Cruel Cate

38 0 0
                                    

Napatanga lang ako ng makita ko siya sa stage. Ganun pa rin ang itsura niya. Siguro mas nagmature.

Nagawa niya na talaga ang pangarap niya gaya ng sinabi niya 6 years ago.
Tiningnan ko siya muli at huli na para umiwas pa ako ng tingin dahil nakita niya na ako. Wala na ang mga ngiti sa mga matang yun. Napalitan na ng intensity, ng parang galit.

Ano ba ang inaasahan mo Cate? Hindi maganda ang nangyari sa inyo ng huli kayong nagkita di ba? Napalingon ako kay Abby. May bahid ng pag-aalala ang mga mata niya. Ngumiti ako para mareassure siya na okay lang ako...

6 years ago...

Lunchtime. Kapag ganito, siguradong maraming tao sa cafeteria. Pero hindi iyon ang inaalala ko ngayon.

I received a text from Keith Yuzon yesterday. Parang love letter lang sa sobrang haba. Pero actually love letter naman talaga eh. Aaminin ko medyo kinilig ako kaya lang may mali. Hindi ko kayang tanggapin ang pag-ibig na inaalay niya.

Nice naman si Keith. Sa totoo lang maswerte ang babaeng mamahalin nito. Gwapo, matalino, talented at ubod pa ng bait. Hindi ka na makakahanap ng ganun ngayon. Pero siya naman ang minalas dahil ang napili niyang mahalin ay ako.

Nakita ko siya sa may dulong bahagi ng cafeteria kasama ang mga kaibigan niya sa engineering department. Hawak niya na naman ang gitara niya. Tiningnan ko muna siya ng matagal bago ako nagdesisyon na lapitan sila.

"Keith." Tawag ko sa pangalan niya. Lumingon siya sa akin at ngumiti ng pagkalaki-laki. Lumabas ang dalawang dimples na isa sa dahilan kung bakit pinagkakaguluhan siya ng maraming babae.

"Cate." Masayang lumapit sa akin si Keith. "Pwede ba tayong mag-usap?" Tanong ko.
"O sige. "

Nagtungo kami sa bench malapit sa building nila sa engineering dept. Nauna akong umupo at napatingin sa paanan ko. Paano ko ba sasabihin sa kanya?

"Keith, regarding sa text na pinadala mo sa akin kahapon..." tumingin ako sa mga mata niya. Ang mga mata niyang palaging nakangiti. Paano ko ba sasabihin na itigil niya na ang paglapit sa akin.

"Ano ba yung gusto mong sabihin sa akin Cate?" Heto na siguro ang time para sabihin ko...

"Itigil mo na ang paglapit sa akin. Gusto kong layuan mo ako."

Nagtagis ang panga ni Keith sa sinabi ko. Shit! Galit siya. Hindi niya yata matatanggap ang anumang rason na sabihin ko.

"Bakit? Ano yung 2 weeks na pinakita mo sa kin ha Cate? Ano yun? Pinaasa mo lang ba ako?" Pasigaw niyang tanong sa akin. Alam ko na nagpipigil lang siya ng galit. Alam ko namang parang pinaasa ko lang siya. Pero hindi ko naman sinabing mahal ko siya. At sa tingin ko hindi naman ako kailanman nagpakita ng motibo.

The Girl Named CateWhere stories live. Discover now