Be with me...

30 1 0
                                    

Nate POV

Hinayaan ko muna siyang pumasok sa unit niya. Kung kailangan niya ng space ibibigay ko yun. Basta manatili lang siya sa tabi ko. Kahit magkaibigan na lang kami.

Matagal kong tinitigan ang pinto ng unit niya. Alam kong mukha na akong tanga na nakatayo doon. Pero hindi ko alam kung ano na ang gagawin ko. Parang gumuguho ang mundo ngayon para sa akin. Una, namatay si papa ay ngayon ang babaeng pinakamamahal ko lumalayo. Hindi lang siguro sa akin siya lumalayo kundi pati sa lahat. Alam ko may pinagdadaanan siya pero paano nga ba tulungan ang taong  alm mong simula't sapul ay mas malakas at mas matatag kesa sayo. Sa kanya pa nga ako kumukuha ng lakas sa pagkamatay ni papa. Paano nga ba?

Kinalaunan ay tumunog ang cellphone ko. Si mama.

"Hello Ma...Oo naman Ma. Okay na siya. Nandito na siya sa condo." Sunud-sunod kong sagot kay Mama. Marahil nag-alala rin siya sa nangyari kay Cate. Ibinaba ko na ang cellphone kasama ang pangakong ia-update ko si Mama sa kalagayan ni Cate. Ayaw kong magkaproblema si Mama. Marami na ang problema. Kasama na dito ang transition sa corporation. Alam ko na sa ayaw ko o hindi ako ang maga assume ng pwesto as CEO. Not to mention ang mga bwitreng handa kaming salakayin sa likod. I dont trust some of the board members. I know they have bested interests pero hindi nila magawa ang mga kahudasang plano nila ay dahil si Papa ang may-ari ng controlling stocks. Hindi nila kayang manipulahin si Papa unlike ni Mama. Sa ngayon hupa pa ang bagyo pero sisiguraduhin ko na once I sit on that chair. Hinding-hindi sila lulusot.

Eto lang namang problema ko with Cate ang hirap akong harapin. Si Cate ang rason bakit kaya ko pang harapin ang lahat ng problemang ito. Siya ang liwanag ko. Kaya kung mawawala siya, I'm lost...

Nang nakadalawang oras na ako sa labas ng unit ay napagdesisyunan ko na munang bumalik sa unit ko. Nang may biglang sumigaw sa loob ng unit ni Cate. May narinig din akong nabasag. Dali-dali ko siyang kinatok.
"Cate! Okay ka lang ba?! Cate buksan mo itong pinto."

Minadali kong tumawag sa main reception para ipakuha ang dr spare key sa unit ni Cate. Hindi nagtagal ay nabuksan na namin ang unit ni Cate. Nakita ko si Catena nakaupo sa sahig habang tinatakpan ang mata. Nagkalat ang mga bubog sa sahig.

"Cate!" Dali-dali ko siyang niyakap. At biglaan ay nagsimula na siyang humagulgol.

"Please don't leave me alone, Nate."

"Sssh. Stop crying Baby. I'm here. I will never leave you."

"Be with me Nate. Just don't leave me alone"

I will never leave alone. Not till the day I die...

Nang kumalma na si Cate ay kinarga ko siya papunta sa kwarto niya. Kahit alam ko hinang-hina siya, mahigpit parin ang kapit niya sa leeg ko. Ramdam ko ang eratikong pagtambol ng puso niya. Sumasabay ito sa pagtibok ng sa akin. Alam kong mali na maramdaman ko ito ngayon. She's vulnerable at ayaw kong magtake ng advantage.

Pagkarating namin sa kwarto niya ay inihimlay ko siya sa kanyang kama. Nagpatianod naman siya. Nang paalis na ako...

"Nate, please stay with me. I can't bare with the nightmares." Tiningnan ko siya waring nagtatalo ang damdamin ko. Gusto kong manatili doon para samahan siya. Pero sa sitwasyon ko hindi ko alam kung kaya kong magtimpi. For God sake Nathan! Umayos ka.

Nginitian at saka tumango. Umusog siya para bigyan ako ng lugar para tabihan siya. Kahapon lang ako ang inaalo niya dahil sa dalamhati ko. Parang bumaliktad ang mundo. Ako naman ang nandito para samahan siya sa kung ano mang bagay na bumabagabag sa kanya.

"Nate, pwede mo ba iabot ang bag ko? Kailangan kong kunin ang gamot ko para inumin." Mahinahong sabi niya sa akin. Bumaba ako ng kama at umupo naman siya. Inabot ko ang bag niya at may kinuha siyang supot na puno ng mga gamot.

Gusto ko mang magtanong ay hinintay ko pa rin siyang may sabihin sa akin. Pero bigo ako.

Gayunpaman hindi ko na lang talaga siya pinilit na sabihin sa akin ang tungkol sa mga gamot. Nakatulog na siya habang nakayakap sa akin. Pinagmamasdan ko ang mukha niya. Payapa na ito pero bakas pa rin ang stress sa mga nangingitim niyang eye bags. Hinalikan ko ang ulo niya at nagpasya na rin akong ipikit ang mga mata ko.

Yes, I will be with you whatever it takes Cate...

************************************
Hi guys! Another short update pero very important.
Hope you like this chapter!

The Girl Named CateWhere stories live. Discover now