Breaking Apart

17 0 0
                                    

Cate pov

Hindi ko alam paano ako nakarating sa condo unit ko. Hanggang ngayon ay parang kabayong nakikipagkarera ang puso ko sa bilis nito.

Akala ko kaya ko nang kalimutan ang lahat at magpatuloy. Hindi pala talaga. I dont deserve this happiness. After everything na nangyari, wala akong karapatang sumaya. Seeing Michelle just made me realize na kahit anong gawin ko, the guilt is there.

Natatakot ako. Bumabalik na ang lahat ng bangungot ng nakaraan ko. And I thought na may magandang future na naghihintay sa akin. Who am I kidding? I'm doomed the moment I stepped on the dock and and met him. Sira na ako, nasira na rin ang pamilya ko. I'm a person with a broken past, asa pa ako na meron akong buong future. At habang kaya ko pa, kailangan ko na silang bitawan; the girls and Nathan.

Kailangan ko na nga sigurong bumalik. I took that card that dreaded to look at and dialed the number. It's been 10 years. Alam ko na ginawa nila yun for me to have a chance na mamuhay ng normal. Pero kahit anong gawin ko, I will never be normal.

"Hello dad."

Nate's pov

Napapangiti ako kapag naaalala ko ang mga nangyari kagabi. It was perfect. Cate is perfect. Alam ko na I should have not claim her but the time was so perfect and we both wanted it. I already imagined the future with her by my side.

Marami pa ang mga dapat ayusin dito sa company but at least marendahan ko na ang member ng board. Nasa amin parin ang seat of power.  And all of this I will try to secure for us, for my future family. Masyadong advance nga siguro ang utak ko. But I never been sure all my life not until Cate. She's the reason that I believed in love and I am doing the best that I can. Kahit na corny na talaga pero for me siya na talaga ang babaeng pakakasalan ko.

A text message broke my chain of thoughts. It was from Cate. Isang ngiti ang sumilay sa mukha ko ng makita ko ang text. Pero short-lived yun ng makita ko ang message.

Believe me when I told you na mahal kita. But I'm sorry...   cate

Kinabahan ako sa mensahen iyon. Bakit pakiramdam ko ay mawawala na naman siya sa akin. Biglang tumunog ang phone ko at nakita kong si Jenna iyon.

"Nate, kasama mo ba si Cate ngayon?" Agad na tanong ni Jenna sa akin.

"Hindi. Nasa condo siya. Bakit?" 

Parang sinabitan ng isang toneladang metal ang puso ko sa sobrabg bigat nito. Natatakot ako.

"She texted me Nate. She said sorry for lying the entire time. Hindi ko siya maintindihan. Kinakabahan ako kasi bigla siyang nagpaalam at sinabihan pa niya akonna baka hindi na kami magkita pa. What is happening Nate? May naging problema ba kayo ng kaibigan ko?

Mas lalong nadagdagan ang kaba ko. Wala naman kaming problema. Masaya pa nga kami kaninang umaga.

Hindi ko alam kung paano natapos ang usapan namin ni Jenna. Biglang tumunog ang cellphone ko at nakita ko ang pangalan ni Tori sa screen. "Anong nangyari sa kaibigan ko Valle?" Walang kagatol-gatol niyang tanong sa akin.

Lahat yata ng kaibigan ni Cate ay tumawag saying the exact same thing. Hindi ko na namalayangvtumatakbo na ako palabas ng building at dumiretso sa kotse.

Hindi ako iiwan ni Cate. Yun ang gusto kong paniwalaan. Pero tila pinagsakluban ako ng langit at lupa ng makarating ako sa unit niya.

It's empty. Dumiretso ako sa kwarto at binuksan ang cabinet. Everything is gone.

Everything is gone.

Napatingin ako sa side table at napansin ang isang nakatuping papel sa ibabaw nito.





Dearest Nate,

Hindi ko alam kung paano ko sasabihin ang nasa loob ng puso ko. Pero gusto kong simulan by saying I'm sorry. Truly sorry.

Nagsinungaling ako sa inyong lahat about my background. Akala ko kasi I can just move on and live a normal life. Pero mali ako.

My real name is Catherine Amy Locsin. At hindi totoo na ulila ako. My father is still alive pero napilitan siyang tiisin na mahiwalay sa akin dahil sa mga pangyayaring partly ay kasalanan ko. My past is not something that I can be proud of. I'm broken person Nate. Kung sa factory pa, reject ako dahil damaged good ako.
Last night, I thought na kaya kong ibaon na lang ang lahat sa limot ang try to pretend that my past does not exist. Pero hindi rin pala. I need tovgo back ang fix myself and my family Nate. Hindi ako makamove forward not until I make peace with my past.
I don't want to drag you and the girls sa downfall ko.

Continue your life my love. If ever you find that girl that deserves you, don't let go of her.

I love you. At least yan ang totoo.

Catherine


Hindi ko alam ang mararamdaman ko sa nabasa ko. Pero isa lang ang alam ko. Hindi ko siya kayang mawala sa akin.

Find somebody else? My ass! Siya lang ang kaya kong mahalin. At kahit saan pa siya magtago. Hahanapin ko siya.

Kinuha ko ang cellphone ko and dialed Tori's number.

"Nate?! Anong nangyari?"tanong ni Tori.

"I'll explain later Victoria. But first you have to help me find her first. Do you know someone we can help trace her location? Magbabayad ako kahit mahal."

"Hindi mo na ako kailangang tanungin because I decided na hanapin siya. I know someone who can help us." Sagot ni Tori.

"Thank you."

"Huwag ka muna magpasalamat. Hindi pa natin siya nakikita."

Tori asked me some particulars pa para at least may clue kami kung saan magsisimula. Pero sa totoo lang hindi ko alam kung paano namin siya hahanapin.

Maghintay ka lang Cate. We will see each other again. And if that time comes, I will never let you go...

The Girl Named CateWhere stories live. Discover now