Connections

24 0 0
                                    

Nate's pov

Mabilis akong nakarating sa secret office ni Tori.
Sinalubong ako ni Gregory sa may pinto and led me to a secret door sa likod ng  library.

Nagpatiuna si Gregory pababa sa secret stairs papunta sa isang kwarto. Sa kwartong iyon ay nakita ko ang isang lalaking nakastrap sa isang upuan. Nakatuon sa kanya ang nag-iisang bombilya sa kwartong iyon. Lumapit ako kay Tori na kasalukuyang nakaupo sa harapan ng lalaki.

"Sabihin mo sa akin ang kinalaman ng babaeng ito sa mga Lastimosa? Sumagot ka! O baka gusto mo na tuluyan ko ilagay sa tahimik ang ate mo?" Rinig kong banta ni Tori.

Lumapit ako at tinapik ang balikat ni Tori. Lumayo siya sa lalaki at nilapitan ko ang lalaking kanina lang pinagbabantaan ni Tori.

Pinagmasdan ko ng mabuti ang lalaki at halatang hindi lang basta pagbabanta ang ginawa ni Tori sa lalaking ito. Makikita mong na kahit na walang pasa ang mukha nito ay siguradong ginamitan ito ni Tori ng pain inducing serum. Hindi ko alam kung saan ni Tori kinukuha ang mga torture tools niya pero effective ang mga ito.

Muling dumaing sa sakit ang lalaki na waring pinipilipit ang kanyang mga kasu-kasuan.

"Sabihin mo na ang totoo at ibibigay ko sayo ang antiserum. Matatapos na ang paghihirap mo." Si Tori.

Talagang nakakatakot ang babaeng ito kahit kailan. Alam ko na sa edad niyang ito ay marami siyang connections both sa good side at dark side ng law. At ngayon ay nakikita ko ang galaw ng angel ng destruction. Nakakatakot si Tori pag pinapalabas niya ang dark side niya. Kaya niyang sirain kahit sino pang mataas na tao. She had her ways. Ways na ayoko nang alamin.

"Sagutin mo na lang ang tanong ng babae dude. At matatapos na paghihirap mo. Sisiguruhin din namin na hindi ka mahahabol kung sino man yang amo mong pinagtatakpan mo." Sabi ni Gregory palapit siya sa amin.

Lumapit ako sa lalaki at umupo sa upuan na nakaharap sa kanya.

"Kilala mo ba ako?! Ako ang anak ng babaeng pinalo mo sa ulo. Sa totoo lang ay dapat binubugbog na kita dahil sa ginwa mo sa mama ko. Pero mas gusto kong malaman kung sino ang nasa likod ng mga pangyayari.

Sino nag-utos sa iyo? Sagutin mo at baka sakaling hindi namin idamay ang pamilya mo."

Ngumisi ang lalaki at hindi nagtagal ay namilipit ulit sa sakit.

"At talagang hindi ka magsasalita?" Sigaw ni Tori.

Kinuha ni Tori ang phone niya at may tinawagang tao. Pinindot ni Tori ang speaker at umalingawngaw ang iyak ng isang babae sa telepono.

"Anak! Baste! Sabihin mo na ang totoo sa kanila! Hindi daw nila sasaktan si Maria kung magsasabi ka lang ng totoo."

Inoff uli ni Tori ang telepono at lumapit sa lalaking tinawag na Baste

"Oh Baste. Baka akala mo ay hindi ako seryoso nung sinabi kong hawak ko ang mga buhay ng pamilya mo. Hueag ka mag-alala. Hindi naman ako sobrang sama. Basta sabihin mo lang ang nalalaman mo. Sisiguruhin ko ang kaligtasan mo at mapapababa namin ang kasalanan mo. We can make you a witness at proprotektahan namin ang pamilya mo." Paliwanag ni Tori.

Bumuntong-hininga ang lalaki at tumingin sa amin.

"Karina Lastimosa. Siya ang nag-utos sa amin para pumasok sa bahay ni Mr. Valle. Hindi ko sinasadya ang pagpukpok ng vase sa ulo ng matanda. Ang utos lang ay manggulo kaya lang sisigaw ang matanda. Kapatid niya ang nasa larawang hawak mo maam"

Napatingin ako kay Tori at nagsimula na siyang tumipa sa kanyang smartphone.

"Karina Lastimosa. Ampon ni Fidel Lastimosa. No one knew of her origin pero pinakilala siya bilang part ng family when she was 14 years old." Basa ni Tori sa info na nasa phone niya.

The Girl Named CateWhere stories live. Discover now