Imprisoned

18 0 0
                                    

Karina's pov

Flashback...

"Ano na ang gagawin natin Alfonso?" Sigaw ni Mama kay papa.

Balisa silang dalawa at kami naman ni Hannah ay tahimik na nakikinig sa kwarto. Magmula ng ipinadala si Kuya Henry sa US ay lagi na lang ganito ang sitwasyon. Ang sabi ng mga kaklase namin, nalulugi na raw ang negosyo namin. Yun daw kasi ang sabi ng mga magulang nila.

Madalas binubully kami sa school. Baliw daw kami. Baliw daw ang pamilya namin. Masama daw ang kuya ko kasi pinaglaruan daw niya ang damdamin ng kambal na Locsin kaya namatay si Ate Christine. Marami pa ang mga masasamang bagay ang pinagsasabi nila sa amin.

Nang mamatay si Christine ay halos mabaliw din ang Kuya Henry ko. Hindi siya namin makausap ng maayos tapos may mga pagkakataon na nagwawala na lang siyang bigla. Natatakot kami sa kanya. Lagi niya sinasabing kasalanan niya bakit nawala ang anak niya.

May isang araw na nakita namin siyang nagbigti sa kwarto. Mabilis namin siyang iniligtas at mabuti na lang talaga at nabuhay siya. Pero hindi lang iyon ang huling nangyari sumubok siyang magpakamatay.

Napagdesisyunan na lang nila mama na ipadala na lang si kuya sa US para doon na lang magpagamot. Malaki rin ang nagastos ng pamilya namin sa pagpapagamot ni Kuya.

Ngayon ay baon na talaga kami sa utang. At ang plano ay pabalikin na lang si Kuya Henry para dito na lang ipagamot.

"Bakit ba kasi nangyayari sa atin ang ganito Alfonso. Alam ko may kasalanan ang anak natin pero nagmahal lang naman siya. Bagsak na ang negosyo natin at walang may gustong magpautang sa atin." Mangiyak-ngiyak na sambit ni Mama.

"Alam ko na iniipit nila tayo dahil sa pagkamatay ng anak nila Leticia. Inatake pa sa puso ang asawa niyang si Katarina."

"Paano na tayo nito. Ano ang kinabukasang ibibigay natin kina Charity at Hannah? At si Henry? Paano na siya?"

Umiling na lang ang aking ama at tuluyan nang lumuha ang aking ina. Wala nang ibang nagawa ang aking ama kundi yakapin siya.

Nagdaan ang mga buwan. Tuluyan nang nalugi ang negosyo namin. Nakabalik na rin si Kuya Henry pero walang pinagbago ang kalagayan niya kahit nagpagamot pa siya sa America.

Isang umaga, nasa manila si papa noon. Si mama ay kasalukuyan nasa grocery para sa mga supplies namin sa bahay. Ako ang nakatokang magdala ng pagkain ni kuya sa kwarto niya.

Kumatok ako sa pinto para ipaalam ni kuya na nandoon ako para dalhan siya ng pagkain. Nang hindi siya sumagot ay kinabahan ako. Sinubukan kong buksan ang doorknob pero lock.

"Hannah! Kunin mo ang susi ng kwarto ni kuya! Dalian mo!" Sigaw ko kay Hannah. "Kuya! Buksan mo ang pinto! Kuya!"

"Ate nandito ang susi" abot ni Hannah sa susi.
Pagbukas namin ng pinto ay nakita namin ni Hannah na nakahandusay si Kuya Henry sa sahig at may hawak na baril.

"Kuya! Kuya!" Sigaw ni Hannah na nakapagpagising sa akin.

Hindi totoo ito! Hindi!

Tumakbo ako kay kuya. Bakit kailangang humantong sa ganito? Kasalanan ng mga Locsin ito. Kasalanan ng magkapatid na yun.

Dumating si Mama at nakita ang pangyayari. Hindi kinaya ni Mama at dinala siya sa hospital ng araw na iyon. Atake sa puso.

Dalawang tao ang nawala sa amin nung araw na iyon. At kasabay ng pagkamatay ng kuya at nang mama ay ang pagbenta rin ni papa sa lahat ng ari-arian namin.

Sa isang iglap ay nawala sa amin ang lahat. Humirap kami na mas pinalala pa ng magkasakit si papa. Halos ikabaliw namin ni Hannah. Ngunit ganoon man ay hindi tumigil si papa sa pagtatrabaho para matustusan ang pag-aaral namin. Hanggang unti-unting natalo si papa sa sakit niya.

The Girl Named CateWhere stories live. Discover now