Outburst

25 1 1
                                    

Cate pov

"I love you and promise I dont like because it's killing me!"

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa sinabi niyang yun.
Alam ko. Alam ko na mahal ako ni Nate. Hindi naman ako manhid. Nakita ko iyon. Pero hindi ko gusto harapin ang katotohanang minamahal ko rin siya.
Marami ako nagawang mali sa buhay ko at dahil sinunod ko ang lintik na puso ko. Pati utak ko ngayon unstable.  Kaibigan ko si Nate at hindi ko lang siya mahal lang. Mahal ko siya higit pa sa inaakala niya. Ayokong masira siya dahil sa ako pinili niyang mahalin.

Akala ko madali lang to keep everything at bay. Pero heto na sumabog na. At hindi ko alam kung paano pa haharapin ito.

"Matagal na kitang mahal Cate. Simula't sapol na nagkakilala tayo. Akala ko matatanggap ko na magkaibigan lang tayo pero hindi ko rin pala kaya."

Napatingin ulit ako sa mata niya. May butil na ng likidong tumutulo mula sa mga mata niya. Umiiyak siya?

Nalatayo ako sa kinauupuan ko at lumuhod sa harapan niya.

Handa ka na ba Cate? Kaya mo na bang magtake ng risk?

Tumingin siya sa mga mata ko. May mga luha na ring tumutulo mula rito. Natatakot ako sa maaring mangyari kapag nalaman niya ang tunay kong background. Kaya niya bang tanggapin yun? Kaya niya ba akong mahalin kahit malaman niya yun?
Lahat ng agam-agam na dala-dala ko ay isinantabi ko muna. Tama si Keith. It wouldn't hurt to be honest to myself. Kahit one time lang. Babaliin ko lang rules ko.

Walang salita ang makalabas sa labi kahit anong pilit ko. Baka nga tuluyan na siguro lumabas ang mga hikbing kanina ko pa pinipigilan. Hinayaan kong haplusin niya ang mukha ko. Bahala na. Tatalon na ako.

At sa di inaasahang saglit ay naramdaman ko na lang nakapikit na ang mga mata ko habang dinadama ang labi niya.

It was a gentle kiss. Not rushed. Para bang gusto niya lang talagang damhin ang mga labi ko. Nagpatianod ako sa halik na iyon. Hindi ko na kailangan pang sabihin dahil alam niya na mahal ko siya. Lumampas na ako sa linya.

Matapos ng ilang minuto ay natapos na rin ang halik na iyon. Nanatili lang ako sa harapan niya. At siya naman ay tuluyang bumaba ng sofa upang lumuhod para magkapantay na ang mga mukha namin.

"Mahal rin kita." Ang tanging nasabi ko after sa lahat ng kadramahang nangyari.

Mas tumindi ang takot ko ngayon. Hindi lang para sa sarili ko kundi na rin para sa lalaking ito sa harapan ko. I will not lose this man.

"Finally" at isang ngiti ang sumibol sa kanyang mukha.

Napapikit na lang ako ulit ng maramdaman ko ang isa pang halik na iginawad niya sa labi ko. Pero this time mas malalim na. It's like he is owning me and making me feel that he wants no other woman in this world but me.
Hindi ko na rin napigilang tumugon sa halik na iyon.  At lumalim pa ang halik.
Ikinawit ko ang aking braso sa kanyang leeg habang siya ay nakalaso ang mga daliri sa buhok ko.

Naging mas mapusok ang paghalik ni Nate sa akin at dumiin which made me moan a little. At nang feeling ko kakapusin na ako ng hininga ay bahagya ko siya itinulak.

"Langya. Para ka namang suso makahalik Nate! Ano ba?! Papatayin mo ba ako?"

Hindi na napigilan ni Nate ang humalakhak. Tumayo na siya't inilahad ang kamay sa akin.

"Kakaiba ka talaga Cate. Kaya siguro minahal kita. Hala! Sige na tumayo ka na diyan. Baka maisipan ko pang biglang kargahin papuntang kwarto mo at doon natin gawing ang gusto kong gawin sayo noon pa."

Pinamulhan ako sa sinabi niya at dali-daling tumayo. "Manyak ka talaga noh." Sabay hampas sa balikat niya.

Sige pa rin ang tawa ng ungas. Nakakainis na talaga! Nagmumukha na akong tanga dito.

Nang nakita niyang nakasimangot na ako ay tumigil din siya sa pagtawa. Pero nakangiti pa rin niya akong nilapitan at niyakap. Sa sarap ng yakap niya, napayakap na rin ako.

"Pero seriously, girlfriend na ba kita?" Tanong niya habang nakayakap parin sa akin.

Tumango na lang ako bilang sagot. Natatakot pa rin ako pero kailangan kong harapin na ang mga takot ko.

"Talaga?" Parang bata talaga ito si Nate. Bigla na lang niya ako binitiwan at nagsasayaw sa sala ko.

"Hoy! Ano ka ba? Para kang baliw."

Tumigil din si Nate sa pagsasayaw at kinuha ang mga kamay at hinalikan yun.

"I love you very much Catherine Solis. At kahit magmukha pa akong baliw, hindi ako mahihiyang ipagsigawan yun sa mundo." At isang halik na nama. Ang aming pinagsaluha. Aba namumuro na ito si ungas ha.
"Alam mo nakatatlong halik ka na. Quota ka na mister." Sabi ko pero kunwari pa talaga ako. Eh nakangiti naman.

Tumawa lang siya ng malakas at bigla na naman akong kinabig at hinalikan. Sige na nga lang. Gusto ko rin naman ang ginagawa niya.

Hay, there's just no turning back na talaga. Pero gayunpaman hindi ko na kaya pang pakawalan ang taong ito.
Sana lang malampasan namin ang bagyong nagbabadya. Sana lang talaga..

*****************************
Hi!
Thank you sa mga nagbabasa. Sana nag-eenjoy kayo. Anyway kung may mga comments kayo, feel free to comment.
Open ako sa lahat ng opinions and suggestions.

Have a nice day! 😘😘😘

The Girl Named CateWhere stories live. Discover now