"Ano ba talagang plano ni Vince?"
"Hindi ka ba nakikinig? Tatakutin niya si Prince."
Napanganga si Cassie at unti unting kumukunot ang noo. Habang tinititigan si Hikaru ay mas nalilito siya. Tatakutin? Sino?
"Teka teka." Hinablot na niya ang hawak na libro ni Hikaru kaya walang nagawa ang dalaga kundi ang tignan siya. She doesn't seem interested though. "Kidnap. Prince. Tatakutin? So ang sinasabi mo ay kinidnap niyo ko para takutin si Prince?"
"Sirang plaka ka ba?"
"Bakit siya matatakot?" Balewala niya sa sinabi nito. "Walang dahilan para matakot siya. Saka--"
"Saka?"
Napasinghap siya ng maramdaman ang mabilis na tibok na iyon ng kanyang puso. Traydor! Traydor!
"Kinikilig ka no?"
Tumingin ulit siya sa mga mata ng manhid niyang kaibigan. "K-kinikilig?" Unti unti ay nanlaki ang kanyang mga mata. "Kinikilig?! Bat ako kikiligin!"
"Bat ka sumisigaw?"
"Hindi ako sumisigaw!" Mas malakas niyan sabi na ikinangiwi nito.
"Ahh, oo na. Oo na." Hinablot nito sa kamay niya ang librong binabasa. Kukunin niya sana iyon ng tumalikod ito sa kanya. "Hindi ka na nga kinikilig. Wag mo kong guluhin. Limited edition ang librong to, ayokong masayang ang pagkakataon." Kinumpas nito ang isang kamay na tila siya pinapaalis na.
Cassie pouted and turned her back from her.
"Hindi daw kinikilig pero siguradong bumilis ang tibok ng puso niya. Namula ang mga pisngi at iniimagine na ililigtas siya ni Prince."
"Hikaru!" Ngunit paglingon niya ay nakatakbo na ito. Mabilis naman siyang humabol. Kung ang pagbilis ng tibok ng puso niya ay dahil sa paghabol dito o sa lalaking 'darating', hindi niya alam. Basta ayaw nuyang tanggapin ang pangalawang posibilidad.
***
Agad na nandilim ang paningin ni Prince nang makita ang nakangising mukha ni Vincent Ong. He grabbed his collar and forcefully drag him to a wall.
"Nasan si Cassie?"
Lalong lumawak ang ngisi nito. "Why would I tell you?"
"Vince, ano ka ba? Wag mo nga kaming paglaruan dito."
"Sino siya?"
"Kaibigan ni Cassie."
Doon niya lang naalala ang tatlong kasama. Gusto man niyang tignan ang mga ito ay ayaw umalis ng kanyang mga mata sa lalaking nakangisi lang din sa kanya.
"Look for Cassie," madiin niyang utos sa mga dalaga.
"Prince..."
"What?"
"Don't kill him."
Lalong humigpit ang hawak niya sa lalaki. The fact that he could still smirk at him like that, anger him more. Tila kasi walang epekto dito ang galit niya.
"That is very tempting."
"Prince," puno ng awtoridad na sabi ni Aj. "Kaibigan pa rin siya ni Cassie. Kung may papatay man sa kanya, siya yun."
Gustong gusto niyang sakalin ang lalaki at ibalibag. Ngunit tama ito. Kaya kating kati man ang kanyang mga kamay, he let him go.
"Go."
"Prince--"
"Hindi ko siya papatayin. Just look for Cassie."
Alam niyang may nais pang sabihin ang mga ito pero umalis na din.
It took them almost an hour to find the place, at sa bawat minuto, segundo na lumilipas, mas nawawala siya sa sarili niya. Hindi siya mapakali, onting ingay ay napapraning na siya.
Looking at this guy, it made him want to release all the stress he have collected. Thinking it back, parang gusto niyang ituloy ang unang naisip kanina.
