Napalingon si Cassie sa paligid nang biglang nag-dim ang ilaw, sa mismong kinatatayuan niya na kanina'y sinasayawan ng mga matatanda. Wala na ang mga matatanda, wala na ngang nagsasayaw, abala na ang mga tao sa pagsulyap sa mga iniidolo. It was just them in the middle of the court.
Naka t-shirt at knee length pants ang lalaki. Iyong maraming bulsa. Mukhang ngayon lang din ito lumabas.
Nag iwas siya bigla ng tingin, oo nga in love pa rin siya dito, pero dapat na din niyang turuan ang pusong wag na itong mahalin.
Hindi na sana niya ito papansinin ngunit bigla siyang napatid at sa ikalawang beses ay nasalo ulit siya ng binata. Mabilis naman siyang humiwalay, but he held her arms firmly. Bigla bigla ay narinig niya ang lead singer.
"Di na kita mahal... Yan ba ang nais mong marinig?"
Sinubukan niya ulit na kumawala pero ni hindi ito natitinag.
"Pakawalan mo ko, Prince."
"I can't."
Nakagat niya ang ibabang labi. "Please," aniyang sa nanginginig na tinig.
But instead of listening to her plea he held her waist and clasped her right hand to his left hand. Ang isang kamay naman niya ay ipinatong nito sa balikat nito. Ilang sandali lang, in the middle of the court, surrounded by busy people, they swayed along with music.
Bakit? Bakit siya nasa ganitong sitwasyon? Bakit naririnig niya ang bilis ng tibok ng puso nito? Bakit kahit blangko ang mga mata nito ay alam niyang may tinatago itong damdamin sa kanya? Ano ba talaga?
Ngunit kahit na ganoon, hindi niya pa rin mabawi ang mga kamay niya dito. Na kahit luwagan pa nito ang pagkakahawak doon ay kakapit siya, kakapit siya sa pag asang baka pwede pa. Hindi rin niya maiiwas ang mga mata sa mga mata nito, tila kinakabisado din nito ang bawat detalye ng kanyang mukha, na siya ding ginagawa niya.
"Prince--"
"Bakit?"
Napapikit pikit siya. "H-ha?"
"Bakit mo ko mahal?"
Natahimik siya at malungkot na ngumiti. "Sa totoo lang... Hindi ko rin alam," sagot niya din ilang sandali. "Ikaw. Bakit gusto mong nasasaktan ako?"
Umiling ito. "I never wanted to hurt you." Nanatili siyang tahimik. "You're really precious to me, Cassandra."
Sa pagkabanggit nito sa pangalan niya ay napalunok siya. Tila may nakabara sa kanyang lalamunan na isusuka niya lang din. Ni hindi niya alam kung may nagfafunction pa ba sa buong katawan niya.
Nagulat siya ng ipinatong nito ang noo nito sa kanya. Sa tangkad nitong halos hanggang balikat lang siya ay niyuko nito ang ulo para lang maabot ang noo niya. Damn, hindi siya iiyak!
"Cassandra." Oh, his hushed voice is what she loved the most. Everything about him, she love it all. "You're the best thing that ever happened to me. I don't want to lose you."
"Then don't," her voice cracked. Mukhang ttraydurin na naman siya ng damdamin. "Just say you love me, please, say it."
"I don't deserve you. Lagi lang kitang sasaktan."
"Parte ng love ang pain."
"No," umiling ito. "There should be no pain in love. You shouldn't be in pain." He gripped her hand tighter. "I shouldn't put you in pain."
Malungkot na ngumiti siya. Mukhang alam na niya kung saan mapupunta ang usapang iyon. Pang ilang paalam na ba nila iyon? This time ba mapapanindigan na nila? Sa isipin palang na tuluyan na nilang kakalimutan na nila ang isa't isa ay para na siyang madudurog. Pero kailangan. Kailangan na nilang mag move forward.
What he said next made her smile and cry at the same time. Nakisabay ito sa bandang kumakanta habang halos magdikit ang kanilang mga mukha. "Kung ako lang, kung ako lang, ay di ko sasabihin. Para sayo, para sayo, kailangan kang limutin."
Hinayaan niyang tumulo ang mga luhang di na ata napagod sa pagpatak. Naiinis siya sa sarili niya dahil napakaiyakin niya, pero isa iyon sa ipinagkaiba niya sa kakambal niya. Yes, because of him, naging mahalaga sa kanya ang bawat pagkakaiba nila ni Honey. Ayaw niyang makita nito sa kanya ang babaeng 'mahal' kuno nito.
Lumunok siya. "Kung ako lang, kung ako lang, ay di ko sasabihin. Para sayo, para sayo, handa kitang limutin," she sang along as well. Ngumiti ito at hinayaan siyang kumanta. "Kung ako lang, kung ako lang, ay di ko kakayanin. Para sayo, dahil sayo, ay aking pipilitin."
"See you soon." She felt cold. Kakatapos lang summer at nilalamig na siya. Sobrang lamig na akala mo magkakawinter. Wala na ang mga kamay na kanina'y nakapalibot sa kanya.
After those three words, he left. Nang nag angat siya ng tingin ay nakatalikod na ito sa kanya. Dasal siya ng dasal na sana lumingon ito, kahit saglit, but no, hindi na ito tumingin sa kanya hanggang sa matapos ang kanta at napalitan na naman ng masayang tugtugin. Naiwan nalang siyang nakatayo, mag isa, wala na ang puso niya sa kanya. Isinama na nito iyon, nakatago sa kasuluk-sulukan ng puso nito, na hindi na nito mapapansin.
"O, Cassie nandito ka lang pala!"
"Bakit tulala yan?"
"Oh, no. Nagkausap kayo ni Prince no?"
"Prince? Nandito si Prince?"
"May kwek kwek!"
Wala siyang pinansin sa mga ito. Nakatingin lang siya sa malayo, specifically, sa pinanggalingan ni Prince. Minsan pala hindi maganda ang pagiging selfless. Baka kasi sa kakaisip mo sa kapakanan niya, nawalan kayo bigla ng pag asa. Lagi mong iisipin na hindi ka deserving para sa kanya pero actually, pwede naman. Kung hindi ka deserving ngayon, gumawa ka ng paraan para maging deserving ka. Wag ka ding nagpapadala sa takot. Baka kasi kung puro ka takot, marami ka nang opportunities na namiss. Hindi na sana umabot ng dalawang dekada ang love story nila kung di dahil sa ego, at fear. Nakakatawa na kung kailan niya narealize ang lahat ng to, wala na ang taong mahal niya.
Honey gently guided Cassie's head to her chest, and hugged her. "Ayos lang yan, kambal."
Feeling her twin's warmth, she thought it was enough. But no, ibang init ang gusto niya, at kakadama niya lang non kanina. She breathed in, at unti unti ay nararamdaman na niya ang paninikip ng dibdib. Iniiyak niya ulit ang lahat ng kanyang nararamdaman. See you soon.
BINABASA MO ANG
Twin Trouble 1: Cassie's not-so-charming Prince
Romance(1) Tropang Watty presents Twin Trouble 1: Cassie's not-so-charming Prince "What are you doing?" Pagalit na tanong ni Prince kay Cassie. "Bakit mo pinagbabawalang lumapit ang ibang babae sakin?" Humalukipkip si Cassie at inis na hinarap ang magaling...