The Enemy

24 0 0
                                    

Cate's pov

Natatakot ako sa mga pangyayaring naganap sa amin ni Nate. Sa ngayon, ay nandito ako sa hospital sa Manila para bisitahin ang mama ni Nate.

Magmula nang tumawag ang babaeng yun sa phone ko ay hindi na nawala ang takot na maaring isa na naman sa mga mahal ko sa buhay ang masaktan.

Napilitan akong bumalik sa Manila dahil sa mga nangyayari. Nagprisinta akong alagaan ang mama ni Nate. Wala namang vital organs ang napuruhan kay tita. Pero may sugat pa rin siya sa ulo na resulta nang may pinukpok dito. Hanggang ngayon wala pa ring lead kung sino ang umatake si Tita. Although ang pinaghihinalaan nila ay ang ibang dating member ng board na matagal nang may galit sa pamilya Valle. Pero gayunpaman hindi pa rin conclusive.

Natatakot pa rin ako. Kahit na anong paniwala ko sa sarili ko na baka nagkataon lang. Hindi ko pa rin mapigilang ikonek ang nangyari sa sasakyan ni Nate, ang nangyari ngayon at ang tawag sa akin noong nakaraang limang araw.

Hindi na tumawag ang babae pero nag-aalala pa rin ako.

Narinig ko ang pagtikhim ni Nate sa tabi ko. Narito na pala kami sa hospital.

"Baby? Are you okay? Ang lalim ng iniisip mo." Nag-aalalang tanong ni Nate.

"I'm okay Baby. May naalala lang ako." Sagot ko sa kanya. Tinanggap niya naman ito kahit halata sa mukha niya na hindi kumbinsido.

Bumaba na siya at pinagbuksan niya ako ng pintuan. Tuloy-tuloy kami papasok ng hospital elevator papuntang CCU. Stable naman na si Tita kaya lang ay tulog pa siya.

Naaawa ako sa kalagayan ni Tita ngayon. Tulog pa rin siya. According sa neurologist na concussion lang daw ang tinamo ni Tita at clear ang cranial CT scan niya. Ang pagtulog daw ni Tita ay maaring dulot din ng ilang sedatives na binigay nila. Baka sa mga ilang araw ay magising na siya.

"Cate nandito ka pala." Bati sa akin ni Doc Carlo nang makasalubong namin siya.

Si doc Carlo muna ang resident-in- charge kay tita. Nagkakilala.kami dahil na rin kay Abby.

"Kamusta naman si Mama Doc?" Tanong ni Nate

"Sa ngayon Mr.Valle ay naimumulat niya nang unti-unti ang mga mata niya. Although medyo antok pa siya dahil sa sedatives. Pero nilower down na namin ang mga gamot at marahil bukas o makalawa ay masustain niya na ang wakefulness.
Bantayan niyo pa rin ang patient in case of pag decrease ng wakefulness niya or pagsakit ng ulo. So far so good naman ang lahat.
Mauna na ako sa inyo. Pupunta na muna ako ng ICU." Yun at umalis na ang doktor.

Naupo na kami ni Nate sa chairs sa tabi ni Tita. Sa ngayon ay tulog pa ito pero natutuwa ako at sa wakas ay naimulat na ni Tita ang mga mata niya.

"Mabuti na lang okay na si Tita. Sana naman mahuli kung sino man ay may gawa nito sa kanya."

Tumabi sa akin si Nate at ipinilig ang kanyang ulo sa balikat ko. Alam kong pagod na siya. Ang dami pa namang problema sa companya nila ngayon. Dahil na nga siguro sa mga pangyayari. Kung ako ang nasa katayuan ni Nate ngayon. Malamang naloka na talaga ako sa stress. Hindi ko alam paano ni Nate kinakaya ang lahat ng ito.
Hinayaan ko lang si Nate na mahiga na sa aking hita.
"Baby, matulog ka muna. Okay lang namang gawin mong unan ang hita ko." Offer ko sa kanya.

"Baka mangalay ka Baby. Okay lang ba?"

"Asus, nahiya ka pa. Eh gusto mo rin naman. Sige na."

Humiga na si Nate at hindi naglaon ay nakatulog na rin siya. Tulog pa din si Tita kaya hinayaan ko na rin ang sarili kong maidlip.

