Assault

19 0 0
                                    

Cate's pov

Nanginginig kong ibinaba ang tawag mula sa unknown caller na iyon.

Sino siya? Ano ba ang nagawa ko sa kanya?

"Nak, ok ka lang? Gakurog ka. (Nanginginig ka)" boses ni Nay Mara

Napahawak ako sa isang upuan doon at tuluyan akong umupo. Parang nawalan ako ng lakas sa mga sinabi ng babaeng yun.

"Okay lang ko nay. Basi nakapoy lang ko. (Okay lang ako nay. Baka napagod lang ako)" ayaw kong magpatalo sa anxiety problems ko. Pero aaminin ko, natatakot talaga ako sa banta ng babaeng yun.

Hindi ko namalayan na nandoon na rin sa kitchen sina Nate at papa.

"Baby, are you okay? Namumutla ka" may pag-aalalang tanong ni Nate.

"I'm okay baby. Napagod lang ako siguro." Sagot ko sa kanya.

Ayoko munang sabihin sa kanya ang tungkol sa tawag. For all I know, baka prank call lang yun.

Kumalma na ako at nagsimula na akong iset ang lamesa for lunch. Masaya kaming kumain at binalewala muna ang nangyari kanina sa amin ni Nate.

Binalewala ko na rin ang tawag na nareceive ko kanina. Masaya kaming kumain. Masarap talaga magluto si Nanay Mara. Miss ko na rin kumain ng luto niya.

Pagkatapos naming kumain ay nanatili kami sa may garden ni Nate. Tahimik naming pinagmasdan ang mga tanim kong bulakalak. Kahit noong bata pa ako ay mahilig talaga ako sa mga bulaklak at sa siyempre sa pagtatanim. Gumagaan ang loob ko.

"Ang ganda dito noh?" Wala sa isip kong tanong kay Nate.

Tumango siya at hinalikan ako sa sentido. Sa ganitong mga pagkakataon ko higit na nararamdaman ang kaligayahan kapag kasama ko si Nate. Yung mga simpleng pagkakataon na tahimik lang kami habang nakaakbay siya sa akin at nakahilig ang ulo ko sa dibdib niya. Pakiramdam ko, ligtas ako at walang sinuman ang may kayang saktan ako.

Nasa ganoong posisyon kami nang biglang tumunog ang cellphone ni Nate.

"Hello Chris, napatawag ka?" Tanong ni Nate sa tumawag na mukha ang pinsan niyang si Christoffer

"Da*n! Kamusta ang kalagayan ni Mama?"

Napaupo ako nang marinig ko ang pagmura ni Nate? May nangyari kaya kay Tita. Bigla akong kinilabutan nang maalala ko ang tawag na natanggap ko kanina. Kailangan ko na talaga sigurong sabihin kay Nate.

"Nate? Kamusta si Tita? Anong nangyari?" Buong pag-aalalang tanong ko sa kanya

Kinansel na ni Nate ang tawag at humarap sa akin. Napabuntung-hininga at nasapo ang ulo.

"Si mama Cate. Nilooban ang mansion kagabi at sinaktan nila si Mama. Pero wala daw masyadong kinuha maliban sa mga ilang dokumento at blueprints ng mga condominium namin. Mabuti na lang at hindi mga original at hindi ang mga final blueprints ang nakuha nila. Ang inaalala ko lang ay si Mama. Wala pa rin siyang malay ngayon."

He gritted his teeth. Galit ang bumalatay sa mukha ni Nate. Kapag ganito ang itsura niya. Seryosong galit siya and he's out for blood.

Natatakot na ako sa mga nangyayari. Una ang paghampas ng sasakyan ni Nate. Tapos yung tawag na natanggap ko kanina. Pagkatapos naman si Tita nasaktan.

"Nate... May gusto ako sanang sabihin sa iyo. Hindi ako sigurado kung konektado ito sa nangyari kay Tita pero kasi kanina..."

"Ano yun Cate?! Sabihin mo sa akin!" Pasigaw na tanong ni Nate.

Nakakatakot ang anyo ni Nate kapag nagagalit para siyang papatay ng tao.

"Huwag ka namang sumigaw. Natataranta ako" sagot ko sa kanya.

Napansin siguro ni Nate ang panginginig ko kaya bigla siyang huminahon.

"I'm sorry Baby. Didn't mean to shout on you." Alo sa akin ni Nate nang makita niyang nag-unahan na ang mga luha kong tumulo.

