Keith Yuzon

25 0 0
                                    

Keith's POV
It's been six years pero hindi ko pa rin siya makalimutan. Ewan ko ba. Sikat nga ako ngayon at marami namang babae ang nakapalibot sa akin. Baka siguro ego ko lang daw ang nasaktan kaya hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako.
Oo aaminin ko na malakas ang tirada ng ginawa ni Cate sa ego. Masakit ang mareject. Pero totoo kong minahal yung tao.

Alam ko na nandito siya ngayon kasi bestfriend niya si Jenna. Kaya nung nakita ko siya sa isa sa mga table doon. Parang nabuhay ang puso ko. Ang corny pakinggan noh?

Pagtapos ng first set namin nilapitan ko sila kaagad. Nakaiwas siya ng tingin. Ang ganda pa rin ng mukha niya. Hindi siya yung tipong maganda na alam na maganda siya. Yun nga siguro ang nagustuhan ko sa kanya.
Tinitigan ko siya ulit. Pero ngayon nakatingin na siya sa akin. Nababanaag sa mga mata niya ang takot. Takot ba siya sa akin? Bakit naman? Baka siguro dahil sa nangyari six years ago.
Tuluyan na akong nakalapit sa kanila.
"Guys long time no see." Sabi ko sa kanila. Pero ang mata ko ay nakatitig lang sa nag-iisang taong gusto nito makita.
"Cate, kamusta?" Ang ganda pa rin talaga niya. Pero kapag ganitong nakikita ko siya, para na namng bumlik ulit ang lahat.
"Ayos lang ako Keith." Matipid niyang sagot sa akin. Nakangititi siya pero parang asiwa.
"Lalo kang gumwapo Keith" nakalapit na si jenna. Ang bilis talaga ng mga kaibigan niya. Pakiramdam ko may tatlong inahing handang umatake sa akin sakali mang maisipan kong gawan masama si Cate. Natawa na lang ako sa naisip ko."Congratulations Jenna"
Binalingan ko ulit si Cate. Kung six years ago ay hindi ko nagawang ipaglaban ang pag-ibig ko. Hindi na ako magpapatalo ngayon. "You're looking great Cate" totoo naman talaga yun. Mas lalo siyang gumanda.
"Don't flatter me Yuzon," sambit niya. Hindi naman masakit yun pero ang mas nakakairita ay ang pagsulpot ng asungot na ito sa harapan namin.
"...Balita ko sikat ka na raw pare." Katakot-takot na pagpipigil ang ginagawa ko ngayon para hindi masuntok ang taong ito.
Napangisi na lang ako, "Happy naman ako sa takbo ng career ko Nate. Isa na lang ang kulang." Tiningnan ko siya ng matiim at lumipat ang tingin ko kay Cate. "Ang babaeng pag-aalayan ko nito."

Hindi ko na narinig pa ang sagot niya sa sinabi ko dahil bigla na lang siya umalis. Pero kahit alam ko magiging mahirap, susuyuin ko siya ulit hanggang maging malapit kami uli. Now that I have her number from Jenna, gagawin ko ang lahat para mahalin niya na ako...

Cate's POV

Hindi ako mapakali habang naglalakad papunta sa cafe na meeting place namin ni keith. Hindi naman dapat ako kabahan dahil anim na taon na rin naman yun. Who knows baka gusto niya lang talaga ako kamustahin.

Nakaupo siya sa may gilid malapit sa counter at mukhang nakaorder na. Lumapit ako sa kanya at hinila ang upuan sa kanyang harapan. "Hi. Sorry natagalan ako." Sambit ko. Hindi ko masabi na may mga anaconda pa akong sinagupa bago umabot dito.

"Ok lang. Umorder na ako para sa ating dalawa. Unless nagbago na ang taste mo sa kape."
Tiningnan ko ang red mug sa harapan ko. Cappuccino. So naalala niya.
"Ok lang. Ito pa rin ang inoorder ko. Buti naalala mo." Isang ngiti ang isinagot niya sa akin.
"Kamusta ka na Keith? Madalas kitang marinig sa tv ngayon ha. Sikat ka na talaga." I sounded that I'm trying hard pero parang ang awkward pa rin talaga.
"Masaya akong malaman na nakikinig ka pala sa akin." Ang ganda pa rin ng ngiti niya. Bakit ko nga siya ulit binasted? Tama. Kasi hindi ko siya deserve.
Ganito naman talaga ako palagi. Ayoko naman talaga siyang paasahin sa wala pero alam ko kapag nalaman niya ang totoo, hindi niya ako matatanggap.
Tiningnan ko ulit ang lalaking nasa harapan ko. Hindi ko alam kung bakit niya ko tinext para makipagkita pero mas ikinagulat ko ang pagpayag ko. Siguro naman okay naman na makipagkita sa kanya. Siguro nag move on na siya sa life at gusto niya na lang na ibalik yung pagigibg magkaibigan namin. Sana ganun lang yun...
"Ang tahimik mo naman"nauntag ako sa sinabi niyang yun. "Ah wala may iniisip lang ako." Sagot ko sa kanya.
"Kamusta naman ang buhay-buhay Cate? Balita ko napromote ka raw."
Napangiti na lang ako. Ito talagang kabigan kong si Jenna. Tsk! Ano pa ba ang sinabi niya dito kay Keith.
"Bago lang. Effective next week pa. Nagresign na kasi yung associate editor namin. Magmimigrate sa New Zealand." Sagot ko sa kanya.

