Chapter 14

3 0 0
                                    

10 years ago...

"What are you doing?" Pagalit na tanong ni Prince kay Cassie. "Bakit mo pinagbabawalang lumapit ang ibang babae sakin?"

Humalukipkip si Cassie at inis na hinarap ang magaling na lalaki. "Isn't it obvious? Binabakuran kita!"

"Bakit mo ko babakuran? Magkaano ano ba tayo?"

"Duh. Because I love you! And we promised each other that we'll get married when we grow up."

Lalong nagalit ang binata pero hindi niya sisigawan ang dalaga, pinalaki siyang gentleman ng kanyang butihing ina at hindi niya sasayangin ang mga turo nito dahil sa sobrang galit niya. But he just can't let this matter go.

"Cassie, I don't love you," madiin niyang sabi. "That was a child's promise. Sixteen ka na, eighteen nako. Ilang taon na ang nakalipas imposible namang..."

What he saw broke his heart. As he lifted his head to know where that sobbing came from, he saw her staring at him. Kagat kagat nito ang ibabang labi na tila pinipigilang umiyak pero nakatakas pa rin ang mga luha doon.

He had been friends with her since they became neighbors. Sa city at sa resthouse. Ganoon kaclose ang pamilya nila. Itinuring na niya itong batang kapatid at ang makita itong umiiyak ngayon pero matapang na pinapakinggan siya, something stirred inside him.

Iniiwas niya ang tingin dito. "As I was saying, hindi mo ko pag aari. Forget about what happened when we're little. Wala lang yon."

Akala niya ang hindi na talaga ito magsasalita pero nagulat siya ng imbes na basag na tinig ay puno iyon ng tapang.

"Then I'll make you fall in love with me."

Twin Trouble 1: Cassie's not-so-charming PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon