"Bakit kayo nandito? Na naman?" Mas malakas ang pagkakasabi ni Honey sa huling dalawang salita kaysa sa nauna. Mukhang for the six years ay walang pagod ang mga ito sa "pagdalaw" sa kanyang kakambal.
"Ano pa ba? Syempre namiss ka namin!"
Napairap lang ang dalaga. Kasalukuyan silang nasa living room. May malay na si Cassie at nakaupo nalang sa tabi ng kanyang kuya at ng mag ina nito. Hindi niya pinansin na may kanina pa nakatitig sa kanya. Hindi importante ang bagay na iyon.
Kasya naman silang lahat sa malawak na sofa ng kakambal ngunit ang iba ay mas piniling maupo sa sahig.
"Lokohin niyo ang uban ni Ganda--"
"Hindi nga sabi ako si Ganda!"
"May sinabi akong pangalan?" Napairap ulit si Honey at nagpatuloy sa pagsasalita. "As I was saying, lokohin niyo ang uban ni Ganda," umiwas ito sa lumilipad na unan, "alam kong wala na naman kayong magawa sa mga buhay niyo at ako ulit ang naisipan niyong istorbuhin."
"Hindi ka pa ba nasanay?" Aly said while munching on the cookies in a jar. It was actually for all of them pero mukhang inangkin na nito iyon. "Every year kaming nandito tapos every year yan din ang tanong mo."
"Every year din pinapaalala ko sa inyo na hindi kayo welcome."
"Try mo ulit next year."
Natawa ang mag iina. Mukhang sanay na ang mga ito sa kanilang mga kaibigan. Kung totoo nga ang sinasabi ng mga ito, ibig sabihin ay every year simula nung six years ay matagal ng pabalik balik ang mga ito doon. Mukhang ginawa na nilang annual ang pag"bisita".
"Well, my dear, Honey. Kaya kami nandito ay para payagan mo kaming pumunta sa resort mo."
"Odi pumunta kayo."
"Ng libre."
"Ay uwi na." At tinalikuran sila nito.
"Ang kuripot mo talaga!"
"Hoy, hindi ako kuripot!" Sagot nito sa sinabing iyon ni Aj. "Abusado kamo kayo."
"Oy, hindi a. Grabe makaparatang to."
"Deny ka pa, Neelia."
"Oy, hindi a. Grabe makaparatang to."
Napailing nalang si Honey. Kahit siya ay nalilito na din. She looked at Hikaru who was busy typing something on her phone. Mabuti pa ito, may sariling mundo.
"Come on, Honey. It was just a three day vacation."
"Isang araw na libre, dalawang araw na may bayad."
"2-1!"
"1-2!"
"0-3!"
"Anong 0-3?!"
"Hehe, libre mo na yung three days."
"Naglalaro ba sila ng concentration?" Mahinang tanong ni Kimkimi sa nakatatandang kapatid nito na si Karissa.
"Oy sali ako!"
Tumayo bigla ang kanyang kuya. "Para walang away, ako nalang ang magbabayad."
Nagtatalon sa tuwa ang mga ito. Except ulit sa tatlo. "Nagdiwang ang mga pakawala," bubulong bulong na sabi ng kanyang kakambal.
"Sasama tayo di ba, hon?"
"Yes, hon."
Sumuntok sa ere si Harriet. Si Harry, nasa tabi na ni Aly at nakikikain.
Natawa lang siya at iniwan na ang mga ito sa kanya kanyang paghahanda.
"O, Cassie, san ka pupunta?" Sa paglingon sa tumawag sa kanya ay di sinasadyang napadako ang kanyang tingin sa isang partikular na lalaki. Agad naman niyang iniiwas ang mga mata dito at sinagot ang tanong na iyon ni Yesa.
BINABASA MO ANG
Twin Trouble 1: Cassie's not-so-charming Prince
Romantizm(1) Tropang Watty presents Twin Trouble 1: Cassie's not-so-charming Prince "What are you doing?" Pagalit na tanong ni Prince kay Cassie. "Bakit mo pinagbabawalang lumapit ang ibang babae sakin?" Humalukipkip si Cassie at inis na hinarap ang magaling...