Haunting Past

20 0 0
                                    

Cate's pov

Naalimpungatan ako nang maramdaman kong may tumutulong tubig sa mukha ko.

Nag panic ako nang makita kong ako ay nasa isang di ko alam na lugar. Madilim. Parang bodega. Puno ng mga scrap metal ang palibot ko.

Pinalubot ko ang aking paningin para makita kung may paraan para makatakas ako. Pero sa tingin ko ay mahihirapan ako. Masyadong sarado ang buong lugar. Wala ni isang bintana at ang pintuan ay nakalock.

Paano ba ako makakatakas nito?

Sa totoo lang ay takot na takot ako ngayon. Kailangan kong makaalis dito. Sana naman ay hinahanap ako nila Nate ngayon.

Nasa gitna ako ng pag-iisip ng biglang bumukas ang pintuan at niluwa nun ay tatlong kalalakihan at huling pumasok ay isang babaeng nakaitim. Lumapit siya akin at tiningnan ako ng maigi

"Huwag niyong pakakainin ang babaeng ito at kahit ano mangyari ay huwag niyong hahayaang makatakas." Utos ng babaeng nakaitim.

Ano ba ang nagawa kong kasalanan sa mga taong ito? Hindi ko nga sila kilala. Lumapit ang babae sa akin. "Kamusta ka na Ate Cathy?" Tanong ng babae sa akin.

Paanong kilala ako ng babaeng ito? Sino ba siya?

Tinitigan ko ng mabuti ang babae at inisip kung saan ko ba siya nakita. Ngumisibang babae at lumapit pa nang mas malapit sa akin.

"Hindi mo ako maalala? Nakakasakit ka naman ng damdamin Ate."

Nanlaki ang mata ko nang makita ko ang nunal sa ilalim ng kanyang mata. Isa lang ang natatandaan kong may ganung pagkakakilanlan.

"Charity?" Mahina kong sambit sa kanyang pangalan.

"Hay sa wakas natandaan mo rin. Ngaa nang, dali gid ko malimtan? (Bakit ate, madali ba akong kalimutan?)" Tanong ni Charity sa akin.

"Bakit mo ba ito ginagawa Charity? Anong nangyari sa inyo ni Hannah? Si Henry? Kamusta na siya? Nasaan siya ngayon?"

Biglang kumunot ang noo ni Charity sa mga tanong ko at mabilis niya akong sinampal. Sa lakas ng sampal ay natumba ako sa sahig.

"How dare you ask kung nasaan na ang Kuya Henry ko? Ikaw ang sumira ng buhay namin! Ikaw at ang kakambal mong baliw! Sinira niyo si Kuya! Pati kami ni Hannah nasira ang mga buhay dahil sa inyo! Letse ka!"

Isang sampal ulit ang sumayad sa mukha at nagdulot ito ng konting bugbog dahil sa impact.

Hindi ko mapagtanggol ang sarili ko dahil sa nakatali ang mga kamay at paa ko. Sa higpit ng pagkakatali ay halos magkasugat-sugat na ang palapulsuhan ko at ang aking mga paa.

Ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit ako naririto. Ako ang punot-dulo ng pagdurusa ni Charity at Hannah. Mahal na mahal nila ang kapatid nilang si Henry kaya hindi ko sila masisisi kung ako ang sisisihin nila kung ano man ang nangyari sa Kuya nila at pati na rin sa kanila.

Ano kaya ang nangyari sa kanila? Kay Henry? Masyado akong naging duwag kaya imbes na harapin ko ang mga pangyayari ay tinakasan ko ito. Pero wala talagang bagay na pwedeng basta na kalimutan. My past has its way of haunting us kahit anong takbo mo palayo dito, hindi ka pa rin makakatakas.

"Charity, hindi namin gusto ang mga nangyari. Nawalan din ako. Nawala ang kapatid ko at ang pamangkin ko. Sabihin mo sa akin. Ano ang nangyari sa inyo? Anong nangyari sa inyo ni Hannah?"

"Wala ka ba talagang alam?! Ay oo, nga pala.. Nakatakas ka nga pala sa eskandalo. Salamat sa impluwensiya ng mga magulang niyo. Ano nga naman kami ikompara sa inyong mga Locsin na kaya tapalan ng pera ang bawat bibig ng bayan natin.

The Girl Named CateWhere stories live. Discover now