"It's okay medyo takot lang din ako. Anyway, Nate, may tumawag kanina sa akin. Unknown number. Hindi ko siya kilala pero babae. She was threatening me Baby. Sabi niya hindi niya hahayaan na maging masaya ako at she will make my life a living hell. She will start with you. Akala ko prank lang pero nung sinabi niya ang pagsira ng kotse mo mas kinabahan ako. I'm sorry kung hindi ko sinabi kanina. I'm so sorry." At tuluyan na akong napayakap sa kanya.

"It's okay Baby. Hindi kita sinisisi. Mabuti nga at sinabi mo ngayon."

Matagal din akong umiyak habang nakayakap kay Nate. Sa totoo lang triple ang takot ang nararamdaman ko ngayon nang malaman ko ang nangyari sa mama ni Nate. Natatakot ako na baka may sumunod pang gawin ang taong yun sa amin at sa mga mahal namin sa buhay.

"Sino kaya siya Baby? Natatakot ako sa pwede niyang gawin sa iyo pati na rin kina papa at sa mga kaibigan natin." Sabi ko nang huminahon na ako.

"Paiimbestigahan natin siya Baby. Hindi ako makakapayag na saktan ka niya at ang pamilya natin."

Napatango na lang ako sa sinabi ni Nate. Tama. Hindi kami dapat nagpapadala sa takot. Ngayon ang panahon na kailangang maging malakas ako at matapang. Para na rin sa aming dalawa ni Nate.

Hindi nagtagal ay pumasok na kami ni Nate sa loob. Napansin namin ang mga pulis sa sala kaya dumirecho na kaming dalawa doon.

Nakita namin si Papa na kausap si Chief nang masinsinan.

"Oh, nandito na pala silang dalawa Chief."sabi ni papa pagkakita niya sa aming dalawa.

Tumayo naman si chief at nilahad angbkanyang kamay na malugod naming tinanggap. Naupo na rin kami sa upuan ni Nate.

"Batay sa cctv video na nakuha sa area na yun, namukhaan namin ang dalawang lalaki na sumira ng sasakyan mo. Matagal nang may mga record ang dalawang iyan at nakailang beses na ring naglabas-pasok sa kulungan iyang dalawang iyan. Hindi nga lang nakakasuhan dahil biglang umaatras ang mga nagsusumbong."

Napahinga ako ng malalim. Marami na talaga ang halang ang kaluluwa sa mundo ngayon.

"Nahuli na po ba sila chief?" Tanong kay chief habang mahigpit kong hawak ang kamay ni Nate.

"Pasensya na po Miss Locsin pero sa ngayon pinaghahanap pa rin namin sila."

Huminga ako ulit ng malalim. Kailangan ko na siguro ireport ang tungkol sa tawag na natanggap ko.

"Chief. Baka makatulong. May natanggap kasi akong tawag kanina. Unknown caller po. Tinatakot niya po ako at sinasabing uunahin daw niya si Nate sampu sa mga kaibigan ko. Sinubukan ko po tawagan ulit pero sa tingin ko po ay nagpalit na po siya ng telepono."

"Mabuti po at nabanggit niyo yan Miss Locsin. Mas lalo pa po naming titingnan ang anggulong iyan. Matanong ko lang po kayo ni Mr Valle kung mayroon ba kayong alam na may galit sa inyo to the point na gusto po kayong saktan?"

Napatingin ako kay papa. Matagal na ring panahon na wala na hindi nagpaparamdam ang pamilya ni Henry. Sila lang naman ang naiisip kong may masamang history with me pero ang tagal na nang panahon na hindi kami nagkikita. Marahil nakamove on na sila.

"Hindi ko rin po alam kung sino po ang pwedeng gumawa ng ganito sa amin." Sagot ko.

Tumikhim naman si Nate. Waring may naiisip siya sa pwede may gumawa nito sa amin.

"Chief as of the ay pinapaimbestigahan ko na rin sa Manila ang mga member ng board ng aming company. I do have some enemies nung magstart akong CEO sa kanila. Pwedeng may kinalaman iyon dito."

"Sige po. Makikipagtulungan na lang kami sa Manila office. Gagawin po namin ang makakaya namin"

Tumayo na si Chief at nakipagkamay siya ulit sa amin. Alam ko hindi magiging madali ang lahat lalo na at hindi namin alam kung sino ang kalaban namin.

Hinalikan ni Nate ang sentido ko. At niyakap niya ako buhat sa likod. I felt safer kapag nasa tabi ko siya.

"Don't worry Baby. Kahit anong mangyari poprotektahan kita."

Hinayaan ko siyang yakapin ako ng mahigpit. "Thank you Baby"

The Girl Named CateWhere stories live. Discover now