Friends

161 0 0
                                    

"One tall cappuccino for cate" I was awaken from a trance when I heard the barista calling me. Yeah, December na at sigurado patay na naman ako nito kay Maddie. Kailangan na kasi maibigay ang final drafts for our New year special. Kapag ganito beast mode lahat ng tao.
Hay, nasa Batanes na sana ako ngayon.
Nagising na naman ako sa pag-iisip ko ng lumapit ang isang pamilyar na bulto.
Snap! Huli na ng nakita ko kung saan nanggaling ang tunog na yon.
"Alam mo mas maganda ka kapag nakangiti" ang angas talaga ng taong ito kahit kailan. Pero kahit ganunpaman, si Nathan Erik Valle pa rin ang isa pinakapinagkakatiwalaan kong tao sa buong mundo.
"Hoy ungas, ano ginagawa mo dito?" At talagang itinaas ko pa talaga ang kilay ko for emphasis. "At sino ang nagbigay ng karapatan sayo na kunan ako ng letrato."
"Ikaw talaga kahit kailan ang sungit mo." Turan niya habang hinihila ang isa pang upuan sa harapan ko.
Hindi pa nagtagal at may isa pang pamilyar na tao ang lumapit sa amin.
"Hey guys" sabay lapit ni Abby sa amin. Dr. Abigail Asuncion, maganda, matalino at mabait. Lahat na nga yata ng may "ma" na maganda ang meaning bumagay na description sa kanya. Matagal na kaming magkaibigan. Nakilala ko siya sa college and that time kumukuha pa lang ng premed course. Nag-usap lang kami one time sa isang party at yun instant bffs kaagad.
"Kanina pa kayo? Sorry late ako ha. Meron pa kasi akong patient na sinamahan sa ultrasound eh."
"Hay naku Abby, para namang may bago." Sagot ng makulit na ito sa harapan ko.
"Sorry guys ha. Alam niyo naman na mahirap talaga ang buhay kung nasa training ka. Kulang na nga lang doon na ako tumira sa hospital eh."
"Huwag mo ngang pinagpapansin ang kumag na to Abby. At least ikaw, nagpakita. Eh yung dalawa nasaan?" Sagot ko para matapos na ang pang-aalaska nitong si Nathan.
And speaking of the devils, biglang sumulpot ang dalawang taong pinaparinggan ko sana. Believe na talaga ako sa telepathic powers ng dalawang ito at talagang sumulpot sila right on cue.
"Hey bitches" malayo pa lang rinig mo na ang greeting ni Monica Larson. Yes siya lang naman yung Monica Larson na anak ng great restaurateur na si Anthony Larson. At yes siya rin yung cover girl sa Vogue Asia at Marie Claire last month. Kung pano ko siya naging kaibigan? Simple. Classmate ko siya sa English 101 at kahit half american itong kaibigan kong ito ang boba nito noon sa english. Pero syempre magaling na siya ngayon. Madalas na siyang out of the country kaya by this time, perfect na ang english niya.
"Hey Monica! Akala ko ba nasa New York ka?" Pansin ni Abby kay Monica.
"Bakasyon daw siya kaya ayun, iniwan ang commitments." Tinig iyon ni Tori Enriquez.
Attorney Victoria Enriquez. AKA Tori Enriquez. Huwag kang palinlang sa maamong mukha niyan at baka mabigla ka na lng na kinain ka na niya ng buhay. Pinsan ni Monica sa ina. Isa siya ss pinakabatang nakatop ng Bar Exams at ngayon ay isa nang junior associate sa isa sa pinakamalaking law firm sa ating bansa. Ewan ko parating may kagalit itong babaeng ito. Pero may mga good points din naman ang bruha. Kahit nakakatakot siya, namumukudtangi siya sa pagkagenerous. Palibhasa, laki sa hirap, malambot ang puso niya sa mga ulila at mahihirap. Pwede na nga siyang patayuan ng monumento sa kdakilaan.
"Catey, miss na kita. Hindi ka man lng sumagot sa pm ko kahapon" si Monica
"Sino ba ang umindian sa akin last month at bigla na lang lumipad papuntang New York aber? You still owe me an interview missy!" Turan ko.
