil ni Yesa sa dalawa. "Kayo ang may problema? O naghahanap ng problema?" Dinikitan ulit siya ng mga ito. "So sino yung babae?"

Bumugtong hininga siya. These girls, pano niya ba naging kaibigan ang mga ito ulit? "That... girl," she's trying not to say the 'word', "is Nancy. Ewan ko kung sino siya pero mukha silang close."

'Fortunately', Nancy and her companions sat beside their table, making the group larger. Sa buong lunch na iyon, wala ata siyang nadigest kahit na isang particle. Kung ang mga kasama ay masayang nakikipaghuntahan sa mga ito, siya walang gana.

Hindi na rin nilubayan ng babae si Prince. Mukhang tuwang tuwa naman ang magaling na lalaki dahil nakalimutan na ata siya nito. May nalalaman pa itong "ako naman ang huhuli sa puso mo", e kung sa malawak na palaisdaan, nakahuli lang ito ng mas magandang isda, kinalimutan na siya.

Bakit ba ko nagrereklamo?! Hindi naman ako naghahanap ng kahit ano a. Saka tinanggap ko ng gusto ko pa rin siya kahit na ginagamit lang niya akong panakip butas sa pagkakabigo sa kakambal ko o 'nililigawan' out of guilt. Pero sobra naman to. May Honey na nga, may Nancy pa! What's with letter y anyway?!

"Look, Kimkimi. Yan ang itsura ng taong may mental battle sa utak."

"Magugulat ako kung may mental battle siya sa puso."

"Ay ano ba yan, lagi ka nalang magugulat."

"Duh."

Bumugtong hininga siya at hinarap na ang mga ito sa wakas. Hindi na niya kayang makitang nakikipagkulitan pa ang lalaki sa dalaga. "Tara, kain tayo."

Aly popped out of nowhere. "Did someone say food?"

"Ha? Wala a. Sabi namin pagkain."

"Sus, sa English ganun din yun."

Hinila na niya ang apat na babae at naghanap sila ng restaurant di kalayuan don. Nagpasalamat siyang hindi na nagkomento pa ang mga ito tungkol sa kasama ni Prince. But that doesn't mean hindi na siya ang topic.

"Boy hunting tayo!" Pumapalakpak na sabi ni Aj.

"Wild ng hormones niya o."

"Waiter!"

Naupo sila sa isang six-seater na mesa. It was an open air seafood restaurant na may romantic atmosphere. Classical romantic music lang ang tugtog sa paligid at mga kalansing ng mga kubyertos. Kung may iba mang ingay doon, malamang, galing na sa kanila yon.

"So, boy hunting anyone?"

"Ay Aly, patingin din ng menu."

"Ayoko nga. Kumuha ka ng iyo."

"Hoy pansinin niyo ko!"

"My God, people. Nakakahiya kayo. Baka isipin nila wala tayong pera."

"Meron ba? Kimi-kimi, libre mo na a."

"It's Kimkimi!"

"Waiter, may sisig ba kayo?"

"Guys, ano ba?" reklamo ni Aj. "May sinasuggest ako o."

"Ay suggestion pala yon. Pero sorry, Aj. Out ako jan. Mas masarap kasi ang pagkain kaysa sa lalaki."

"Ang bunganga mo Aly!"

"What?"

"Nakatikim ka na Aly?" Aj asked while wiggling her eyebrows. "Anong lasa?

"Maalat alat tapos--"

"Okay, balik tayo sa malinis na usapan. So Aly, nakailan ka?"

Aly raised her hand and showed three fingers. Nagtitili sila.

"Hala. Naka-three extra rice ako sa itlog na maalat. Masarap yun dun sa pinuntahan ko kanina nung nagwalk out ako."

"Ay ano ba yan, bitin."

"Kimi-kimi! Ikaw pa naman pinakabata dito!"

Nakisali na siya sa mga ito. "Nagwalk out lang nakakain na."

"Syempre, yun kaya ang past time ko."

Napailing nalang sila.

"Girls!"

"Oh, Neelia, Takumi," bati ni Yesa sa mga bagong dating. Mabilis na umupo si Neelia habang si Takumi ay napanguso nalang pero hindi na nagreklamo.

"You would not believe this."

"Nandito ang pinaka-hot at pinaka-yummy na atang artista na nabubuhay sa mundong ito!"

"Dinaig ba si Xander Ace?" pabiro niyang tanong.

"It is Xander Ace Magnus!" sabay na sabi ng dalawa.

Nanlaki ang kanyang mga mata habang ang mga kasama ay tila naexcite din sa balita.

"Ano pa bang hinihintay natin? Tara na!"

"Teka kakain pa ko!"

Twin Trouble 1: Cassie's not-so-charming PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon