Knowing

18 0 0
                                    

Nate pov

Mabilis siyang nagbihis. Tumitig lang ako habang ginagawa niya yun. Nagoffer akong ihatid siya pero ayaw niya. Nalungkot ako. Oo nakita ko na siya ulit at alam ko mahal niya pa rin ako. Pero hindi pa rin ako makapasok.
Alam ko hindi pa siya handa pero ang mas malaking tanong ay kung handa na ako.

I partly know regarding her condition. Nakita ko na noon ang mga attacks niya pero ang hindi ko alam ay matagal na pala ang kanyang sakit. When we had investigations on her whereabouts ay doon ko nalaman ang tunay na pagkatao ni Cate.

Her real name talaga ay Catherine Amy Locsin, 29 years old at tubong Negros Occidental. Nalaman kong anak siya ng isang maykayang haciendero at galing talaga siya sa isang prominenteng pamilya. Ang hindi lang namin nalaman ay rason kung bakit siya napunta ng Manila at nagbago ng identity. Ang sabi ng mga nakakakilala sa kanila ay may gulo daw na nakasangkutan ang pamilya. Pero hindi na naconfirm ng mga privaye investigators ang maraming info tungkol sa kanila dahil mukhang maraming kapit sa gobyerno ang pamilya nila Cate. They were able to shut everybody up and every little bit of information was held confidential.

Marami akong gustong itanong kay Cate. Pero alam ko na may panahon para doon. Ang importante para sa akin ay nakita ko na siya uli. At pangako ko sa sarili ko na hindi ko na siya pakakawalan.

"Alis na ako Nate." Paalam niya sa akin.

"Hindi ka ba talaga papahatid?"

Alam ko makulit ako pero baka sakali lang naman at pumayag siya.

Ngumiti lang siya sa akin at dumiretso sa pinto at lumabas.

Naiwan ako sa kama. Matagal na siyang nakalabas pero nakatunganga pa rin ako sa pinto. Napabuntung-hininga na lang ako at nagsimula nang magbihis. Marami akong kailangang alamin. And I should start with the center. Malamang ay may information sila tungkol sa tunay na kalagayan ni Cate. If I have to force my way in her life, I'll do it.

Cate's pov

"Saan ka galing kagabi Catherine?" Pambungad na tanong sa akin ni papa.

I dont want to sneak in like what I did. Pero things happened and until now I dont know how to sort things out. Napakagulo ng isip ko.

"I.. I" hindi ako makahagilap ng sasabihin. Para akong bata na nahuling gumagawa ng kalokohan.

Naupo ako sa harapan ni papa. Habang siya nanatiling naghihintay sa kung ano mang sagot na sasabihin ko sa tanong niya. Napabuntong- hininga ako. "He's here Pa. He found me."

Yun na lang ang nasabi ko. There's no point lying anyway. Kilala ni Papa si Nate at alam niya kung anong klaseng relasyon ang meron kami bago ako biglang naglaho na lang.

Tahimik lang si papa habang sinimsim ang kapeng kanina niya pa hawak.

"You spend the night with him?" Tanong niya.

"Yes pa."

Napayuko na lang si papa. "Alam niya na ba ang lahat anak?"

Ako naman ngayon ang napayuko. I never accounted that he will indeed look for me. Pero nandito na ito at there is no point running away. I know Nate will not give up. Or shall I say that I am hoping that he would not give up.

Napatitig uli si Papa sa akin and he flashed a smile. "Gusto ko siya makilala anak."

Napangiti na rin ako ng tuluyan sa sinabi ni Papa. When he said that he wants to know Nate, it would only mean that he approves.

"Invite him to dinner later. Tawagan mo na rin si Mara at si Mina para makapaghanda tayo."

Masaya akong tumalima sa utos na iyon ni papa. I cant wait to introduce Nate kay papa. Mabilis ako pumanhik at nagbihis at tinawagan na rin sila Nanay Mara.

Tumawag na rin ako kay Nate para sabihing dito na siya sa bahay maghapunan. At parang tumama siya sa lotto at nagsisigaw siya kabilang linya.

"Hoy! Huwag ka nga! Gusto ka pa lang niya makilala. Hindi pa niya sinasabi na pasado ka na bilanh manugang niya."

I grinned at the thought. Bigla kasi siyang natahimik
Natakot yata. Hahaha. Iyan kasi lakas ng confidence. Ni hindi pa nga siya sigurado talaga at saka hindi pa nga ako sigurado kung tatanggapin ko siya sa buhay ko.

"Kahit pahirapan niya pa ako Baby. I will not give you up."

Naramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko sa sinabi niya. Pilitin ko mang itanggi pero talagang kinikilig ako.

"Ewan ko sa iyo. Ibababa ko na ito."

Masaya ako at nagbalik na sa buhay ko si Nate pero natatakot pa rin ako. Kaya nga umalis ako kasi alam ko I need time to fix my deranged self. Ayaw ko siyang idamay.

Dumating ng maaga si Nate sa bahay.
Halatang excited.  He looked so dashing even with just a simple long sleeve on.  May dala siyang botelya ng wine at inabot ito ka Nanay Mara. Dumiretso kami sa living room dahil nandoon si papa.

"Pa, si Nate. Nate my father, Leonardo Locsin."

Inabot naman ni papa ang kamay ni Nate at nagkamay silang dalawa. "It's really a pleasure to finally meet you in person hijo." Papa exclaimed.

Medyo nahiya ako kasi nga marami akong naikwento kay papa about kay Nate. At alam niya rin ang mga naging sakripisyo nito sa akin. Nakakahiya lang kasi masyado akong binubuking ni papa sa mga nakakalokong ngiti niya sa amin.

"Pa, kasabad ah! (Kainis naman)" reklamo ko kay papa. Natawa na lang ang dalawabg lalaki nang nakita nilang mistulang kulay kamatis ang mukha ko.

Dumiretso na kami sa dining hall at sinimulang kumain.

"Hijo, hanggang kailan ka naman mananatili dito sa Negros. I heard you were a busy man." Tanong ni papa.

Tumingin sa gawi ko si Nate kaya napatitig na lang din ako sa kanya. Bigla niya naman binaling ang tingin niya kay papa. "Sa ngayon ay hinahayaan ko muna ang partner ko magpatakbo ng negosyo. Anyway, they cann always contact me and settle things kahit nandito ako. I cant leave just yet."

"Mabuti naman kung ganun hijo. Fiesta dito sa bayan namin nitong linggong ito. Tamang-tama. At kung gusto mo dito ka na lang manatili habang nagbabakasyon ka. Dalawa lang kami dito ni Cathy. At least ay may makakausap na ako."

Napangiti ng malapad si Nate sa tinuran papa. Kulang yata ay magtatalon siya sa saya. "Kung okay lang po, hindi po ako tatanggi." Sagot niya sabay subo ng karne sa bibig.

Kinagabihan, sinamahan ko si Nate sa guest room. Inayos ko na rin ang ilan sa mga kailangan niya like towels at mga toiletries. Palabas na sana ako ng kwarto ng hilahin niya ako at mahigpit na niyakap.

"I'm happy. Noong isang araw lang parang baliw ako sa kakahanap sa iyo. Pero ngayon hawak na kita sa bisig. Please tell me na hindi ka na mawawala ulit."

Naantig naman ang damdamin ko sa mga sinabi ni Nate. Kahit ako ayoko nang mawalay sa piling niya. Alam ko masakit para sa kanya ang paglayo ko. But nasaktan din naman ako. Mahal ko si Nate but I have to fix things about me so that I can deserve to have  someone like him.

"Sana dumating na rin ang araw na mapapapasok mo na rin ako ng buo sa buhay mo." Binitawan niya ako at tinitigan. "Ano ba talaga ang totoo Cate? You know that whatever it is, sa iyo ako kakampi at maniniwala."

Bumuntong hininga ako at umupo sa dulo ng kama. Sumunod siya at tumabi sa akin.

"I guess it's time for you to know."

Napatitig sa akin si Nate in anticipation.

"I killed my twin sister..."

The Girl Named CateWhere stories live. Discover now