kidnapping

22 0 0
                                    

Cate's pov

Nagising akong nasa loob ng kwarto. Nakatulog pala ako sa sasakyan. Kinarga siguro ako ni Nate papunta dito sa condo. Palinga-linga ako sa paligid. Tumayo ako para buksan ang mga ilaw. Hindi pa pala ako kumakain.

Di bale na lang. Tinatamad na ako magluto at wala naman din akong gana. Nagtungo ako sa banyo para maglinis ng katawan at magbihis na rin.

Saan kaya nagpunta si Nate? Hindi niya man lang ako ginising o tinext.
Bumalik ako sa kama at sinubukang matulog uli. Pero gawa nang marami ang nangyari ngayong araw na ito ay hindi ko maiwasang mag-alala at mag-isip.

Kamusta na kaya si Papa? Alam kong nandun sila kina Nanay Mara. At alam kong hindi naman pababayaan ni Nanay si Papa. Pero hindi ko talaga maiwasang mag-alala sa kalagayan nila. Kailangan ko na talagang makabalik sa lalong madaling panahon. Bukas ay aasikasuhin ko ang flight ko pabalik.

Nang ipipikit ko na ang mata ko ay nakarinig ako ng mga yabag mula sa kusina. Kinabahan ako pero kailangan kong tingnan. Sana pusa lang...

Tumayo ako at naglagay ng robe. Dahan-dahan akong bumaba sa may kusina. Pagdating ko doon ay binuksan ko ang mga ilaw. Wala namang tao.

Pinatay ko ulit ang ilaw at babalik na sa sana ako nang may biglang isang kamay na may hawak na panyo ang tumakip sa ilong ko.

Unti-unti...everything went black....

Nate's pov

Nag-aalala ako sa mga natuklasan ko. All these years, mayroon pala akong ahas na inaalagaan sa bakuran ko. Natatakot ako para kay Cate. Alam ko na siya ang next person na target nila Karina.

Nagdecide akong magmadali sa condo ni Cate. Nag-aalala ako na baka may nangyari sa kanya. Mabuti na ang mag-ingat.

Nakarating din naman ako agad sa condo unit ni Cate. Ipapasok ko na sana ang susi sa pintuan nang napansin kong bukas iyon at sira ang part ng knob

Shit! Si Cate!

Nagmadali akong pumasok sa loob at hinanap si Cate sa kwarto niya.

Shit, wala siya sa loob.

Hinalughog ko ang buong unit at hindi ko nakita si Cate.

Sa pagahalughog ko ay nakakita ako ng puting panyo sa sahig. I went to the kitchen and took thongs para makita ang panyo. I tried smelling it.

I know this smell! Ativan.

Dali-dali kong ipinasok sa isang cellophane ang panyo at nagtungo sa security area ng condo namin.

Pagpasok ko ay nakita ko ang isa sa mga security guard sa sahig at walang malay. I went to see the cctv kaagad.

Nirewind ko ang kuha ng CCTV sa area ni Cate. At first I saw 3 masked men. One of them, immediately put something at the camera.

Damn! They are smart.

Dali-dali kong tinapik ang security guard sa sahig.

"Aguilar! Gising! Aguilar!" Sigaw ko pero hindi magising ang guard.

Shit! Tinutoo ni Karina ang balak niya.

I took my phone and dialed Gregory's number. Alam ko na magkasama parin sila ni Tori.

"Greg! Si Nate. May nangyari sa condo ni Cate. She's been abducted!"

Hindi ko alam ang gagawin ko. Bakit si Cate? Hindi ko kakayanin kung may mangyari sa kanya.

"We'll be there in 5 mins." Sagot ni Gregory.

I put off the call. I dialed the number of the police.

The Girl Named CateWhere stories live. Discover now