Chapter 16

14 0 0
                                    

"This is Moderna Filipina." Cassie pressed her remote to continue. "Our target market are mostly girls and girls at heart." Nagturo siya ng kung anu ano sa laptop at ipinaliwanag ang concept ng kanyang project.

Naiilang siya. Imbes kasi na sa powerpoint niya ito nakatingin ay titig na titig lang ito sa kanya. Nakapangalumbaba pa ang damuho. Hindi nalang sana niya papansinin ito kung hindi ito bumugtong hininga. He was openly admiring her!

"Will you quit it?"

"Quit what?"

"Staring!"

"I'm not staring at you." He lazily smiled at her. "I'm admiring you." I know!

Her heart started to celebrate pero nang maalala si Nancy ay napalitan ng pagkairita ang kilig na kanyang nadarama. "Well whatever it is that you're doing stop it." Binalik niya ang atensyon sa powerpoint. "As I was saying--"

"Why don't we eat first?"

Hindi niya nilingon ito. "Busog pa ko. Saglit lang ang presentation ko basta makinig ka."

"Cassie, you should lighten up a bit." Hinila nito ang upuan niya sa tabi nito and tapped the seat. "Upo ka."

"Ayoko--"

"Aalis nalang ako."

Nang tumayo ito ay naguluhan siya. Bakit imbes na matuwa siyang nairita niya ito ay tutol pa ang kanyang puso at isip? Friends na pala sila?

She watched him slowly move and pick up his things, then slowly walked towards the door. Nang tila hindi makatiis ay nilingon siya nito. "Hindi mo talaga ako pipigilan?" She remembered her project. Should she stop him?

"Cass?"

"Teka, nag iisip ako!"

There again the amusement in his smile. Napabugtong hininga nalang siya.

"Fine, fine." Inayos niya ang laptop at ipinuwesto sa dulo ng mesa saka naupo sa isa sa mga upuan na magkatabi na ngayon. Well, inilayo niya ng kaunti ang upuan niya sa upuan nito.

Naupo ulit ang lalaki sa tabi niya. "Okay, continue."

Napalunok siya at nagpatuloy sa pagsasalita. All the time she was talking, his arm was on her seat. Nakapatong lang iyon sa ibabaw ng backrest at hindi naman siya dinidikitan kaya hindi na niya iyon pinansin.

"So, it will launch two months from now. And I want your company to write an article about our clothes."

Akala niya ay hindi talaga ito nakikinig kaya nagulat niya ng nagkomento ito. "Isn't it a bit too early for this?"

Cassie straightened her back, napadikit tuloy ng wala sa oras ang likod niya sa braso nito. Again, hindi niya pinansin ang pagbilis ng tibok ng kanyang puso.

"It's better to be prepared, don't you think?"

Tumango tango ito. "Approved na ba ito?"

Doon siya tumabingi. Wala pa ring sagot ang kanyang pinsan kaya wala pa ring approval. "Inaantay ko nalang ang sagot ni Ate Ashley--"

"So, hindi pa approved ito." More on pa-statement nitong sabi.

"But it will be," mabilis niyang sagot.

Prince chuckled. "Lighten up, Cass. Mahaba pa ang oras mo."

May kung anong pumitik sa tungki ng kanyang ilong at iritang binalingan ito. "Wala ka bang tiwala sa kakayahan ko?"

The man raised his both hands under his head. "That wasn't what I meant."

She didn't know where that unfamiliar power came from but it's making her giddy.  Parang may power siya over this guy at naeexcite siya at tila nagustuhan pa ang pagtatampo ng kanyang puso. Agad agad ay nawala din ang pagtatampo niya, mag iinarte nalang ng kaunti.

"Maaapprove ang project ko, tandaan mo yan."

"Yes, yes. I understand." Inayos nito ang damit. "God, Cassie. Hindi ka pwedeng magtantrums kapag nasa disadvantage ka." Magsasalita sana ulit siya ngunit naunahan siya nito. "You know what I'm talking about."

She just pouted her lips.

"Let's eat."

As on cue, inayos niya ang upuan at bumalik sa dating pwesto.

"Where you going?"

She raised her eyebrows in question. "Back to my place?"

"Oh... Okay."

