Was that a Kiss?

49 0 0
                                    

Gulat akong nabitawan ang basong naagaw ko sa kamay ni Nate. Nabasag yun sa sahig at lumikha ng ingay. Parang biglang nagising si Nate sa panaginip ng marinig niya yun at samantalang ako ay nakatulala pa rin sa ginawa niya.
Ramdam ko pa ang init ng labi ni Nate sa mga labi ko. Bakit niya ko hinalikan? Tanong ng utak ko. Sa bilis ng tibok ng puso ko ngayon, daig ko pa ang tumakbo sa 100 meter dash. Probably sa gulat.
Omgee. Gulantang ang buong pagkatao ko dun. Pero dapat lang ako kumalma. Lasing lang yung tao.
"I'm sorry. I'm not thinking straight." Ang boses niya ang nakapagpakawala sa akin sa gulantang ko pang isipan. Narealize ko rin na maraming bubog ang nasa malapit sa paanan ko.
Di sinasadyang. "Aray!!!" Sigaw ko ng maramdaman kong may bagay na tumusok. Bubog na pala yun na hindi ko sinasadyang matapakan.
Nagpanic si Nate at bigla akong binuhat palayo sa kinatatayuan.
"F**k," nilapag ako ni Nate sa isa pang upuan na malayo sa kung saan ang mga bubog. Dali-dali siyang kumuha ng dustpan at walis at niligpit ang nagkalat na bubog.
"Are you alright?" Hindi na sana masakit kaya lang nanghina ako ng makita ko ang dugo.
DUGO. Parang gusto kong himatayin sa dami ng dugong tumutulo mula sa talampakan ko.
Nagulat na lang ako nang nakita ko na si Nate sa harapan ko at hawak-hawak ang paa kong duguan pa rin. Bigla niyang kinuha ang panyo niya sa bulsa at inilagay sa sugat ko with pressure. "May first aid kit ka ba dito?" Tango lang ang naging tugon ko at itinuro ang cr. Itinali muna ni Nate ang panyo sa paa ko at tumayo para kunin ang first aid kit.
"Patingin ha?" Kinuha niya ang paa ko at ininspeksiyon kung may bubog bang bumaon. "Mabuti na lng hindi bumaon" si Nate.
Tinanggal ni Nate ang panyo at unti-unting nilinisan ang sugat. Tiningnan ko lang siya habang ginagamot niya ang paa ko at kung minsan napapangiwi na lang ako sa sakit. Nakasalubong ang dalawang kilay nito tila alalang-alala sa kalagayan ng paa ko.
Sinubukan kong tumayo pero kumirot ito kaya napabalik ako sa pagkakaupo. "Huwag ka munang tumayo." Binalutan ulit ng benda ni Nate ang part ng paa ko na may sugat. Binuhat niya ako ulit. Hindi na lang ako nagreklamo kasi nga masakit pa rin itapak ang paa ko.
Umakyat kami papunta sa kwarto ko at inihiga niya ako sa kama. "Ako na ang bahala maglinis ng kalat sa baba." Hindi tumitingin ng direcho sa akin si Nate. Bumalik na naman sa isipan ko ang ginawa niyang paghalik sa akin.

"Lasing ka na Nate" sabi ko habang pilit na inaagaw ang baso sa kamay niya.
Nagtagumpay akong maagaw ang baso sa kamay niya. Pero nabigla na lang ako nang bigla niya na lang hinablot ang pulsuhan ko at hinila ako palapit sa kanya sabay...
Naramdaman ko na lang na magkadikit na ang mga labi namin. On normal circumstances, malamang ay nasampal ko na siya siguro. Pero nagtaka na lang ako ng biglang napapikit din ako at tinugon ang halik na yun. Napangiti siya sa labi ko.
Pero teka, umalma kaagad ang utak ko at naimulat ko ang mga mata ko. Nakapikit pa rin ang mata niya at ang labi niya ay nasa labi ko pa rin. Nabitawan ko ang basong hawak ko.
And the magic faded leaving a dumbfounded me and an apologetic him...
Palagay ko nakokonsensya siya sa paghalik sa akin. "Ok na Nate ako na lang bukas. Tutal nawalis mo na yung mga bubog." Napahinto siya sa paglabas at tumingin sa akin. "Cate... tungkol kanina..."
Ngumiti ako sa kanya "Ano? Yung nangyari kanina? Ang tanga ko lang kasi eh." Nilayo ko ang mga mata ko sa pagkakatitig niya sa akin. Ewan ko pero parang nilukuban ako ng pagka asiwa. Ayaw kong pag-usapan pa namin ang nangyari kanina. Kaya as much as possible iniiba ko ang usapan. Mabuti na lang at naintindihan ni Nate ng ibig kong ipahiwatig sa pag iwas ko ng tingin. Ngumiti siya at binuksan ang pinto. "Cate, kita na lang tayo bukas." Yun at umalis na siya.
Naiwan akong nakatulala. Hindi ko pa rin mawari kung ano ang ibig sabihin ng halik na iyon.
Baka lasing lang talaga siya.
Hindi ko na lang namalayan na nakatulog na ako...

