Secrets

18 0 0
                                    

Jenna pov

Tumawag sa akin si Nate at itinanong kung may alam ba ako tungkol sa pamilya ni Cate.

Come to think of it, wala nga masyadong detalyeng binibigay si Cate about sa family niya. Ang alam ko ay ulila siya pero kahit yun ay hindi niya kiumpirma sa amin.

Nagtatago ng sikreto sa amin si Cate. Pero bakit? May nangyari ba sa kanya.  Nakatingin lang ako sa mug na kanina ko pa hawak. May pakiramdam akong may mali kahit noong una pa naman kay Cate pero binalewala ko yun dahil nirerespeto ko siya. Alam ko na balang-araw sasabihin niya rin sa akin ang nasa loob-loob niya. Nalulungkot ako dahil natutingan pa namang bestfriend niya ako pero wala man lang akong alam sa mga saloobin na dinadala.
Marahil nasanay kami na siya ang pinakamalakas sa amin. Siya palangiti. Ang liwanag ng grupo. Hindi namin nahalata na sa likod ng mga ngiting yun ay may nakatagong lungkot at pasanin.

"Nate. Ano daw ang sabi ng doctor?" Tanong ko kay Nate na katulad ko ay hindi maitanggi ang pag-aalala sa mukha.

"Ayaw magdivulge ni Dr. Silva ng information. Against daw sa ethical beliefs ng profession niya. She has to protect Cate's privacy. Privacy my ass!" Nate slammed the table with his fist. Nagrattle ang pinggan at napatingin na rin ang ibang mga customers sa ginawa ni Nate.

"Calm down Nate. Wala magagawa ang init ng ulo dito. We have to talk to Cate directly if we have to."

Natahimik si Nate sa sinabi ko. Alam kong nag-aalala lang siya kay Cate. Mahal niya ang tao. Pero sa ganitong mga sitwasyon, hindi makakatulong ang pagiging OA. We might be blowing things out of proportion gayun hindi naman pala ganun. Napabuntong-hininga ako at sinumulan nang inumin ang kapeng malamig na sa pagtitig ko lang.

************************************
Nate's pov

Tama naman ang sinabi ni Jenna na walang magagawa ang init ng ulo sa problemang ito. Pero I'm really worried about Cate. Alam kong may problema siya. Niresearch ko ang details about kay Dr. Silva at doon ko nalaman na isa siyang kilalang psychiatrist. Matagal na itong doktor at masasabing isa sa pinakamagaling sa larangan niya.

And then I had a thought. I tried reading into anxiety problems hanggang umabot ako sa isang article about post traumatic experiences. It tells about certain traumatic causing brief psychotic attacks on patients. Pwede ring magmanifest as panic or hysteria.
Is Cate experiencing post traumatic psychosis. Pero if she did, ano ang nangyari sa kanya? Ano ang hindi niya sinasabi sa akin.

Natigil ang malalim na pag-iisip ko nang makita kong pababa si Cate galing sa kwarto. I've been sleeping in her unit for a few days na since naging kami. Tinatabihan ko lang siya and nothing beyond that. I respect her to much to take advantage.

"Hey there handsome." Bati niya sa akin flashing her beautiful smile. Ang ngiting yan yata ang nagseal ng deal. Wala na hulog na ako.

"Hi there gorgeous" bati ko rin sa kanya. 
Lumapit siya at umupo sa harapan ko.

"Baby, labas tayo. Nakakatamad na dito sa bahay." Sabi niya habang nakapangalumbaba sa harapan. She looks adorable when she does that.

"Saan mo gusto pumunta?" Tanong ko.

"Hmmm...Saan ba? Ah! Alam ko na. Sa bar baby. Gusto ko uminom."

What's got into her. Bakit bigla na lang itong nagyayang uminom?

"Baby are you alright? May problema ba?" Buong pagtataka kong tanong sa kanya.

"Baby naman. Problema kaagad? Pwede bang gusto ko lang magenjoy kasi nga ang boring na dito?" Nakangiti niyang sagot.

Ewan ko but I really think that this is a bad idea. Hindi sa wala akong tiwala sa kakayahan ni Cate uminom. Mas malakas pa ngang tumungga sa akin yan. Kaya lang it's not her character ang bigla ba lang magyayang uminom. Gayunpaman mabuti na itong ako ang kasama niya.

"O sige na nga." Sana hindi ko to pagsisihan...

The Girl Named CateWhere stories live. Discover now