Chapter 2

8 0 0
                                    

"Hala, manong, anong 1,000? Airport hanggang dito, 1k na? Parang 7 pesos sa jeep at 20 pesos sa tricycle lang dapat to a."

"Edi ma'am, sana nagjeep at tricycle ka."

"Pwede kitang pakasuhan, kuya. Umayos ka."

Nagkamot sa ulo ang pobreng taxi driver. Iisahan pa siya nito. "900 nalang, ma'am."

Pumwesto siya sa likod ng taxi habang hawak hawak ang isang 500 peso bill at cellphone. Saka binasa ang plate number, "UFO 13--"

Sa isang iglap ay nawala ang 500 pesos na hawak niya at ang taxi mismo. Ngumisi nalang siya at dumiretso sa tapat ng bahay niya. Kahit nakaalis na ito ay markado na sa kanya ang plate number nito.

Bitbit ang mga bag ay lumapit siya sa gate para lang din matigilan.

"Shit! Wala akong susi!" Bakit nga ba nakalimutan niyang tawagan ang tagapangalaga ng bahay na iyon. Sunday ng araw na iyon, hindi iyon ang araw ng paglilinis. Napapadyak nalang siya.

Pagkatapos ng isang linggong paghahanda ay isinagawa na niya ang plano. Nag iwan nalang siya ng email kay Ashley na aalis na siya, respeto sa pinsan niyang nag alaga sa kanya ng mahabang panahon. Ngayon ay nasa Pilipinas na siya at namomroblema kaagad.

"Bakit ko ba kasi nakalimutan!" Tirik na tirik ang araw ng tanghaling iyon. Buti nalang ay nakawhite tanktop at denim shorts siya. Tinanggal na niya ang cardigan dahil sa init at nagbun ng buhok.

Tinawagan niya ang babae, magbabakasakaling maabot nito sa kanya ang susi. Hindi rin nagtagal ay may sumagot. "Hello, manang. Si Cassie po ito."

"Ma'am Cassie! Naku kamusta po?"

Napangiti siya sa pangangamusta ng tagapangalaga niya. Hindi man nila nakikita ang isa't isa ng madalas ay panatag siya na loyal ito sa kanya.

"Nasa Pilipinas ako. Sa tapat ng bahay ko actually. Uhm, pwede ka po bang pumunta dito at pagbuksan ako?"

"Po?" Nalilitong sabi nito. "Eh, ma'am, taga Mindoro ho ako."

***

Pangalawang mansanas na ni Cassie iyon sa hotel na pinagtatambayan. Hanggang ngayon kasi ay walang sumasagot sa mga credit cards niya. Napagdesisyunan niyang sa hotel muna manatili, dahil obviously imposibleng makapunta agad ang tagapangalaga sa kanya sa maikling oras. Ayaw naman niyang pahirapan ito kaya naghanap siya ng ibang matutuluyan. Babalik siya wednesday, ang araw kung kailan babalik sa pagbabantay ng bahay ang butihing ginang.

Unang credit card, ayaw gumana. Pangalawa, ayaw gumana. Nasa pangatlo na sila ngayon at inabisuhan siyang maghintay nalang.

She cannot believe this. Hindi siya magastos na tao. Well, medyo. Pero sigurado siyang may laman naman ang mga cards niya. Ilang oras na siya doon at nagsisimula na siyang mairita. Hiyang hiya na siya dahil kung tignan siya ng staffs ay parang wala naman talaga siyang pera. Hello, she's Cassandra Samontañez, one of ACE's well known fashion designers! Hindi siya mahirap!

"Ma'am, sorry po. Wala din pong nasagot." Tumayo siya at hinablot ang mga cards dito. Nagmarcha siya palabas. Kahit meron ngang laman ang mga cards na iyon ay hindi na siya mag iistay sa hotel na iyon.

"Walang kwentang services!"

Wala siyang pakielam kung may nakarinig sa kanya na taga-hotel, basta asar siya tapos. Nakakastrike three na siya. Taxi, bahay, hotel...

"Lord, wala naman akong utang sayo a," ngawa niya.

Wala siyang ibang choice kundi kausapin ang kuya niyang nakatira malapit doon. Ayaw sana niyang magparamdam sa kahit na sino sa kanila para matapos agad ang trabaho niya pero eto na nga, naubusan na ng options.

May sumagot din naman agad. "Hello, kuya," malungkot na sabi niya.

"Honey?"

"Kuya," she pouted. "Si Cassie to."

Saglit na natahimik sa linya kaya napakunot noo siya. Bumalik din ito naman agad agad. "Cassie!" May something weird sa boses ni kuya. "Napatawag ka?"

"Bawal ba kitang tawagan?" sarkastikong balik niya.

Natawa lang ito. "Bakit parang bad mood ka? Anong nangyari?"

Sa tanong nito ay muli niyang naalala ang sunod sunod na kamalasan niya. Nagsimula siyang umiyak, without tears.

"Hey, Cassie, what's wrong?" Now her kuya sounds worried.

"Eh kasi, kuya, nasa Pilipinas ako. Nasa tapat ako ng isang hotel. Kuya wala akong mauwian," sunod sunod na sabi niya.

"Ha?" Kahit siya ay nalito. Nasa tapat ng hotel tapos walang mauwian?

"Sunduin mo nalang ako, Kuya. Saka ko ikkwento sayo." Sinabi niya ang eksaktong lokasyon niya.

"Actually, magbabakasyon kami sa rancho ni Honey. You should come with us." Bago pa siya makasagot ay naputol na ang linya.

What? Sa rancho ni Honey? Pero ang katabi non ay ang... Umiling iling siya. No. No way. Baka magkita pa sila!

Malay mo wala siya doon, sabi ng isang bahagi ng isip niya. Ten years, walang magbabago?

Eh, what if nandun nga? Two months kang stuck don. Araw araw mo siyang makikita.

It's just a rest house. He's like, what, 29? He must have a life of his own.

At kasama sa life niyang iyon ang rest house.

"Shut up!" May mga napatingin sa kanyang mga tao pero hindi na niya iyon pinansin. Ang ingay kasi ng mga nasa utak niya. Habang tumatagal pakiramdam niya ay mas mababaliw siya.

Wala siya magagawa kung sa rancho nga ang ending niya. Sabi nga ng isang parte ng isip niya, ten years na ang nakalipas. Her feelings should've changed. Hindi na siya ang dating Cassie.

Twin Trouble 1: Cassie's not-so-charming PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon