Can it be More Awkward than This?

44 0 0
                                    

Nakokonsensya ako ng iwan si Nate sa labas ng unit niya. Eh kasi naman hindi ko pa maiwasan na hindi maasiwa kapag nakikita ko siya.

Hindi naman niya siguro sinasadya yun. Lasing siya. May pinagdadaanan. Kung minsan clouded ang thinking ng isang tao kapag lasing. Tinatry ko talagang ijustify ang nangyari kagabi. Isang malalim na buntong-hininga na lang ang napakawalan ko.

Bumaba ako ng kotse at direchong pumasok sa event area. Marami nang tao ang nandoon. Karamihan mga stylist. May mga artista rin akong nakita at mangilan-ngilan ding mga pulitiko at mga asawa nila. At marami pa sa kanila ay mga socialites. Nakita ko si Miss Liza na nginitian ako mula sa malayo.

Nakakatuwa. With the looks of it, mukhang successful ang launch. Hindi na nagtagal ay nilapitan na kami ng mga usherettes papunta sa loob ng venue ng catwalk.

Ang ganda ng pagkakaayos ng catwalk. All are decorated with black and white. May tatlong mataas na cg walls na nakatayo gitna at magkabilang gilid ng stage. Parang isang malaking heart shape loop ang disenyo ng stage. At sa gitnang bahagi ng heart ay isa white manmade fountain na pinapalibutan ng black vines na sinasabitan ng maliliit na white roses. Parang ang dark ng theme ng launch ni jenna. Pero parang may pagkamysterious din. Iba kasi talaga mag-isip ang kaibigan kong yun.
Nabaling ang tingin ko sa dalawang babaeng kumakaway sa akin.
Si monica at abby.
Inassist naman ako ng usherette papunta doon. Doon din pala banda ang upuan ko.

Pagkaupo ko ay bigla nagstart ang music. Isang violin concierto ang sumalang. Hindi ako sure pero parang isa sa mga gawa ni chopin.
Isang 3d picture ng dark woods ang lumabas sa cg walls. Pagkatapos ay nagsimula nang lumabas at maglakad papuntang gitna ang unang modelo na sinundan pa ng iba. Hanggang unti-unti ay nagbabago ang image sa cg walls.
Ang ganda naman. This time parang kaleidoscope pero puro black and white ang lumalabas. Bagay naman sa mga damit na suot ng mga modelo.

Nang makalabas na ang huling modelo ay lumabas na rin ang bida ng gabing yun. Lumakad si jenna patungo sa gitna at nagbow sa lahat. Masigabo ang palakpakan ng lahat. Successful talaga ang event. Tiyak ako na magiging patok talaga mga designs ni Jenna.

Pagkatapos ng show ay nagtipon ang mga bisita for the afterparty. Magkasama kaming tatlo nila Abby sa isang table habang umiinom ng sineserve na cocktail drinks.

Lumapit si Jenna naggroup hug kami. "Guys, thank you talaga for coming. Lalo ka na doctora." Sabay beso niya kay abby.

"It was a great show jenski. I'm so happy for you." At yumakap ulit si Monica kay Jenna. Nagpatuloy kami sa pag-uusap.
Kalaunan, may isang matangkad na lalaki ang lumapit kay Jenna at may ibinulong. Napatingin si Jenna sa likuran niya at napangiti. "Girls iwan ko muna kayo. Have to talk business." Iyon at umalis na siya kasama ang lalaki.

"Sino yun? Ang hot." Tinig iyon ni Monica.
"Yun? Business partner ni Jenna. Si Tyrone Vedicelli."
"Ah.." at hindi na nawaglit ang mata ni Monica sa huli.

Si Tyrone Alissandro Vedicelli, anak ng isang billionaire from Italy. Gwapo pero ubod ng suplado. Nagkakilala sila ni Jenna sa Italy during the latter's stay sa Milan for a course on design. Naging instant good friends. Ang sabi ni Jenna, isa si Tyrone sa mga taong naniwala sa kakayahan niya kaya nang mapagdesisyunan niyang magatayo ng apparel ay nahikayat niya itong mamuhunan.
Gwapo si Tyrone. Matangkad, sa palagay ko nga 6 footer itong taong ito. Mapungay ang mga mata na tila nanghihipnotismo. Color dark gray ang iris niya na nakakapadagdag ng appeal kasi nga mas lalong naging nangungusap ang mata nito. Sobrang tangos ng ilong at reddish ang lips.