Nagpatuloy lang ang kwentuhan namin. Nalaman kong nagpalit na pala siya ng manager dahil sa mga anomalyang ginagawa ng nauna niyang manager over the years. Ngayon hinahandle siya ngbisang management company talaga. Nalaman ko rin na nabilhan niya ng bahay at lupa ang mama niya. Mabuti na rin yun nang gayon ay magkasama na sila.

Nasa kalagitnaan kami ng pag-uusap ni keith ng biglang nagring ang phone ko.
"Hello" paunang bati ko.
"Cate, ikaw ba ito? Si Tony ito. Ikaw ang unang number na nakita ko dito sa phone. Nandito kami ni Nate sa prisinto."
"Ha, ano bang nangyari?!" May halong pag-aalalang tanong ko sa kaibigan ni Nate.
"Lasing, kaya yun nabangga lang accidentally, nakipagrambolan na."

"Sige Tony, papunta na ako diyan." Ano naman ba itong gulo ni Nate?
"Keith, sorry but I really have to go. Si Nate kasi..." paliwanag ko kay Keith.
"Samahan na kita." Keith said.
"Hindi na kailangan. Nandoon naman si Tony. At saka may gig kapa ngayon di ba? Catch up na lang tayo ulit sa susunod." Yung at nagmadali na akong nagtungo sa parking lot para kunin ang kotse ko.
"Hello Tony," tumawag ulit ako sa kanila. "Saang presinto nga ulit?" Yun at pinatakbo ko ng mabilis ang kotse ko...

Pagdating ko sa presinto ay nakita ko si Nate na nakaupo sa harap ng pulis. Kaharap niya marahil ay nagrereklamo.

Mabilis akong nagtungo sa kinaroroonan nila. Nakita ako ni Nate at mabalasik na tingin ang ipinukol niya kay Tony. "Fxxk Ton. Bakit mo siya tinawagan?!" Hindi nakalampas sa pandinig ko ang sinabi niya.
"At sinong gusto mong tawagan niya mama mo?!" Angil ko sa kanya. At pagkatapos ay itinuon ko ang atensyon ko sa pulis sa harapan namin.
"Sir, ano po ba ang ginawa ng kaibigan ko?" Tanong ko sa pulis.
"Miss, inirereklamo po siya nitong si Mr. Enriquez na sinuntok lang niya ng walang rason at nagwala pa siya sa bar kung saan sila namin dinampot.
Napatingin ako kay Nate ng matalim at iniwas niya lang ang tingin sa akin.
"Okay na po ang sa bar dahil nabayaran naman nila ang damages. Kaya lang po itong si Mr. Enriquez ay desididong magfile ng asunto laban kay Mr Valle."
Napatingin ako sa taong sinuntok ni Nate. Malaki ba talaga ang galit niya sa mundo at talagang ang laki labg talga ng black eye nitong inumbag niya?
Kinausap ko si Mr. Enriquez na patawarin na lang si Nate sa pagsuntok nito. Nauwi naman sa aregluhan ang lahat at ako na ang sumagot sa pagpapagamot ng tao.

Palabas na kami ng biglang hinawakan ni Nate ang braso ko. Hindi ko siya tiningnan bagkus inignore ko siya. Hinila niya ang brado ko na muntik ko ng ikabuwal. Mabuti na lang at hindi. Huminyo ako sa paglakad at tiyempong lumapit siya sa may likuran ko. Hindi ko pa rin siya tinitingnan.
"Sorry..." bulong ni Nate sa likuran ko. Isang buntong hininga na lang ang pinakawalan ko at humarap sa kanya. "Huwag mo na lang ulitin. Pinag-alala mo ako." Isang ngiti at pagtango lang ang isinagot ni Nate. Para talaga siyang bata. Alam kong may pinagdadaanan siya pero sana hindi niya ibinuntong sa iba.
Tuluyan na kaming nakalabas nang mamataan ko si Keith na nakatayo sa malapit sa isang itim na kotse. Ano ang ginagawa niya dito.
"Keith?! Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko. Akala ko umuwi na siya. "Di ba may gig ka pa?"

Nakalapit na si Keith sa amin at hinawakan ang kamay ko . Hindi ko na lang siya sinaway dahil wala na akong lakas para ideal pa ang simpleng bagay na ganun. "I got worried kay sinundan kita." Sagot ni Keith.
Sasagot pa sana ako kaya lang bigla namang pumagitna itong si Nate. "Okay na kami pare. Hindi ka na kailangan," sagot ni Nate sabay hila sa akin sa sasakyan. Kinawayan ko na lang si Keith bilang pagpapaalam. At tuluyan na kaming umuwi ng kumag.

The Girl Named CateWhere stories live. Discover now