Hindi na kumain ng dinner si Cassie. Pagkagaling sa restaurant na pinagkainan nila ay walang lingon silang bumalik sa cottage. Gusto pa ngang manatili ng tatlo sa kanyang tabi but they're here for a vacation, they should enjoy themselves.
Kanina pa text ng text sa kanya ang iba pang mga kaibigan, even her kuya is worried. But Yesa, Neelia, and Hikaru took care of it, tiwala naman siyang hindi ipagsasabi ng mga ito ang nangyari.
Humiga siya sa kama at tinitigan ang kisame. Nalilito siya. Hindi niya alam kung bakit bigla bigla ay naiyak siya. Walang rason. Ano kung nakita niyang halos dalawang araw nang magkasama ang dalawa? Ano kung nginingitian ni Prince si Nancy na parang close sila? Ano kung pumapayag payag lang ito na hilahin ng babae kung saan saan? So what? For all she know, they might have a deeper relationship than that. They had been friends for six years nga daw. Like she and her friends. It's long enough to deepen whatever what's going on between them. Wala talagang rason kung bakit kailangan niyang umiyak!
Tumunog ang kanyang tiyan. "I'm hungry..." Napabugtong hininga siya. "Pero wala akong ganang kumain."
Ilang oras pa siyang nakatitig lang sa kisame. Hindi niya nga alam kung iiwan ba talaga siya ng mga kaibigan niya o bibigyan ng oras para mag isa. Because as of this moment, she prefer the latter.
Nang tumunog ulit ang kanyang tiyan ay nagdesisyon na siyang bumangon. "Makapaghanap na nga ng makakainan." She texted her friends para hindi sila mag alala sa kanya.
Nagsuot siya ng scarf at naglakad lakad. Marami pa ring tao sa labas, malamang ay nagsisimula palang ang gabi ng mga ito. Hindi na siya lumayo at kumain lang sa pinakaunang restaurant na nakita niya. Medyo liblib ang lugar kaya hindi kataka takang kaunti lang ang mga tao.
The place was like a nipa hut. A really spacious nipa hut. Christmas lights ang ginamit na ilaw para sa lugar. Naupo si Cassie sa pinakasulok at umorder ng pagkain. Nakangiting tinanguan siya ng waitress bago umalis. Mukhang alam nitong may problema siya but didn't say a word.
She was on the middle of eating her meal when she heard someone cleared her throat. When she looked up, it was Nancy.
Ngumiti ang babae sa kanya. "Mind if I join you?" Umiling siya kaya naupo na ito. She ordered a glass of wine for herself and let her eat in silence.
"Nakita kita kaninang tanghali." Tinignan niya ang babaeng nakatitig sa baso nito. "You were with your friends. Sa katabing restaurant kung saan kami kumain ni Prince."
When she mentioned his name, she almost choked on her food. Patay malisyang uminom siya ng tubig. "We were having lunch."
Ngunit binalewala lang nito iyon. "And at the souvenir shop, sa breakfast hall, sa beach..." She looked at her and smile. There was something about her smile that makes her feel uneasy. "You were following us, weren't you?"
Nag iba siya ng tingin. "Kumain kami. Namasyal. Kumain."
Nancy chuckled. "Cassie, Cassie, Cassie. A woman in love can't fool a woman whose in love as well. Especially with the same guy."
This time, binitawan na niya ang mga kobyertos at tinitigan ito ng diretso sa mga mata. "I am not in love with Prince."
Iiling iling na tumawa ito. "You don't get it, do you?" Tumawa lalo ito. "Wala naman akong sinabing in love ka kay Prince." Cassie was about to defend herself when the woman spoke again. "Ikaw na mismo ang naglaglag sa sarili mo. Pero okay lang, para alam ko kung sino ang kakompetensya ko."
Hindi siya nagsalita kaya nagpatuloy ito. "Yes, I'm in love with him. In fact, I have been in love with him the moment I first saw him. Guess what? That was six years ago." Tumawa lang ito. "Hanggang ngayon, siya pa rin. Pero anong magagawa ko, he only see me as a friend." Nang tumingin ito sa kanya ay napalunok siya. "May babae kasing pilit na humaharang para mainlove siya sa iba."
![](https://img.wattpad.com/cover/1805281-288-k876488.jpg)
BINABASA MO ANG
Twin Trouble 1: Cassie's not-so-charming Prince
Dragoste(1) Tropang Watty presents Twin Trouble 1: Cassie's not-so-charming Prince "What are you doing?" Pagalit na tanong ni Prince kay Cassie. "Bakit mo pinagbabawalang lumapit ang ibang babae sakin?" Humalukipkip si Cassie at inis na hinarap ang magaling...