Hindi na talaga natinag ang mga mata ni Monica sa pagsunod kay Tyrone.
Patay tayo niyan. Si Monica pa naman ang tipong hindi nagpapatalo. She simply don't accept a no for an answer. Sanay si Monica Larson na makuha kung ano mang naisin niya. Pero sa tingin ko kay Tyrone, she's up to a great challenge.

Good luck na lang Monica.

Sa di kalayuan ay nadako ang paningin ko sa isang pamilyar na mukha. Tumatawa siya habang akay-akay ang isang blonde model sa balakang.

Tingnan mo tong ungas na to. Hindi pa nga nakakatatlong buwan ay napalitan nya na si Glynis. And not to mention na hinalikan niya pa ako kagabi. Napakaplayboy talaga.

Napahinto ako sa pag-iisip. Isingit talaga ang nangyari kagabi? Iiwas na sana ako ng tingin pero huli na. Nakita niya na ako. Ngumiti siya sandali at ibinalik ang atensyon sa babaeng kasama niya.

At least he smiled back. Untag ko sa sarili. Baka ako lang talaga ang nagpapakomplikado ng sitwasyon. At para sa kanya wala lang yun.
Kasi nga lasing yung tao Cate.

Natawa na lang ako sa naisip ko. Wala na naman dapat sigurong dapat alalahanin. Yun lang talaga siguro ang nangyari. Napahinto ako sa pag-iisip ng makita kong papalapit si Nate sa table namin kasama ang babaeng kanina niya pa akay-akay.

"Hi girls. I presumed I haven't introduced this lovely creature to you." Nkangisi ang ungas at panay ang himas nito sa braso ng girlna kasam niya.
"Let me introduce to you Isabella Isaac." Sabay ngiti ulit ni Nate kay Miss Blondie.
Napahagikgik ang girl na tila kinikilig. Ay high school lang? Ano kaya nakakatawa dun?
"Oh, Nathan, enough with the formalities. Everybody you can call me Bella."
Napatitig kami sa babaeng nasa harapan namin. In fairness naman, maganda siya. She has this rounded eyes with a beautiful shade of sapphire blue for irises. Not to mention ang full lips na nilapatan niya yata ng dark red lipstick na tila ba nanadyang manghalina sa mga kalalakihan. She is quite tall with a statuesque body. And she is wearing a seductive black body hugging tube gown na may slit na halos iexpose ang buong long legs nito. Everything about her screamed that one word that every straight man wants--- SEX.
Kaya naman pala naglalaway ang maniac kong kaibigan at hindi niya na ito nilubayan.

"Nice to meet you Belle." Sagot ni Abby. Hay kahit kailan ito talaga ang huling nakakadetect ng bitchy vibes. Well, hindi naman siya kasi bitchy kaya hindi niya nanotice na tila taas ng tension.

"I see that you eventually found your way around people here Bella." Si Monica. Parang magkakilala sila at baka hindi pa nga in good terms dahil biglang nawala ang ngiti sa labi ni Belle ng makita si Monica.

"Nice to see you too Monica." Sagot ni Belle habang parang nagsusukatan sila ng tingin. Unang umiwas si Belle at ngumiti ng kay tamis kay Nate.

Hindi ko maintindihan pero parang nairita ako sa ginawa niyang yun.
Ang arte...sabi ng isipan ko.

Tahimik ang lahat ng tao sa table namin. Alam mo yung salitang awkward? Hindi ko alam pero kung may isang word na bagay na idescribe sa amin ngayon, iyon yun. Si Abby nga lang yata ang walang kamuwang-muwang.

Wala pa rin kaming imikan ni Nate at ang haliparot namang si Belle, ayun parang ahas na nakalingkis sa ungas. Naiirita akong tingnan sila. Nagsimula nang tumugtog ang band sa stage.

Teka, alam ko yung song na yun ah.

Lumingon ako sa stage at hindi nga ako nagkamali. Sila nga talaga ang tumutugtog.
Oh my God. Bakit kailangan bang pati si Keith nandito?

Biglang nanlamig ang buong katawan ko ng makita ko siya. Hindi ko alam pero biglang parang mas lumalala ang sitwasyon ko ngayon.

Awkward. No that is an understatement. This is tragedy...

The Girl Named CateWhere stories live. Discover now