Recently, Santacruzan
Ilang beses ba siyang magpapakagago? Pangatlong beses na niyang pinapaiyak ang babaeng mahal niya. Or more.
Gusto niyang suntukin ang sarili. Lord, what did he do to deserve someone like her? Clearly, he doesn't deserve her. When he heard her confessing, for the nth time, pakiramdam niya napakawalang kwenta niyang tao. Wala siyang ginawang mabuti dito, lagi nalang itong nasasaktan sa kanya.
Nakakatawang sinubukan niyang siya naman ang magpapaibig dito. But when Nancy came, inilayo na naman nito ang sarili nito sa kanya. It broke him when she was pushing him. Litong lito siya kaya kinompronta niya si Nancy. She told him everything. Of course, nagalit siya. Mabuti itong kaibigan, alam nito ang tungkol kay Cassie. Alam nitong 21 years na rin niyang mahal ang dalaga. Pahirapan bago niya makuha kay Honey ang impormasyon kung nasan ito, but fate made a way. Nagkita ulit sila. Hindi niya alam kung ano na naman ang ginagawa ni Nancy nang puntahan niya ang babae.
He's willing to explain everything to her. But then that Vince came. Hindi niya itatangging sobrang nagseselos siya. Pero habang tumatagal na pinapanood niya sa malayo ang dalaga, narealize niyang imposibleng hindi nagkagusto sa iba si Cassie. She's beautiful, any man's dream. Kahit sinong lalaki, maiinlove dito.
Naalala din niya ang pagpapahirap sa kanya ng pamilya Samontañez. It took him ten years to gain their trust, kaya nalaman niyang umuwi si Cassie six years ago ay dahil na din sa mga ito. He watched her from afar. Nang nagkagulo nga noon ay pigil pigil siya ni Harriet para sumugod. Buti nalang ay si Alex ang rumisponde para sa kanya.
Inatake siya ng kaba, kaya nakaalis na ito ay hindi niya pa rin nasasabi na mahal niya ito. God, he had been wasting 21 years because of fear.
And that bullshit he said years ago. Kung paano niya binasted si Cassie. Dala ata ng ego dahil uso ang kantyawan sa kanila noong highschool sa kung sino ang under sa mga girlfriend nila. Alam niyang kapag pinili niya si Cassie, titiklop siya dito. And because of that ego, he lost the woman he love. Sinabi niya sa kakambal nito siya inlove. Nakailang pambubugbog siya galing kay Honey dahil sa ginawa niya. She may not talk a lot but she can see things that anyone would deny.
Napaupo siya habang nakasandal sa pinto ng kwarto ni Cassie sa bahay na iyon ni Aly. Pinapakinggan niya ang bawat iyak nito at sa bawat hagulgol, parang gusto niyang magpakamatay. Gago. Gago siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/1805281-288-k876488.jpg)
BINABASA MO ANG
Twin Trouble 1: Cassie's not-so-charming Prince
Romance(1) Tropang Watty presents Twin Trouble 1: Cassie's not-so-charming Prince "What are you doing?" Pagalit na tanong ni Prince kay Cassie. "Bakit mo pinagbabawalang lumapit ang ibang babae sakin?" Humalukipkip si Cassie at inis na hinarap ang magaling...