"Wala na bang ibibilis tong sasakyan na to?"
"Bakit ulit natin ginagamit ang coaster ko?"
"Nauutot ako."
"Yuck."
Cassie can't keep her mind focused. As the times passes, her list of what ifs is getting longer. Nawawalan na siya ng pasensya.
May humawak sa kanyang mga kamay. May pangunawang ngiti sa mga labi ni Honey. Hindi niya alam kung anong kinalabasan ng pagganti niya ng ngiti basta wala doon ang atensyon niya.
"Don't worry. Kung di natin siya maabutan, mageempake tayo papuntang Paris. We'll find a way."
Determinadong tumango siya. "He's fighting for our love, Honey. Sasabayan ko siya sa labang iyon. Hindi nako tatakbo." Mukhang natuwa naman ito sa sagot niya at ibinaling ulit ang atensyon sa daan, hindi pinapakawalan ang kanyang mga nanlalamig na mga kamay.
Mabilis na dumaloy sa kanya ang mga alaala noong una silang nagkita. Titig na titig ito sa kanya at ng mangitian niya ay namula ang mga pisngi. He looked so adorable that time. Every time she looked at him, he would always blush. Siguro kaya siya nainlove dito ay dahil sa blush na yon. Torpeng torpe ito pagdating sa kanya, bakit hindi niya iyon napansin?
"Ahh! Kaya parang pamilyar ang binatang iyon ay dahil siya ang kapitbahay natin. Lagi siyang tumitigil sa tapat ng bahay tapos titigan to. Akala ko nga masamang loob pero mayaman naman kaya imposible. Saka kung makatingin siya sa kwarto mo, ang lungkot ng mga mata. Magkakilala pala kayo ng binatang ito?"
"Cassandra, I'm sorry. Alam kong wala akong karapatan na pigilan kang mahalin siya. Imbes na pigilan kita, dapat lumaban ako ng patas. My love for him made me selfish. Siguro nga hindi ako inlove sa kanya. I just love the idea of being in love with him. Naaalala ko kasi yung lalaking tumatakbo sa airport at hinahanap ang isang babae na may pangalang 'Cassie'. I wondered if there would be someone who would chase after me like that? Yung bang... Parang ayaw akong pakalawan?"
"Lagi niyang sinasabi samin na mahal ka niya pero never niyang sinabi sayo? What a coward."
"He never loved me, Cassie. Kung may pagmamahal man, pagmamahal kapatid lang. It was always you. Napakatanga niya lang at dinamay pa ko. Tuloy nawalan ka ng tiwala sakin."
"Hindi mo napapansin? He was always looking at you. Sigurado kang wala siya nararamdaman para sayo?"
![](https://img.wattpad.com/cover/1805281-288-k876488.jpg)
BINABASA MO ANG
Twin Trouble 1: Cassie's not-so-charming Prince
Romance(1) Tropang Watty presents Twin Trouble 1: Cassie's not-so-charming Prince "What are you doing?" Pagalit na tanong ni Prince kay Cassie. "Bakit mo pinagbabawalang lumapit ang ibang babae sakin?" Humalukipkip si Cassie at inis na hinarap ang magaling...