Ngunit bago pa siya gumalaw ay nagsalita ito. "So." He placed his hands inside his pocket. "You and Cassie have talked huh?"
"Anong pakielam mo?"
He raised his hands as if surrendering. "Chill." Dahan dahang itong naglakad palapit sa bar counter, tila tinatanya ang magiging kilos niya. Good, because one wrong statement from him, hindi siya mangingiming suntukin ito hanggang magmukhang panda. Isang cute sa pamamaga ng mukha na panda. "Drink?"
Tignan niya lang ito. He poured drinks on two glasses, grabbed the first one and left the other for him, saka tumayo sa likod ng counter.
"Dahil ikaw ang boyfriend ni Cassie, hindi ako lalaban. Maupo ka. Marami tayong paguusapan."
Hindi pa rin siya kumikilos.
"Yang galit na yan hindi na dahil sa pagkidnap ko kay Cassie no?" Vince sipped his drink and gave him a light smile. "Pinagseselosan mo din ako."
"Ang pakikipag usap, pagtingin, paghawak sa kanya ng ilang taon habang wala ako sa tabi niya."
Tumango tango ito. "But it was your fault, right?"
Sa huli ay napagdesisyunan niyang lapitan ito at maupo sa isa sa mga upuan doon. He grabbed his cup and drank it straight. He poured him another one.
"Hindi ka naman mabilis malasing, di ba?" Umiling siya. "Sa sinabi mo kanina, are you giving me permission to ask you now?"
Ininom niya ulit ang binigay nito. "Depends."
"Hindi tayo makakapag usap ng matagal kung iinom ka ng ganyan."
Bumugtong hininga siya. Hindi niya alam kung bakit magsasalita siya sa isang kaaway, pero ngayon, ang balak niyang paglabas lahat ng frustation at stress, imbes na sa marahas na paraan ay gusto niyang idaan sa usap. Nakatulong ang alak para lumakas lakas naman ang loob niya.
"Huy." Tinignan niya ito. "Tulala ka." Binitawan na nito ang bote ng alak at tinitigan siya. "Sabi mo hindi ka mabilis malasing."
Prince smirked as his thoughts run back to the memories of his younger years. Those years with Cassandra Samontañez.
"Huy."
"Nag-usap kami nung Santacruzan." Napangiti siya habang pinaglalaruan ang baso sa mga kamay. "Sabi ko lalayo nako. Na ayoko na siyang saktan. Pero hanggang sa paglayo ko, nasasaktan ko pa rin siya." He breathed in and continued. "Lalapit ako sa kanya, masasaktan siya. Lalayo ako, masasaktan siya. Nalilito nako. Hindi ko alam kung lalapit ba ako o lalayo.
"Pero kapag nanjan siya harap ko, natatakot ako. Pano kung hindi niya din ako gusto? Pano kung hindi na niya ako gusto? Talaga bang gusto niya ko?" Sa halip na punasan ay hinayaan niya ang mga luha na tumulo mula sa kanyang mga mata. Hindi niya talaga alam kung bakit nagsasalita siya sa harap ng lalaking ito.
Sa totoo lang, naiinggit siya. Nasa tabi ito ng taong mahal niya noong mga panahong wala siya. Sobrang naiinggit siya.
"Mababa ba ang alcohol tolerance mo? Wala pang isang bote yun a--"
"Kapag lumayo naman ako, hinahanap hanap ko siya," aniya. "Pano kung gusto niya ako? Pano kung totoo ang sinasabi niya? Pano kung naniwala ako? Kahit biro lang, maniniwala ako." He started to chuckle. "Sana naniwala nalang ako."
BINABASA MO ANG
Twin Trouble 1: Cassie's not-so-charming Prince
Romance(1) Tropang Watty presents Twin Trouble 1: Cassie's not-so-charming Prince "What are you doing?" Pagalit na tanong ni Prince kay Cassie. "Bakit mo pinagbabawalang lumapit ang ibang babae sakin?" Humalukipkip si Cassie at inis na hinarap ang magaling...