=============================

"I thought you will never be able to make it." Matiim akong tiningnan ni Maddie. Mabuti na nga lang at natapos ko na ang pageedit ko sa mga manuscripts bago dumating si Nate.
Nate!
Bigla na namang lumipad ang isipan ko sa time na yon.
Bakit ba kasi niya ginawa iyon? Mabuti na nga talaga at nawala na ang kirot ng sugat sa paa ko at nagawa ko nang makapaglakad. Tahimik ko lang nilagpasan ang unit niya kanina pagbaba ko papuntang office. Hindi pa kasi ako ready na harapin siya with all the akwardness na nafifeel ko ngayon.
"A splendid job once again, Catherine" boses iyon ni Maddie. Nauntag ako sa pag-iisip ko. Oo nga pala. The manuscripts.
"Thank you Maddie." Sagot ko sa boss ko.
"How do you feel about being the next associate editor of Prima Donna?"
Napatulala ako sa gulat. What?! Associate editor? Major OMG!!!
"Ha? Talaga Maddie?" Parang tangang tanong ko.
"Parang ayaw mo yata Ms. Solis?" Sagot ni Maddie sa akin.
"But of course, it would be an honor. Matagal ko nang pangarap iyan Maddie." Hindi pa rin ako halos makapaniwala. Ako, isang associate editor. Sa wakas may say na ako sa content ng magazine. Ito na yata ang best day ever!
"Effective next week ang promotion mo. This week you have to talk to Liza para mabigay niya ang mga final documents for next month's issue."
Liza Ty is the former Associate editor. Sabihin na natin na si Liza ang mentor ko noong nagsisimula pa lang ako dito. Idol ko talaga siya. Ang galing niyang magsulat. Alam mo talagang sapol sa puso. At nung naging associate editor siya ay mas lalong naging bongga ang Prima Donna at tumaas talaga ang sales namin. Ibig sabihin marami ang nakaapreciate sa content ng nilalatha naming magazine. Medyo pressure nga kasi I would really be filling big shoes. Pero kahit pressured, excited ako. Magmula pa noon, passion ko na talaga ang pagsusulat. Gusto kong makainspire ng maraming tao because of the articles na sinusulat ko. At ngayong associate editor na ako. Pihadong lalawak pa ang perspecto ko sa writing at sa mundo.

Hapon na ng nakabalik ako sa condo. Kailangan ko na kasing maghanda para sa launch ng line ni Jenna. Nakakainis lang kasi hindi ako makakapagheels ngayon dahil sa sugat ko.
Pumasok ako sa kwarto at binuksan ang closet para humanap ng masusuot. Kapag ganito talagang mga kasosyalan ay hirap akong humanap ng masusuot. Hindi naman kasi ako mahilig sa damit. At everyday lagi lang akong nakalong sleeved polo at pencil cut skirt with matching pumps. Very generic na nga kung tutuusin kaya kapag ganitong may function ay hirap ako.
Sinipat ko ang mga damit ko sa closet at pinili ang black satin dress na may chinese collar. Simple ang cut ng damit na iyon na above the knee ang length. Pero maganda siya kapag naisuot mo na.
At dahil hindi pwedeng magheels, isinuot ko na lang ang flat sandals ko na ribbon like na straps.
Ok na siguro to.
Tiningnan ko ang sarili sa salamin at natuwa naman ako sa nakita ko. Inayos ko ang buhok ko and created a messy bun at naglagay ng make up. Matapos akong masatisfy sa mukha ko ay kinuha ko ang black purse ko at inarrange ang lahat ng gamit doon.
Lumabas na ako ng unit ng mamataan kong palabas din si Nate sa unit niya.

"Cate." Tawag niya sa akin. Wala na akong magagawa. Nakita niya na ako. No point pang iwasan siya. "Hi Nate." Bati ko sa kanya.
Di ko namalayang inaassess ko na pala ang kabuuan niya. Ang gwapo niyang tingnan ngayon. Bagay talaga sa kanya ang silver long sleeves na suot niya na nilukot niya ang manggas. Medyo hapit sa kanya ang damit kaya mapapansin mo ang lapad ng dibdib niya. Pati na rin siguro yung biceps niya na... ah basta ayokong idescribe baka maglaway kayo.
Natilihan ako sa iniisip.
Teka, sandali lang. Why am I oggling him? Baliw ka na talaga Cate.
Sinaway ko ang sarili ko at pinilit na ibaling ang isipan ko sa ibang bagay.

"Sabay na lang tayo Cate." Aya niya sa akin. Napaisip ako sa suhestiyon niya kaya lang naasiwa pa rin ako dahil sa nangyari kagabi.
"May dadaanan pa ako Nate. At saka nakakuha na ako ng sundo sa uber. Kita na lang tayo later" At dire-direchong pumasok ako ng elevator.
I'm sorry Nate...

The Girl Named CateWhere stories live. Discover now