Pupungas pungas na lumabas ng silid si Cassie ng cottage one. Tulog na tulog pa si Yesa habang hindi naman niya alam kung nasan man naroroon si Hikaru.
She was stretching when she turned to her right. Agad na inayos niya ang sarili nang makitang nakangiting pinapanood siya ni Prince. Nasa baba ito ng cottage at nakasilip lang sa mga harang doon. Mukhang kahit ito ay maganda ang gising. Must be because of Nancy.
"Good morning, Cass."
Nginitiang aso niya ito. "Walang good sa morning kung ikaw lang din ang unang makikita ko."
Binalewala lang nito iyon at nangalumbaba pa ang damuho. "Ang aga aga ang sungit mo na agad."
Pinandilatan niya ito. "Excuse me. Hindi ako masungit no." Tinalikuran na niya ito. Babalik nalang siya sa loob at baka mas mairita lang siya kapag nagtagal pa siya sa harap nito.
"Cassie," tawag ulit nito sa kanya.
"What."
"You look sexy with only a shirt on. But it'd be better if I'm the only one who could see you like that."
"What..." Tumingin siya sa suot na damit para lang manlaki ang kanyang mga mata. She's really only wearing a XL shirt on. Nakalimutan niyang sanay siyang matulog ng nakaganon. At nagstretching pa siya!
When she looked at Prince, nakatalikod na ito at mukhang maglalakad na pabalik sa cottage nito.
Kahit wala na ito ay naramdaman pa rin niya ang pamumula ng mga pisngi at impit na tumitiling pumasok ng silid.
***
"Good morning, girls!"
Nilingon nina Cassie at Yesa ang bagong dating na si Neelia, habang si Hikaru ay tuloy tuloy lang sa pagnamnam ng mainit na tsa. Kasalukuyan silang kumakain sa isang restaurant ng agahang iyon.
Inantay na niyang magising ang mga kasama bago lumabas. Nagpalit na din siya ng disenteng damit para kung sakaling makasalubong niya ulit si Prince ay wala na itong masasabi.
Naupo sa tabi niya si Neelia. "Bakit naka-turtle neck ka?" Okay, way too decent.
Patay malisya niyang kinain ang inorder na mango float bago sumagot. "Wala lang."
She just raised her eyebrows at her and tried to smile. "Oh...kay." Nilingon naman nito si Hikaru. "Himala, hindi ka nagsusulat ngayon, Hikaru."
Tumango lang ang tinukoy kaya binalingan nalang nito si Yesa. "Kumakain ako," sagot agad ng huli bago pa makapagsalita si dalaga.
"Guys!" Neelia exaggeratedly sat back on her chair and looked at them one by one with a smile on her lips. "Today is a great day!"
Pinansin na niya ito. "Bakit ba?"
"Well, let's see..." Bigla ay may nilabas ito mula sa bulsa ng puting polo nito. Kahit si Hikaru ay nacurious at nakitingin na din. Puro picture ng mga lalaki.
Sabay sabay silang napatingin sa babaeng kumikislap pa ang mga mata na marahil ay sa sobrang saya.
"Bakit may mga picture ka ng mga lalaki?"
"Ano ba kayo." Inisa isa nito ang mga larawan. Those were stolen shots of the men last night. Ayos lang ang iba dahil mga sikat na tao, pero ang iba doon, mukhang mga normal guests lang ng resort.
"Neelia! Pwede kang makasuhan nito!"
Umingos lang ang dalaga. "Yun ay kung malalaman nila. Saka," nangalumbaba ito,"hindi ko naman ipagkakalat."
"Kahit na!" Mukhang nakalimutan na ni Yesa ang kinakain at ngayo'y nakaharap nalang sa babae. "Neelia, dapat itigil mo na ang pagkuha ng larawan ng mga kung sinu-sino. Baka mapahamak ka na."
BINABASA MO ANG
Twin Trouble 1: Cassie's not-so-charming Prince
Romance(1) Tropang Watty presents Twin Trouble 1: Cassie's not-so-charming Prince "What are you doing?" Pagalit na tanong ni Prince kay Cassie. "Bakit mo pinagbabawalang lumapit ang ibang babae sakin?" Humalukipkip si Cassie at inis na hinarap ang magaling...