My friend

22 0 0
                                    

Nakarating naman kami ng mahinusay sa condo. Mabuti lang talaga at kasama niya si Tony. Binuksan ni Nate ang pintuan ng condo at pumasok kaming dalawa doon. Dumiretso na ako sa may cr niya at hinanap ang first aid kit. Siya naman ay tahimik na umupo sa sofa.

"Akin na ang kamay mo." Kinuha ko ang kanang kamay niya at dahan dahang nilagyan ng alcohol ang kamao niyang namumula dahil sa sugat. Kanina ko pa napansin ang kamay niya kaya lang kailangan ko pang tapusin ang areglo ko doon sa taong sinuntok niya.

"Aray!" Sigaw ni Nate sabay bawi ng kamay niya. Kinuha ko ulit ang kamay niya para gamutin. "Yan, ang lakas ng loob mong makipagsuntukan tapos magrereklamo ka sa alcohol." Saway ko sa kanya. Napangiwi na lang siya nagpatuloy kong nilinisan ang kamay niya at nilagyan na ng gamot at saka benda.
"Hindi ko maintindihan kung ano ang problema mo pero please lang naman lumayo ka naman sa gulo." Tiningnan ko siya. Habang siya naman ay nakatiningin sa malayo. Bakas sa mukha niya ang pagkaaburido.
Tumayo na ako para ibalik ang first aid kit sa cr niya. Pagkatapos ay dumuretso na ako sa pinto para umuwi sa unit ko. Natigilan ako ng magsalita siya sa akin. "Cate...Salamat." lumingon ako. Nakakatitig na pala siya sa akin. "You're welcome" at isang ngiti ang iniwan ko sa aking paglabas.

Nasa pinto na ako ng unit ko ng tumunog ang cellphone ko. Isang text from Keith.

Cate nakauwi ka na? Hope you went home safely.

Binuksan ko ang pintuan ko at nagreply sa text.

At home already...Thanks...Nyt

Nahihiya ako kay Keith. Nasira ang paguusap namin dahil umalis ako kaagad. Ito kasing si Nate, ang laking pasaway. Hindi naman siya ganyan dati. Kung malaki ang problema niya sana naman hindi niya dinadaan sa paglalasing.
Napabuntong-hininga na lang ako. Ayokong makialam kay Nate pero sa totoo lang, nag-aalala ako.
Isang ring sa phone ko ang bumasag sa malalim kong pag-iisip.

"Hello" bati ng baritonong tinig sa kabila ng linya.

"Nate, may kailangan ka?" Tanong ko sa may-ari ng tinig na yun.

"I just want to hear your voice..." at biglang tumahimik na ang kabilang linya.
"Hello?! Hoy! Nate sumagot ka. Buhay ka pa ba?! Huwag ka nga magdrama ng ganyan!"

Nagmadali akong pumunta sa kabilang unit. Hindi nakalock ang unit niya kaya pumasok na ako. Wala siya sa sala niya kung saan ko siya huling nakita. Kaya dali-dali ko siyang inakyat sa kwarto. Doon nabungaran ko siyang tahimik na nakaupo sa paanan ng kama niya. Nakayuko siya kaya hindi ko makita ang mukha niya.

"Nate?" Halos pabulong kong tawag sa pangalan niya. Hindi ko maintindihan pero parang pinipiga ang puso kong makita siyang ganito.

"Inayos na kanina ang lamay Cate. Hindi ko kayang tingnan siya sa kabaong." Sambit ni Nate. Ako naman ay tuluyang nakaupo na sa tabi niya.
"Ang dami kong gustong sabihin sa kanya nung nasa hospital ako. Pero hindi ko sinabi. Naging matigas ako. Galit pa rin kasi ako Cate. Hindi ko pa rin matanggap na niloko niya si mama."
Tiningnan ko lang siya at pinakinggan. Hindi ko alam kung paano ko siya aaluin. Makikita mo sa mga mata niya ang lungkot at pagsisisi.
"Minsan Nate, nakakagawa tayo ng mga desisyon base sa nararamdaman natin. Minsan tama pero mas madalas pinagsisihan natin." Tiningnan ko siya sa mata "hindi na natin maibabalik ang mga nawalang pagkakataon o mababawi ang mga nagawa natin. Alam ko sa puso mo napatawad mo na ang papa mo. At alam ko rin na kung saan man siya ngayon, alam niya rin na pinatawad mo na siya Nate."
Marami rin akong pagkakamali sa buhay. Hindi ko na maibabalik ang mga maling ginawa ko. Ang magagawa ko na lang ay pasanin ang lahat ng consequences ng pagkakamali ko.
Hinawakan ko ang kamay ni Nate at tuluyan niya nang ipinilig ang ulo sa balikat ko na parang paslit na naagawan ng laruan. Pero sa case niya sobra pa sa laruan ang nawala sa kanya. Isang magulang. At isa siguro iyon sa pinakamasakit na pwedeng mangyari sa buhay mo.
Nanatili kaming nasa ganoong posisyon hanggang makatulog kami.

