Where is Cate?

27 1 0
                                    

Jenna's POV

Lumapit kami sa kabaong ni Cate para tanawin ang mga labi ni Tito Luis. Hindi ako masyadong malapit sa pamilya ni Nate unlike ni Cate na halos ituring na anak ng pamilyang Valle. But they were so good to me ng nagsisimula pa akong magtayo ng aking clothing line. Tiningnan namin ang payapang mukha ni Tito. Alam ko ang kwento nila ni Tita Natasha. Pati ang paghihiwalay nila. Hindi lingid iyo sa kaalaman ng media. Pero kahit paano natuwa ako nang malaman kong bumalik si Tito. Siguro nga kailangan lang talaga ng panahon para maghilom ang mga sugat ng nakaraan.

Nang malaman kong namatay si Tito Luis ang unang sumagi sa utak ko ay ano na ang mangyayari sa dalawang ito. Kahit hindi naman nila kasi aminin ay halata namang may gusto sila sa isa't isa. Kaya nga mrdyo nakokonsensya rin ako na ibinigay ko ang number ni Cate kay Keith. Ang kulit rin kasi din ng huli.

Nagawi ang titig ko kay Nate. Abala itong kinakausap ang mga kaibigan marahil ng mama niya. Pero manaka-naka ay sumusulyap siya kay Cate. Confirmed. In love nga siya talaga sa kaibigan ko.

Napalingon ako kay Cate na nakatayo sa tabi ko. Parang may mali sa kanya ngayon. Hindi ko mawari. Parang mukha siyang takot at nanginginig. Ang mga mata niya parang wala kang makita kundi takot. Anong nangyayari sa kanya?

Magtatanong na sana ako sa kanya nang bigla na lang siyang tumakbo palabas. Teka...
"Cate!"

Nakita ni Nate ang biglang pagtakbo ni Cate palabas at hinabol niya ito. Pati ako ay nakihabol na rin. Pero hindi siya namin naabutan ni Nate.
Ang bilis naman niyang tumakbo

"Jenna ano'ng nangyari? Ba't biglang tumakbo si Cate." Tanong ni Tori ng makabalik ako sa loob.

"Hindi ko nga alam Tori. Basta bigla na lang siya tumakbo. Mukhang takot na takot siya. Hindi ko maintindihan" bakas ang pag-aalala sa mukha ni Tori.
Lahat yata ng tao doon ay nagtataka rin sa inasal ni Cate. Ano kaya ang nangyari sa kanya? At saka saan siya nagpunta? Nakabalik na si Nate sa paghabol kay Cate pero mukhang bigo siya.

"Nate, ano nakita mo kung saan siya pumunta?" Labis na pag-aalalang tanong ko kay Nate.

"Hindi ko siya nahabol Jen. Hindi ko rin nakuha ang numero ng sinakyan niyang taxi."

Dali-dali kong kinuha ang cellphone ko para tawagan si Cate. Nagriring ang phone niya pero walang sumasagot.

Ano ba Cate. Sumagot ka naman.

Nagsisimula na akong matakot sa mga maaring mangyari kay Cate. This is the first time she ever behaved this way.

Tiningnan ko si Nate at umiling. "Hindi siya sumasagot Nate." Kinuha ni Nate ang phone niya at nagsimula na ring tawagan ang phone ni Cate

"Damn it! Cate, answer the phone" wala sa sariling turan ni Nate habang patuloy ang pagtawag kay Cate.

Nakailang beses din nagpapalit-palit kami ng pagtawag kay Cate. Pero hindi pa rin siya sumasagot.

"Nate nag-aalala na ako." Turan ko kay Nate.

"Pupuntahan ko siya sa condo. Baka doon siya dumiretso." Sagot sa akin ni Nate. Lumapit siya kay Tita Natasha at tila nagpaalam na aalis muna siya. Tumango namn ang ina niya.
"Dito muna kayo." Si Nate. At dumiretso na palabas ng punerarya.

Mga ilang oras din ang lumipas ng tumunog ang cellphone ko. Si Cate!

"Cate! Nasaan ka? Ba't di ka sumasagot?" Sunod-sunod kong tanong sa kanya. Isang mahabang katahimikan muna ang narinig ko. At sa wari kong aabutin kami ng kinabukasan ay narinig ko ang boses ni Cate sa kabilang linya. Mahina ito na parang tunog exhausted.

"Okay lang ako Jen. Sorry nauna ako may nakalimutan akong importante. Bye." Magtatanong pa sana ako kaya lang pinatay niya na ang kabilang linya.

Humarap ako kay Tori at sinabing okay si Cate. Pero sa isip ko, hindi talaga mawaglit ang takot na mukha ni Cate. Alam kong hindi siya okay. Mayroon siyang tinatago na hindi niya sinasabi sa amin. Ano man yun determinado akong malaman.

Tinapik ni Tori ang balikat ko na siyang nakapagpabalik ng aking diwa.
"Alam kong nag-aalala ka but I know she has a very good reason for this." Tumango na lang ako kay Tori. Tama naman siya lahat ay may magandang explanation. Hindi ko lang talaga magawang hindi mag-alala.

Tumunog ulit ang telepono ko. This time si Nate na ang tumatawag. "Hello Jen. Okay na. Nakabalik na si Cate sa condo. Going to talk to her." Sabi ni Nate.
"Oo alam ko na. Kakatawag niya lang sa akin. Kausapin mo siya Nate. Pupunta na lang ako mamaya. Uuwi na rin ako. Thank you and please take care of her." Sagot ko.

Lumapit ako kay Tita Natasha na nakaupo sa may harapan. Sinabi ko sa kanyang nakauwi na si Cate kaya medyo nabawasan ang alala sa mukha niya. Nagpaalam na rin kami ni Tori sa kanya at nangakong babalik kinabukasan.

Pagkalabas ko ng punerarya ay tumunig ulit ang phone ko. Si Keith. Ano ba naman ito?

"Hello Keith" paunang bati ko.

"Jenna, may nangyari ba kay Cate? Hindi siya sumasagot sa phone." Tanong ni Keith.

Ikinwento ko kay Keith ang lahat ng nangyari sa lamay. Mula sa paglapit namin sa kabaong hanggabg sa pagtakbo ni Cate palabas.

"Nasaan siya ngayon?!" Halos pasigaw niyang tanong. "Sorry" paumanhin di niya kaagad ng maulinigan niyang napalakas ang boses niya.

"Okay na siya Keith. Tumawag siya sabi niya may nakalimutan lang daw siya." Sagot ko nang hindi na mag-alala si Keith.

"Ah ganun ba. Sige salamat Jen."

Napabuntong hininga na lang ako at tinapos ang tawag. Lahat ay nag-aalala sa nangyari kay Cate. Pupuntahan ko na lang siya mamaya.

Hay...What's wrong Cate?

The Girl Named CateWhere stories live. Discover now