"Alam mo naman na magulo noon eh. I need to be in New York. Nagkasakit si dad. Pinipilit niya pa ako to take over the business. Ay ewan ko talaga. Kaya sorry na.."
At ayan na ang famous puppy eyes ni Monica Larson. Nakukuha niya talaga ang lahat ng gustuhin niya. Kunsabagay gumagana nga sa akin, ano pa kaya kung sa mga lalaki niya ginawa.
"O siya! Forgiven ka na. Para makabawi ka mag-attend ka na lang sa launch ng line ni Jenna tomorrow. "
Ay oo nga pala. May isa pa ngang kulang na hindi sumipot.
Jenna Rivas. Designer ng casual wear. Bestfriend ko. Well busy yun sa launch kaya hindi ko na kinulit pa.
"So kamusta naman kayo lahat? Ikaw Nathan, may pinaiyak ka na naman bang babae?" Tanong ni Tori kay Nathan
Humarap kami lahat kay Nathan. Oo nga noh. Hiwalay na kaya sila ni Glynis kaya nandito siya at nakabuntot sa amin?
"Hiwalay na kayo Nate?" Tanong ko.
Tumingin siya sa akin at ngumisi. "Doon na rin naman papunta iyon kaya tinapos na lang namin. Grabe ka naman Tori. Pwede namang ako ang pinaiyak at hindi ako ang nagpaiyak di ba?"
Tiningnan ko ang mukha ni Nathan. Wala man lang bahid ng kalungkutan at pangisi-ngisi pa. Parang ang bilis naman ng mga pangyayari. Noong nakaraang linggo lang ng naging sila tapos maririnig ko na lang ngayon na hiwalay na silang dalawa.
Nate the heartbreaker strikes again! Pero hindi ko rin masisi yung mga babaeng nagkakandarapa sa kaibigan kong ito. Gwapo naman talaga siya at galing pa sa magandang pamilya. Malakas talaga ang spanish blood ng tatay ng kumag na ito. Kaya kitang-kita sa mga magagandang mata niya na kay hahaba ng mga pilikmata. Mga matang tila nangungusap, parang may misteryo na gustong itago. Ang ganda pa ng ilong. Matangos. Tapos ang tangkad niya pa. Amoy mabango...
Teka, sandali lang, parang I sound like pinagnanasaan ko siya.
Eww, no way. Erase! Erase! Tiningnan ko ulit siya at talagang nakangisi lang talaga ang ugok.
"Parang hindi naman" sabat ni Monica habang ibinababa ang bag niya at kinukuha ang wallet "cous, ako na ang pupunta sa counter. Ano gusto mo?" Tanong niya kay Tori. "Cafe americano na lang cous." Sagot naman ni tori.
"Samahan na kita Nic." Si Abby.
Hindi pa nakakaabot si Monica ng may kumpulan na ng mga teenagers ang lumapit sa kanya.
"Si Monica Larson nga mga guys! Omgee Monica! Idol talaga kita. Papicture naman with you." Tili ng isa sa mga teenager. "Sure. No problem." Cool na sagot ni Monica. Sikat na talaga ang bruha at talagang pinagkakaguluhan siya.
Nagkwentuhan pa.kami about sa mga buhay namin. Kapag kasama ko ang mga taong ito, nawawala talaga ang pagod ko. We try to catch up sa buhay ng isa't-isa.

Friends forever. More like family na nga yata sila. Mga kakampi ko sa lahat ng sandali ng buhay ko. Tiningnan ko sila isa-isa. Magkakaiba kami ng mga ugali at madalas nagtatalo dahil sa magkakasalungat na opinyon. These are the people that I will never trade for the world.

Umuwi rin kami ng kalaunan. Sumabay na lang ako kay Nate. Magkatabi lang naman kasi ang condo naming dalawa.
"Bye Cate. See you tomorrow." Paalam ni Abby.
"See you. O kayong dalawa, huwag kayong mawawala ha?" Baling ko kina Tori.
"Try ko lang Cate. May big case kaming hinahandle ngayon. Tambak ngayon ang paperworks." Sagot ni Tori.
"Sayang naman. Kung wala ka Tori. Malulungkot si Jenna kung hindi tayo kumpleto."
"O siya susubukan ko." Sagot na lang ni Tori.

The Girl Named CateWhere stories live. Discover now