Kinaumagahan, paggising ko ay nakita ko na lang ang sarili kong nakahiga na sa kama at may kumot nang nakalagay sa katawan ko.
Paano ako umabot dito? Marahil ay binuhat ako ni Nate. Pero nasaan siya?
Bumaba ako ng kama at hinanap siya. Nakita ko siya sa kusina, nagluluto.
OMG! Nakajogging pants lang siya at wala man lang top ang ungas. Pero in fairness may ipagmamalaki. Hindi ko napigilang tahimik siyang pagmasdan. Nagwer-work out ba itong taong ito? Ang ganda ng katawan eh. Alam ko naman talagang malapad ang likod niya pero hindi ko naman inaasahan na ganito pala kaganda ang muscles. He's lean with just the enough bunch of muscles. Sa palagay ko pag humarap ito na maganda rin ang abs nito.
At tila bang may hanging nakikinig sa isip ko, bigla siyang pumihit paharap sa akin. Napasinghap ako sa gulat.
My gulay!! Yummy ng abs. Pwede humingi ng palaman? May pandesal na dito.
"Laway mo bestie." Saka na lang ako nakabalik sa tamang hinusay. Ganun ko na ba siya katagal tinitigan?

" ha?" Lumapit siya sa akin with a very mischievous smile. Ewan ko pero hindi ako makagalaw. Hala, namaligno yata ako.
Lumapit pa siya ng mas malapit at tila pinunasan ang gilid ng labi ko. At lumapit siya sa tenga ko. "Ang sabi ko, naglalaway ka na Cate. Gusto mo bang halikan kita ulit? I wont mind"

Isang malakas na tulak ang ginawad ko sa kanya na ikinabuwal niya. Kaya lang nahawakan niya ang braso kaya nasama ako sa pagkahulog. Kaya heto, Im in the most awkward position ever. Nasa itaas niya ako habang siya ay nakahiga sa sahig. Shit! Dali-dali kong sinubukang tumayo para makalayo. Pero mabilis niyang napagpalit ang posisyon namin.
"Ano ba Nate?!" Pero nanatili lang siyang nasa itaas ko. Ano ba to? Biglanh bumilis ang pagtibok ng puso ko.
"Nate! Ano ba?! Tatayo na ako!" Pero tila walang narinig ang taong ito at nakatitig lang siya sa akin. Hindi ko maintindihan ang titig na yun. Parang may lungkot na hindi ko mawari kung ano talaga ang dahilan. Natatakot na ako sa inaasal niya ngayon. Hindi ko namalayang may nakatakas na palang luha sa mata ko. Doon lang nagbago ang expression niya at napalitan ng panic. Siguro dahil nakita niyang naluluha na ako.
Dali-dali siyang tumayo at hinila ako patayo. Mabilis niya akong niyakap "Cate, Im sorry. I wont do it again." Ako naman ay tumigil na sa pagluha. "Huwag mo nang gawin iyon ha. Tinakot mo ko" sabi ko habang pinipigilan ang tuluyang pumalahaw sa pag-iyak. I'm such a crybabay. "Sorry talaga cate."

Tahimik kaming kumain ng breakfast. Mabuti na lang at weekend ngayon. Walang trabaho.
"Cate, may gagawin ka ba ngayon?" Tanong niya sa akin habang tinutusok ang hotdog para kainin.
Halos hindi pa rin ako nakarecover sa ginawa kaya heto medyo wala pa rin ako sa sarili.
"Ha?" Sagot ko nang marinig ko ang pangalan ko pero hindi ko naintindihan ang sinabi niya sa akin.
"Ang sabi ko, kung may gagawin ka kamo mamaya."ulit niya sa tanong niya. "Ah, wala naman. Bakit?" Tanong ko.
"Samahan mo ko sa punerarya Cate. Kahit sandali lang."
Tiningnan ko siya ng matagal. Natatakot akong makasama pa siya ng matagal ngayong araw na ito. Pero nananaig ang awa at ang loyalty ko as a friend sa kanya. Sasamahan ko ba siya? Nang manotice hindi ako sumasagot ay tinitigan niya ako. At tila binabasa niya ang isip ko.
"Tungkol kanina. Sorry Cate. Binibiro lang talaga kita kanina. Hindi ko intensyong takutin ka sa inasal ko. Sana kalimutan na lang natin"

Paano kakalimutan iyon eh kamuntikan na akong natangay sa ginagawa mo sa akin?

Naiinis ako sa sarili ko kasi kahit takot ako kanina ay  may parte sa akin na ginugusto ang ginawa niya. Na kung saan man humantong yung ginawa niya ay okay lang sa akin. Naiinis ako kasi unti-unti kong binabawi ang pangako ko sa sarili ko. At ayokong mangyari yun. Ayokong magsisi siya at masira ang pagkakaibigan namin.

"Anong oras ba tayo pupunta doon?"

Hindi ko rin siya natiis...

The Girl Named CateWhere stories live. Discover now