Nakatitig sa kawalan si Cassie nang may naglapag ng mainit na tsokolate sa harap niya. Nang nagangat siya ng tingin ay nakita niya si Ruby na naka-puting polo, brown na slacks, at itim na apron. May itim na french hat din ito sa ulo.
"Dahil nakangalumbaba ka, doble ang presyo ng chocolate mo."
Kumunot ang noo niya. "Hindi ako umorder."
"Tambay ka pa ng shop ko. Times 2 ulit."
"Aba--"
"Kapag nagreklamo ka, ittimes two ko ulit yan." Iyon lang at tumalikod na ito.
"Ito talagang si Rumina Villanueva, dapat pinapakasal e."
"Kahit naman ipakasal mo yan, tingin ko titiklop din ang lalaki sa kanya. Aba, mas lalaki yan sa lalaki no," komento ni Takumi.
"Para sa ating escort!" Yesa raised her coffee.
"Yehey!" Nakisabay naman na sabi ni Aj.
"Tirik na tirik ang araw, nagkakape tayo!" Naki-cheers na sabi ni Neelia.
Kahit ang mga walang pake na sina Hikaru na abala sa pagtatype, Kimkimi na abala sa pagttext, at Karissa na mukhang bored, ay nakisali sila sa pagkampay ng mga mug ng kape.
"Nasan nga pala si Rich?"
"As usual, bihag na naman ng bestfriend niya."
"Isa pang hopeless case ang dalawang yon. Lalo na si Kevin. Ayaw tantanan si Rich, halata namang kapatid lang turing sa kanya non."
"Ugh, bakit kasi walang project ngayon?"
"Sis, you canceled your noon project for this mini reunion, di ba?"
"Kimi!"
"It's Kimkimi!"
"Wushu. Denial pa tong miss taray natin. Lab na lab din naman pala tayo," kantiyaw ni Takumi.
Karissa rolled her eyes. "Whatever."
"Buti pa ko aminado na gusto ko kayong makita. Nakakatuwa kasi kayong panoorin na magmukhang mga ewan."
"Etong si Kimi-kimi, manang mana sa ate niya."
"Kimkimi nga kasi pangalan ko!"
"Oo na, Kimimi."
"Argh!"
"Huy, Neelia. I-photo album mo na kaya yan?"
"Hala. Bakit iisa nalang ang mukha ng mga nasa picture?"
Nacurious sila sa sinabi ni Yesa kaya nakidampot sila ng mga picture kahit na pinipigilan sila ni Neelia.
"Hoy, ano ba. Ibalik niyo nga yan."
"Hala, Neelia. Stalker ka na?"
"Yon nga ang hindi ko magets. Pano sila naging magkakamukha?"
Biglang natawa ng malakas si Takumi. "May favorite subject ka na?"
"Si Neelia, stalker na!"
Napangiti siya sa asaran ng mga ito at tumingin ulit sa labas ng floor to ceiling glass panel. Pinanood niya ang mga taong naglalakad papunta sa kung anumang destinasyon nila.
Naalala niya ang nangyari apat na araw ng nakalilipas. When she woke up, wala na daw si Prince. Then she decided to go back to Paris to have that formal talk with her cousin. She packed her things and the next day, umuwi na ulit ng Pilipinas. Basically, lutang pa siya.
"Isa pa tong ineng natin."
"Naku, malamang si Prince ang nasa isip."
Sa pagkabanggit sa pangalan ay nilingon niya ang mga kaibigan. Lahat ay nakatingin sa kanya pwera kay Hikaru at Aly.
BINABASA MO ANG
Twin Trouble 1: Cassie's not-so-charming Prince
Romance(1) Tropang Watty presents Twin Trouble 1: Cassie's not-so-charming Prince "What are you doing?" Pagalit na tanong ni Prince kay Cassie. "Bakit mo pinagbabawalang lumapit ang ibang babae sakin?" Humalukipkip si Cassie at inis na hinarap ang magaling...