Salvation

15 0 0
                                    

Nate's pov

Magiging mahirap ang pagligtas namin kay Cate. Alam kong ginagawa na nila Greg at Tori ang lahat.But I can't just wait here.  Nakikipagtulungan rin kami sa mga pulis.

Kasalanan ko ito. I should have known na may balak sa amin si Karina. Sana matagal ko nang pinaalis sila ng kanyang ama na si Fidel sa kompanya.

Mga traydor sila. Alam kong may kinalaman si Fidel sa nawawalang 500 million ng kompanya. Hindi lang talaga mapatunayan. At si Karina. Kaibigan ko siya. I should have known na lahat ng pakikipaglapit niya sa akin at ang pangakong isisiwalat ang ama niya ay bahagi rin lang din ng plano niya para matunton at masaktan si Cate.

I was careless. Matagal na pala akong pinapaikot ng mga Lastimosa. I came after the father not knowing na mas malaking ahas ang anak.

"Sir. Handa na po ng lahat ng documents na pinapakuha niyo." Declared by my secretary na si Grace.

Kinuha ko ang makapal na ledger at ang statement of account sa Macau division.  Mabilis kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan si Tori.

"Tori, nakuha ko na ang mga documents. What's next?" Tanong ko sa kaniya

"Call the board." Malamig na sagot niya sa akin.

Here goes nothing. Kapag bumagsak si Fidel, kasabay nun ay ang pagfreeze ng assets niya at kasama dun ay ang kay Karina who also had some evidences of embezzlements. Sa ngayon ay hinahanap pa nila Tori ang ibang assets ni Karina. Mahirap siyang gipitin kung mayroon pa siyang ibang matatakbuhan. Kailangan naming magawa lahat ito bago ang napag-usapang oras namin ni Karina.

Natatakot ako sa pwedeng magawa ni Karina kay Cate. She's crazy. Hindi ko man alam ang rason behind pero ang ganitong planadong hakbang ay nagpapakita lang na matagal na itong napagplanuhan. Maaring nangyari pa itong pag atake sa amin before pa namatay ang papa.

Last night...

"Her real name is Charity Fuentebella. 25 years old. Born in Bacolod city, Negros Occidental. Ikalawang anak ni Alfonso at Leticia Fuentebella. Kapatid siya ni Henry Fuentebella na nagkataong fiance pala ng kapatid ni Cate na si Christine Locsin.

Nang magpakamatay ang kapatid nilang si Henry ay naging kasunod nun ay pagkamatay ng kanilang ina. Ginipit sila ng mga Locsin siguro gawa na rin ng pagkamatay ni Christine at ang bigla na lang paglayo ng anak nilang si Cate.

Kalaunan, bumagsak ang mga negosyo nila at naghirap. At lalo pa silang minalas ng mamatay ang ama nulang si Alfonso dahil sa cancer. Napariwa ang dalawang magkapatid dahil sa walang pamilyang gustong kumupkop sa kanila. Hannah stayed at their aunt in Guimaras. While Charity met Fidel and worked for him at eventually inampon.

She changed her name to Karina Lastimosa. Alam niya ang lahat ng pagnanakaw na ginawa ng ama niyang si Fidel at ito ang ginagawa niyang alas para mapasunod si Fidel sa lahat ng kagustuhan niya. She orchestrated everything. Mula sa pagsira ng factory sa Taiwan, sa biglang pagkamatay ng ama mo. She made you believe na kakampi mo siya Nate. At alam mo na siguro ang tungkol sa mama mo at sa pagkasunog ng bahay nila Cate.

The Girl Named CateWhere stories live. Discover now