Moving on or along?

21 0 0
                                    

Keith pov

Nasa harapan ko siya ngayon at iniinom ang kape niya. Sigurado ako na nakapag-almusal na si Cate kasi kape lang inorder niya. Masaya ako na pumayag siyang samahan ako ngayon kahit alam ko kung saan talaga ang diwa niya.

"Sigurado ka bang kape lang order mo Cate?" Tanong ko pa rin kahit alam ko na ang sagot.

"Nakakain na kasi ako Keith ng breakfast. Pasensya kung hindi ko nasabi. Gusto ko rin kasing samahan ka."

Masarap sa pandinig ang mga sinabi niyang yun. Kahit paano pinapahalagahan pa rin niya ako.
Napatitig siya sa platong nasa harapan ko. Puno ng kanin at tapa at may dalawang itlog. Ganito na talaga ang appetite ko...malaki.

"Kaya mo yang ubusin?" Parang gulat niya pang tanong sa akin.

Napangiti na lang ako sa inasal niya. Malakas talaga ako kumain.

"Malakas talaga ang appetite ko Cate. Pangit ba." Sabay subo ng isang kutsarang puno ng kanin. Ang takaw ko talaga.

Biglang nagbago ang timpla niya at tumingin ulit sa kawalan. May nagawa ba ako?

"Is there something wrong?" Tanong ko sa kanya. Umiling siya pero alam ko na may malaking pagtatalong nagaganap sa utak niya. Hindi naman ako tanga. Alam ko kung para saan ang alinlangan sa mga matang yun. Siguro nga tanga at masokista ako pero gusto ko pa rin na magmula sa bibig niya ang lahat.

"Cate you know that I have feelings for you right. But I also know if the girl I love does not love me back."

Nagulat siya sa sinabi ko. Hindi niya siguro inaasahan ang sinabi ko. Alam kong nagsisimula na naman siyang gumawa ng mga excuses sa isip niya. Pero hindi niya maipagkakaila na mahal niya si Nate. Obvious naman talaga. Kahit ang pinakatangang tao alam yun. Halos lahat naman yata ng taong nakapalibot sa kanila alam yun. Maliban lang talaga sa kanilang dalawa.

"You know what Cate, it would not hurt to be honest to yourself" isang ngiti ang ginawad ko.

Napatingin siya sa akin. Alam ko may agam-agam siya. Pero alam ko talo na talaga ako.

"Cate, I give up. I lost."

"Ano bang ibig mong sabihin Keith?" at bigla niya iniwas ang tingin niya sa akin.

"Hanggan ngayon pa rin ba Cate sinungaling ka pa rin? Bumenta na yan Cate." Walang preno kong sabi sa kanya. She need to stop running and be brave enough to face her real feelings.

"Sumusuko na ako Cate kasi alam ko na mahal mo siya. Hindi naman ako tanga. Ewan ko sa iyo kung hanggang kailan ka magsisinungaling sa sarili mo"

Wala nang sinabi si Cate. Nanatili kaming tahimik habang tinatapos ko ang pagkain ko. Tinawag ko na ang waiter at binayaran ang kinain namin.
Hinatid ko na siya sa condo niya. Hindi na ako tumuloy kasi nga nagmamadali na rin ako. May session kami ngayon sa studio. Kailangan na talaga naming tapusin yung album namin.

"Una na ako Cate." Yun at tumalikod na ako. Masakit man pero ganun na nga siguro. Basta masaya lang siya.

Isinuot ko na ang cap at shades ko. Mahirap na magawan pa ako ng issue ng mga paparazzi. Kawawa naman si Cate. Mabuti pa nga siguro umalis na ako.

Nakarating din ako sa building ng recording label namin. Pinakita ko na ang id ko sa gwardiya at pumasok na ng diretso sa loob.

Pagkapasok na pagkapasok ay sinalubong na ako ni Tats, ang bahista namin. "Pare! Nandito ka na. Sa wakas. Record na tayo."

Napangiti na lang ako. "Sige record na tayo"

**********************************
Jenna pov

"Kayo na?! Paano?!"

Halos lumuwa na nga yata ang mata ko sa dalawang ito. Kailan pa natauhan ang dalawang ito?

"Actually, Jen, paano ko ba ieexplain?" Tumingin si Cate sa dako kung saan si Nate. "Ikaw na nga mag-explain Nate."

Ewan ko talaga sa dalawang ito. Nagkaaminan na nga hindi pa rin kayang sabihin na sila na ng maayos.

"Cate, chill. Binibiro ko lang kayo. Nabigla lang talaga ako. Kung hindi ka comfortable okay lang. Im happy for the two of you"

Niyakap ko ang dalawang ito. Sa haba ba naman ng panahon na in denial ang dalawang ito, masaya ako na sa wakas ay nakita na rin ni Cate ang lalaking mamahalin siya talaga.

Pero kahit masaya ako para sa kaibigan ko. Nalulungkot ako para kay Keith. Alam ko na siya ang nagparealize kay Cate ng totoong feelings nito. At kahit pa na sinabi niyang suko na siya. Alam ko na nasasaktan siya.

Nag-usap pa kami ng matagal. Mostly ang kung paano nga naging sila. Si Nate na ang nagkwento. Para talagang tumama sa lotto ang loko sa saya.
Hindi na rin ako nagtanong ng tunglol sa nangyari sa lamay ng papa ni Nate. Alam ko namang hindi pa handa si Cate. Hahayaan ko na lang muna siya isavor ang masayang araw na ito para sa kanya.
Late afternoon na ng nagdecide ako umuwi. Gusto pa nga sana nila na doon ako magdinner kaya lang may kailangan akong kunin sa shop.

Pagdating ko ng shop ay niligpit ko ang ilang mga tela na nakapatong pa sa cutting table. Pagkatapos nun ay pumunta ako sa table ko at kinuha ang sketching pad ko at ilan sa mga gamit ko.

Naalala ko ang sinabi ni Keith sa akin about kay Cate. Alam ko namang wala siyang pag-asa pero nang makita ko ang tindi ang pagnanais niyang mapalapit kay Cate, tinulungan ko siya. At ngayon ngang nagkaaminan na nga si Cate at Nate, saan naman kaya lulugar si Keith.

Napabuntong-hininga na lang ako. Hindi ko naman problema yun. At kung tutuusin wala naman talaga akong pakialam.

Inilagay ko na lang sketch pad ko sa loob ng bag ko. Mahabang araw na naman bukas. Kailangan ko nang tapusin ang summer collection ko para masimulan na ang pagtahi. Kailangan kong makaabot sa deadline ko by two months.

Pagkalabas ko ng shop ay pinadlock ko na ito. Pagtayo ko ay nabigla ako sa malaking bulto sa likod ko.

"My God! Keith naman eh! Nabigla ako sa iyo." Saad ko sa lalaking nasa harap ko.

"Naghapunan ka na?" Tanong ni Keith sa akin.

Napangiti na lang ako at umiling. Gumanti din siya ng ngiti sa akin. "Kain tayo."

"Basta libre mo."

"Sure" at magkasabay kaming tumawid papunta sa pinakamalapit na resto...

*******************************
What do you think guys? Cute siguro kung magkatuluyan itong dalawa.
Let me know what you think. Team keijen ba kayo? 😁😁😁

The Girl Named CateWhere stories live. Discover now