Her Past

15 0 0
                                    

Nate's pov

"I killed my twin sister..."

Natulala ako sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin sa sinabi niya? Pero nanatili akong tahimik na nakikinig. Ito na nga siguro ang hinihintay kong panahon. Yung time na bubuksan niya na ang sarili niya sa akin. Ang hinihintay kong kasagutan sa lahat ng tanong ko.

She cleared her throat and started to relax. Alam kong magiging mahirap malaman ang lahat but I have to be patient.

"It was my fault Nate. I should have not tolerated Henry."

Sino si Henry? Natatakot akong magtanong.

"I have a twin sister Nate. Her name is Christine Ann. She's a ball of sunshine as opposed to me who would rather be at the dark. She's smart, talented and friendly. Everybody loves her. While I, on the other hand, is her opposite. I'm silent, bitchy and average. Well, it's as if I care what they think. I like it when I'm alone."

Bumuntong-hininga siya ulit at nagpatuloy na alalahanin ang lahat. Bakas sa mukha ni Catd ang bigat ng mga pangyayari. Gayunpaman she is taking this brave step.

"We grew up being compared but kahit ganun, hindi ako nagalit o nainggit sa kanya. At ganun din siya sa akin.

She would always say that nothing in this world is alike. At kahit kami ay magkaiba kaya there is no point na icompare kami.

I love Christine. She's my bestfriend. At kahit minsan hindi siya tumigil maniwala sa akin. But..." pinahiran ni Cate ang isang luhang tumakas sa kanyang mata.

"Cate, it's okay kung hindi mo pa kaya ikwento sa akin. Marami pa namang ibang araw."

Umiling si Cate at tinitigan ako. "No Nate. Masyado ko na kasing pinatagal."

Isang malalim na hininga ang ginawa ni cate at nagpatuloy sa naudlot niyangg kwento.

"But Henry Fuentebella came in the picture. He has always been the cool guy in highschool. The type of guy that girls swoon over and go gaga for.

He's the student council president and he's a year older. Christine always had a crush on him. Kaya lang ay hindi nito pinapansin ang kapatid ko.

Lagi ko nga sinasabihan na napakabulag naman ng lalaking yun. Sa ganda at bait ng kapatid ko, hindi man lang niya napansin? Sabi ko pa nga, baka bakla. Natawa lang si Christine.

Isang araw, I was assigned by our editor-in-chief na to make an article about the student council. So I went to see Henry to make an interview..

Funny, dati kasi wala naman akong pakialam sa kanya. Kaya lang nung nakausap ko na siya sa interview ay doon ko siya naappreciate. There is more than his cool guy facade. He's smart, witty and humble. Kaya naiintindihan ko na kung nakit ganun na lang kabaliw ang mga babae sa kanya...

Flashback...

"Thank you very much prez sa pagpapaunlak sa interview ko. Don't worry maganda isusulat ko." Nakangiting turan ko sa kanya.

Gumanti siya ng ngiti sa akin. Ewan ko pero biglang namula ang mga pisngi ko sa ngiting yun.

"Ang cute mo pala kung namumula ka Cathy."

Nagulat na lang ako ng.biglang hinila niya ako sa may likod ng building. Nagulat na lang ako nang dinala niya ako sa isang secret garden.

"Meron palang ganito dito?"

Namangha ako garden na iyon. Napakaganda talaga.

"Mabuti naman at nagustuhan mo." Hindi ko namalayang nasa likuran ko na pala siya.

"Bakit dinala mo ako dito?"

Bigla napakamot na lang siya sa kanyang batok na parang nahihiya pa yatang magsalita. Parang nakikipag-usap sa crush niya kumbaga. Teka..
Crush?

"Ah eh, Cathy." Parang nagdadalawang-isip siya kung itutuloy niya ang sasabihin niya. Nacurious naman ako.

Tumingin siya ng diretso sa akin at huminga ng malalim. "I like you."

Napatulala ako sa sinabi niya. Ha? He likes me? Pero paano? Hindi naman ako popular. Ang pangit ng ugali ko. I'm plain and mas lalong hindi ako sociable. Ano ang nagustuhan ni Henry sa isang katulad ko?

"Ha? Paano? Hindi ko mai-i-intindihan." Tila nauutal kong sagot sa kanya.

Napabuntong-hininga ito at naupo sa may bench sa garden na iyon.

"Mahirap bang paniwalaan na gusto kita. Sa totoo nga niyan noong freshmen pa lang kayo ay napansin na kita. Naalala ko pa nga nun magkasama kayobng kambal mo. Ang tahimik mo lang habang nagsusulat ng kung ano sa notebook na dala mo. Habang yung kapatid mo kwento ng kwento ng kung ano-ano. Napaisip nga ako. Naririnig mo kaya yung sinasabi ng kapatid mo. Pero nalaman ko na nakikinig ka ng ngumiti ka. At doon ko nalaman Cathy. Para kang anghel. Tapos nun umalis na kayo. Pero nanotice ko na may itinapon ka sa basurahan . Isa sa mga tula mo."

May dinukot siya sa kanyang bulsa at inilahad sa akin.

"...for the moon shines brighter than the morning sun but it lurks in the comfort of darkness."

Binasa ni henry ang mga sumunod at doon ko naalala ang tulang iyon. Tinapon ko iyon dahil sa tingin ko pangit ang pagkakasulat ko doon. Hindi ko akalain na pupulutin niya yun.

"Cathy... Kung okay lang sana sa iyo. Pwede ba akong manligaw?"

Hindi ko alam ang isasagot ko. Ano ba ang dapat mo sabihin kung binigla ka nang ganoon.

"You don't have to answer right away. Maghihintay ako."

Tumango na lang ako at umalis na lang sa lugar na iyon.

Hanggang nung gabing yun ay nasa isipan ko pa rin ang mga sinabi ni Henry sa akin. Hindi sa hindi ko siya gusto. Sa totoo lang nagustuhan ko rin siya buhat nung ininterview ko siya kanina. Kaya lang parang ang bilis lang talaga. Dati hindi ako nage-exist tapos ngayon gusto niya pala ako. At saka nakokonsensya ako para kay Christine. Matagal na siyang gusto ng kakambal ko. Ayaw ko namang saktan ang kakambal ko. Mahal na mahal ko siya at mas higit akong masasaktan kapag nasaktan siya.

Hindi ako nakatulog nang maayos nung gabing yun. Hindi ko alam ang dapat kong gawin. Mabuti na lang siguro hindi ko na lang pansinin si Henry. Para iwas na lang din sa gulo. Siguro nga ganun na lang ang gagawin ko.

Iiwas na lang ako...

************************************
Hi friends. Salamat sa pagbabasa sa kwento ko. Naeexcite na talaga ako sa ibabg chapters. Malapit na akong matapos.

Sa next chapter, ang continuation ng past ni Cate. Stay tuned...😘😘😘

The Girl Named CateWhere stories live. Discover now