Scrapbook

18 0 0
                                    

Cate pov

Nakakatawa talaga nga ang buhay noh? Nakailang liko ba ang ginawa ko para lang maiwasan ba umabot sa ganitong sitwasyon. Pero gaya nga ng sabi nila, kapag nagmahal ka na, hindi mo na kayang pigilan ang sarili kahito ano pang gawin mo.
Masaya kong pinagmamasdan ang lalaking natutulog sa tabi ko ngayon. Oo, nandoon pa rin ang takot. Ang takot na baka masira ko siya pero naisip ko rin na magkaiba naman ang nangyari noon. Iba naman ang sitwasyon namin ni Nate ngayon. Pero sana lang talaga hindi maging hadlang ang nakaraan ko sa magandang future namin ni Nate.

Mahimbing na natutulog si Nate at habang pinagmamasdan ko siya mas lalong parang sasabog ang puso ko sa saya. I've never felt so happy and contented.

Hinalikan ko ang noo niya. Mahal ko talaga ang gagong ito. At proprotektahan ko siya.

Ipipikit ko na sana ang mata ko nang biglang tumunog ang cellphone ko. Sino naman kaya ito? It's 11:00 in the evening.

"Hello?"

"Hello, day katkat, ikaw ni? (Ikaw ito?)" Ang tanong ng babaeng nasa kabilang linya. Nanigas ako sa tinig na yun.  Kilalang-kilala ko ang may-ari ng tinig na iyon.

"Nay Mara?"

"Day, si papa mo..."

Nagtagal din ang pag-uusap namin ni Nay Mara. Si Nay Mara ang nagsilbing yaya namin ng lumalaki pa kami. Siya na nga yata ang tumayo naming ina everytime na wala si Mama.

Kailangan ko na ba talagang bumalik? Kaya ko na bang bumalik? Siguro tatapusin ko na lang muna ang libing ng papa ni Nate. Hindi ko pa kayang umalis habang nandito si Nate at nagdadalamhati.

Lumabas muna ako ng kwarto at nagtungo sa kusina. Mabuti hindi ako sinusumpong ng mga panic attacks ko nitong nakaraang araw. Sana makayanan ko hindi gumawa ng eksena ulit at lalo na bukas ang libing.

Pagkababa ko ay kumuha ako ng baso at nagsalin ng tubig dito. Napansin ko ang pintuan ng stockroom at naalala ko na dapat ko pa lang linisin ito nung nakaraang araw.
Is it curiosity lang talaga o hindi lanv talaga ako makatulog na kailangan ko ng pagkakaabalahan? I weng inside the stockroom at nakita ko ang scrapbook na itinabi ko nung dumating si Keith noong isang araw.

Nilapitan ko ito at pinulot sa sahig na pinaglagyan ko. Binuklat ko ito at tiningnan ang mga litrato nakadikut dun. Matagal na talagang panahon. 12 years na rin. Sa sobrang tagal akala ko hindi ko na maalala kung gaano kasakit. Pero ako naman talaga ang may kasalanan. Tiningnan ko ang babaeng nasa larawan. Kung titingnan mo hindi mo malalaman ang pinagkaiba naming dalawa dahil sa magkamukha kaming talaga. But she's always be the apple of everyone's eye. Their darling Cristine. Isinara ko ulit ang scrapbook dahil nararamdaman ko na naman ang biglang pagsikip ng kwarto. Sabi ko nga hindi pa kaya ng diwa ko.
Dali-dali akong lumabas at bumalik sa kwarto. Mabilis akong humiga at niyakap ng mahigpit si Nate.

"Baby? Are you alright?" Nagising pala siya sa ginawa ko.

Tumango na lang ako at isiniksik ang katawan ko kay Nate. I needed his warmth and feeling him this close is enough to shoo my fears away.

"Baby, if there is something wrong just feel free to tell me. Nandito lang ako palagi." At isang halik sa ulo ang kinintal ni Nate.

"I know. Thank you Baby." Ang tanging naisagot ko. Ayoko pang maglaho ang panaginip na ito. Please Lord, sana ganito na lang kami palagi. Malayo sa lahat ng takot at alinlangan sa buhay. I've always been alone. And I dont want to lose this guy too.

I dont...

The Girl Named CateWhere stories live. Discover now