Chapter 21

2 0 0
                                    

Six years ago...

Hingal na hingal na tinakbo ni Prince ang daan patungo sa loob ng airport. Hindi niya pinansin kung halos wala ng tao sa waiting area, tumakbo siya hanggang sa bridge at pumasok sa isa sa mga eroplano.

"Cassie? Cassie!"

"Sir, ticket niyo po?"

"Cassie!"

"Sir, wag po kayong magwawala dito."

Ngunit patuloy niya lang nilinga linga ang paligid, umaasang may makitang pamilyar na mukha ng babaeng ngayon niya lang nalaman ang halaga.

"Sir, ang ticket niyo po," may diing sabi ng isa sa mga stewardess don. Saglit na tinignan niya ito hanggang sa may bigla siyang maalala.

He gripped her arms and slightly shaked the shocked woman, "Anong flight to?"

"S-sir?"

"I said what flight is this, damn it!"

Pinalis lang nito ang kanyang mga kamay nang masigawan at tinignan siya ng diretso sa mata na may halo na ngayong inis.

"12nn flight to Guam."

Doon siya tuluyang napamura at dire-diretsong lumabas para pumunta sa kabilang eroplano.

"Sir!" Hindi niya iyon pinansin at nagpatuloy lang sa pagtakbo. Laking gulat niya nang may naramdaman siyang kung anong tumama sa kanyang ulo.

"Sabi nang sandali lang, putangina!"

Kinunotan niya ito ng noo at muli ay tinalikuran ito.

"Saan ka ba pupunta?"

He answered her anyway. "12nn flight to Paris."

"Huh," takang sabi nito. "Walang 12nn flight to Paris."

Doon siya tumigil at sa ikalawang beses ay nilingon niya muli ito. "What did you just say?"

Hawak hawak na nito ang heels na marahil ay hinubad nito nang hinabol siya. "Walang flight ng 12nn to Paris," nakapamaywang na sabi nito. "11am, oo. So whoever that Cassie is, pwedeng may 12nn flight talaga siya o nag 11am siya."

Sa sinabi ay tuluyan na siyang tumigil. Laglag ang mga balikat na yumuko siya, at sa wakas, bumagsak na din ang mga inaasahan niyang luha.

Twin Trouble 1: Cassie's not-so-charming PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon