Her Past 2

26 0 0
                                    

13 years ago...

True to his word. Talagang gumawa ng move si Henry. Kahit na anong iwas ang gawin ko ay pinupuntahan niya talaga ako kahit saan man ako.

May isang instanve na nagpunta pa talaga siya sa room namin during homeroom. Kilig na kilig ang karamihan sa mga kababaihan sa classroom namin. Lalo na nung nagsimula na siyang mangharana sa akin with matching roses pa.

Aaminin ko nahuhulog na ako sa kanya kaya lang iniisip ko si Christine. Magmula kasi nang magsimulang manligaw si Henry ay naging malamig na rin ang pakikitungo ng kapatid ko sa akin.

Nasasaktan ako kasi alam ko na nasasaktan si Christine. Pero nanatiling tahimik lang siya sa classroom habang umaawit si Henry.

Nang matapos ang kanta ay nilapitan ako ni Henry. Lumuhod siya sa harapan ko at kinuha ang kamay ko at hinalikan ko. Gusto ko sanang bawiin ang kamay ko nang makita kong parang naluluha na ang kakambal ko habang pinagmamasdan kaming dalawa ni Henry.

"Catherine Amy Locsin...will you be my girlfriend?" Natahimik ang lahat sa tanong ni Henry. Tiningnan ko ang kapatid ko at napansin ko na wala na pala siya doon sa upuan niya. Tinitigan ko ulit si Henry. Isang luha ang tumakas sa mga mata ko.

"I'm sorry... I just can't." Sagot ko.

Nakita ko ang panlulumo ni Henry sa sinagot ko. Binawi ang ko ang kamay ko sa kanyang pagkakahawak. Tumayo ako at hinanap ang kapatid ko.

Nakarating ako sa taas ng building. Alam kong dito siya pupunta dahil dito kami madalas tumambay mula pa noon.

"Tin?" Tawag ko sa kanya.

Humarap siya sakin hilam ng luha ang kanyang mga mata. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya.

"I'm sorry Tin. Hindi ko naman alam na ako ang gusto niya. Ayaw kitang saktan" hikbi ko habang nakayakap sa kanya.

The Girl Named CateWhere stories live. Discover now