Nagising akong wala na si Nate sa tabi ko. Tulog pa rin si Tita. Tumayo ako at inunat ang mga paa at kamay ko.

Saan kaya nagpunta si Nate?
Palabas na ako ng CCU ng makita ko si Nate sa dulo ng pasilyo. Lalapit na sana ako sa kanya nang napansin kong may kinakausap siyang lalaki na hindi ko kilala. Aalis na sana ako pabalik sa kwarto nang marinig kong binanggit ang pangalan ko. Hindi ko na natiis at nakinig ako sa pag-uusap nila.

"I'm sorry Nate but until now the police has no lead whatsover to who did this to your mother. Even my connections are having a hard time looking for leads. Whoever it is man, I'm sure he has big connections. He covered his tracks well." Dinig kong sabi ng lalaki.

"I know Greg. Natatakot lang ako na baka pati si Cate ay madamay. Sa ngayon hindi ko alam kung sino ang kalaban ko. Anyone has a motive to hurt my family" nakita kong nakakuyom ang mga kamay ni Nate.

Nagmadali akong bumalik sa CCU nang biglang nagring ang celphone ko. Si Nanay Mara.

"Cat! Ang bahay niyo nasunog!" Bungad niya pagsagot ko.

"Ano?! Anong nangyari Nay? Si Papa?" Sunod-sunid kong tanong.

Ano ba naman ito? Hindi pa nga natatapos ang isang problem ay heto na naman ang isa. Natatakot ako baka ano na ang nangyari kay Papa.

"Okay lang siya Day Cat. Nakalabas kami bago pa tuluyang nadunog ang buong bahay."

"Kamusta si Papa Nay? San kayo ngayon?"

"Nasa isang bahay kami Cat. Huwag ka na madyadong mag-alala at walang nangyaring masama sa Papa mo. Konting paso lang sa kamay pero napagamot na namin."

"Nay uuwi ako diyan bukas" sabi ko sabay pasok naman ni Nate sa loob ng kwarto.

"Baby? What's wrong?"

Hindi ko na napigilan at niyapos ko na lang siya ng mahigpit. Sa kanya na lang talaga ako kumukuha ng lakas.

"Baby, tell me what's wrong?" Tanong ni Nate ulit sa akin.

Hindi ko namalayang puro hikbi na lang ang sinasagot ko sa kanya. Inakay niya ako sa may upuan upang maupo. At doon tuluyan na akong umiyak. Takot na takot ako sa mga nangyayari. Bakit ba kailangang mangyari ang mga ito?

Nang huminahon na ako ay sinabi ko ang nangyaring pagkasunog ng bahay namin.

"Baby, I need to go home." Paalam ko sa kanya.

Tumango lang si Nate sa akin. "Sige. Ihahatid kita bukas sa inyo."

"Hindi na kailangan Baby. Kaya ko nang umuwi mag-isa. At saka marami ka pang kailangang asikasuhin. Hindi pa nagigising si Tita."

Ayaw mang pumayag ni Nate ay wala na rin siyang nagawa nang mag-insist ako.

Nate's pov

Nakatulog si Cate sa sobrang pagod. Inihatid ko siya sa condo unit niya. At inakyat sa kwarto. Mahimbing siyang nakatulog marahil ba rin sa mga nangyari kanina. Malamang nadrain siya.

Pababa na ako ng kwarto nang nagring ang phone ko.

It was Gregory.

"Greg?" Sagot ko

"We found the guy who trashed your house and hurt your mom. We are interrogating him right now."

"Nasaan kayo?" Tanong ko kay Gregory

"Sa secret office ng tigress. Actually nandito siya ngayon. And hell man, she's a lot scarier than me." Sabay tawa ni Greg sa kabilang linya. "Nate there are things that this guy spilled. I'll just tell you if you are already here. I am right Nate. There's a big fish. Behind this. At tiyak na magugulat ka.

"Okay. Papunta na ako diyan Greg." Mabilis kong nilock ang unit ni Cate at mabilis na nagpunta sa opisina ni Tori Enriquez.

I have to know kung sino ang nasa likod ng lahat ng ito. Kailangan kong maprotektahan ang family.

Time to know the enemy...

The Girl Named CateWhere stories live. Discover now