May napansin man ay inignora nalang niya iyon. Hindi na nagwawala ang kanyang puso, in fact, kalmado na iyon, tila may tinanggap na hindi niya alam. They started eating in silence. Not until, he talked.

"So this is the project you've mentioned before."

Tumango siya, ang atensyon ay nasa pagkain pa rin. Maaring kalmado na ang kanyang puso pero ayaw niyang sirain ang tahimik na ritmo non. "Oo. Ako ang naisipan ni Ate Ashley na ipadala sa Pilipinas para tulungan ang mga branch dito."

Funny how they can talk like nothing happened, like Nancy didn't happen. Sa pagkakaalala sa babae ay nabulunan siya at pasimpleng uminom ng tubig. Hindi niya alam kung nahalata nito iyon dahil wala naman itong sinabi.

"Ikaw," balik niya dito. "Hindi ko alam na ikaw pala ang CEO ng Big Publishings."

"Yeah." Cassie heard him snickered kaya nag angat siya ng tingin ang gave him a questioning look. Na mukhang nagets naman nito. "It's just that my surname is Enorme and it's like a shorter version of enormous which means huge, gigantic, or simply... Big." Again, he tried to contain his laughter. "Cool, right?"

Nginitiang aso niya ito. "Witty. Sipag ng nag isip."

Na ginantihan lang nito ng totoong ngiti, with matching bow pa. "Thank you."

Naningkit ang mga mata niya dito. "Ahh, oo nga pala. Prince Bienvenido Enorme ka nga pala."

Pagkabanggit sa buong pangalan nito ay nakuha naman niya ang inaasahang reaksyon. "Naman, Cassie. Okay na yung Prince Enorme, hindi mo na kailangang banggitin pa ang second name ko."

Sa pagkakataong iyon ay siya naman ang ngumisi. Binitawan niya ang mga kubyertos at nakahalukipkip na sumandal sa upuan. "Sixty-seven years mo nang dala ang pangalang yan, di ka pa rin sanay."

"Anong sixty-seven years? Twenty-nine lang ako."

"Hala," she covered her mouth, feigning a shock. "Hindi pa kasama yung overtime sa twenty-nine."

"I don't really get it."

"What?" Binalikan na niya ang pagkain.

"The overtime joke. Kapag kinakalkula ko naman kasi ang overtime, hindi naman umaabot ng ganon katagal."

"Pff." Halos maibuga niya ang nginunguya at dali daling uminom ng tubig.

"O anong nangyari sayo?"

Kinumpaskumpas niya lang ang mga kamay hanggang sa malunok na niya ng tuluyan ang kinakain at tumawa ng malakas.

Maubus-ubusan na siya ng hininga ngunit hindi pa rin siya nauubusan ng maitatawa. Hanggat naaalala kasi niya kung paanong sineryoso ni Prince ang walang kwentang birong iyon ay nattawa nalang siya. How can a guy like him, CEO pa man din, nakapagtapos ng pag aaral at bonus pang gwapo, can be confused with an 'overtime' joke.

She can feel tears forming on the side of her eyes and wiped them before laughing again. Tumigil lang siya nang mapansing nakangiting nakatitig nalang ang lalaki sa kanya.

Doon niya naalala ang manners. Tumikhim si Cassie at pinunasan ang bibig. "Sorry."

"No, it's okay." Nanatili itong nakatitig sa kanya, nangalumbaba pa ang bruho. "It's been a while since I saw you laugh like that." Naiilang siya sa paraan ng pagtitig nito, ginugulo kasi niyon ang nananahimik niyang puso.

"Lagi akong tumatawa."

Nag iwas siya ng tingin ng lumungkot ang mga mata nito. Ngunit hindi nakaiwas ang kanyang puso, hayun na naman at nakakaramdam ng pangungulila dito. Alam niya kung ano ang umiikot sa isip nito, alam niya dahil pinapaalam ng mga mata nito iyon. Kung gusto niya pang mailigtas ang sarili, dapat talaga umiwas na siya.

"Cassie--"

"Kumain na tayo," putol niya sa sasabihin nito. Sa natitirang oras ay hindi na muli nila tinangkang mag usap.

Twin Trouble 1: Cassie's not-so-charming PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon