Saying Goodbye

26 0 0
                                    

Sinamahan ko si Nate papunta sa punerarya nang araw na yun. Wala pang masyadong tao. Ang nandoon lang ay ilan sa mga kasambahay nila na tila busy sa pag-aayos ng mga bulaklak at nagseserve ng mga inumin at cookies sa mga maagang bumisita kay tito luis. Nandoon na rin si Tita Natasha at tahimik na nakaupo. Kahit hindi siya magsalita bakas sa magandang mukha niya ang dalamhati sa pagkawala ng kanyang asawa.

"Tita condolence po." Bati ko sa kanya. Tumayo si tita at yumakap sa akin. Tuluyan nang bumagsak ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan. Niyakap ko rin siya pabalik. "O Cate, iha, I'm so happy that you visited."
"Of course Tita. You're all so good to me kahit na noong nasa college pa ako. Parang nanay ko na rin po kayo."
Bumitiw na siya sa pagkakayakap sa akin at umupo na kami sa upuan malapit sa may harapan.

"Salamat Cate, iha, sa pagpunta dito." Napatingin ako kay Tita pero siya naman ay nakatitig lang sa kabaong na nasa harapan namin.
"Salamat sinamahan mo si Nate, iha. Sa totoo sa lahat sa amin dito, sa kanya ako mas nag-aalala. Noong nasa hospital si Luis, hindi man lang niyang makausap si Nate. Alam ko namang galit pa rin si Nate sa ama niya. Kaya ngayong patay na si Luis, hindi ko alam ko paano kinakaya ni Nate ang lahat."

You have no idea Tita...sigaw ng isip ko sa mga panahong iyon. Malaki ang dalamhati ang nararamdaman ni Nate ngayon. Kahit hindi niya ipakita alam kong sobrang sakit ang pagkawala ni Tito Luis para sa kanya.

"Cate, please don't leave my son's side. Ikaw lang yata ang nag-iisang taong pinagkakatiwalaan niya ng buhay niya. Hindi marunong magpakita ng totoong nararamdaman niya si Nate. At sa ibang bagay niya ito ibinabaling. Natatakot akong baka may mangyari sa kanya."

Tinitigan ko lang si Tita Natasha. Mahirap sa kanya ang mawalan ng asawa. Not to mention ang business. Mahirap magpaalam sa taong minahal natin, maging sa kinamuhian natin. Mas mahirap lalo ang magpaalam sa taong kinamuhian natin dahil labis na nkasakit sa atin dahil na rin sa katotohanang labis natin silang minahal..

Nagsidatingan na rin ang ibang mga bisita. Dunating si jenna at Tori sa lamay. Si Abby naman ay nagtext kay Nate na hindi siya makakarating dahil may duty daw siya sa hospital.

"Condolence Nate."nakipagbeso si Jenna kay Nate.

"Condolence." Si Tori. Niyakap nilang dalawa si Nate. Naupo sila sa may harapan kasama ko.
Marami pang ilan ang bumisita sa lamay. Nandoon din si Tony at ang pamilya nito.

Abala ang lahat sa paghahanda. Ang ilan sa mga bisita ay nagsidatingan na rin. Pati ang mga stockholders nga kompanya nila Nate ay pawang nagsidatingan na rin. At lahat sila ay sinalubong at kinausap ni Nate. Manaka-naka ay nadadako ang paningin niya sa amin at tinatanong kami kung ok lang kami.

"Okay lang ba kayo? Hindi pa ba kayo nagugutom?" Tanong ni Nate nang makalapit siya sa amin.

"Okay lang kami." Anang Jenna. Tumango lang si Nate at muling tumayo upang kamustahin ang mga kaibigan ng mama niya. Naaalala ko ang mga babaeng yun. Sila ang ilan sa mga kaibigan ni Tita na kasama niya sa charity works niya. Paano ko sila nakilala? Madalas kasi partner ang school namin sa mga activities nila Tita Natasha, given na isa siya sa major stockholder ng school namin. Doon ko nakilala ang pamilyang Valle. At dahil nga honor student ako noon at president ng student council, lagi kaming isinasama ni Tita Natasha.

Sa isang activity ni Tita noon sa isang orphanage, doon ko nakilala si Nate. Medyo may pagkabad boy pa siya noon. Dati asar ako sa kanya kasi nga ang angas. Alam mong hindi bukal sa kalooban niya ang tumulong at napipilitan lang siya.
Gayunpaman, may isang time na nakasama ko siya umakyat ng isang bundok para puntahan ang isang  baryo doon. Nang pauwi na kami, dahil na nga sa madilim na nga siguro ay nawala kami at napahiwalay sa grupo. Takot na takot ako noon. Pero nanatili sa tabi ko Nate at inassure ako na makikita rin kami. Gumaan ang loob ko nun and i felt secure. Kalaunan ay nahanap rin kami ng mga kasama namin. Magmula ng araw na iyon, nagbago ang tingin ko kay Nate and he became my bestfriend.

Nagbalik ang diwa ko sa kasalukuyan. Tiningnan ko ulit si Nate na abalang nakikipag-usap sa isa sa mga bisita doon.
Tumayo si Jenna, "Cate, let's see Tito Luis."
Lumapit kami sa may kabaong para tingnan ang labi ni Tito Luis. Nang biglang...

Nakaramdam ako ng kakaibang kaba sa dibdib ko. Parang bigla akong hindi makahinga. Hindi pwedeng mangyari ito ngayon. Ang tagal nang panahon noong huli ko naramdaman ito. Pakiramdam ko parang biglang sumikip ang silid. Hindi talaga ako makahinga.

Biglang naging maingay ang paligid. Hindi ko maintindihan. Ang ingay! Nagpanting ang tenga ko. Tiningnan ko si Jenna pero parang ang nakikita ko ay ang babaeng matagal ko nang binaon sa alaala ko.

I need to get out of here...

Nang hindi ko na matagalan ay tumakbo ako palabas ng punerarya. Kailangan kong makaalis doon. Wala akong pakialam kung ano ang iisipin ng mga nandoon. I need to escape.

Tunigil ako sa pagtakbo. Huminga ako  ng malalim. Hindi ko alam kung saan na ako nakarating. Nandoon pa rin ang malakas na pagtobok ng puso ko. Pero kahit paano ay hindi masikip ang paghinga ko. Nang mahimasmasan ako ng tuluyan ay kinuha ko kaagad ang cellphone ko at idinayal ang numerong matagal ko nang hindi natatawagan for 10 years.

"Hello doc? Si Cate. It's back..." yun at tumawag na ko ng taxi papunta sa clinic ni Dr. Sevilla.

The Girl Named CateWhere stories live. Discover now