Attack

20 0 0
                                    

Nate pov

It's been a week. Ito na nga siguro ang pinakastressful na week. Pero hindi ko rin na maitatanggi na ito na nga ang pinakamasayang week ng buhay ko. Oo, nasasaktan pa rin ako sa pagkamatay ni papa pero nasa tabi ko na ang anghel na ito.
Magkatabi kaming nakaupo habang pinapakinggan ang mga messages ng ilan sa mga kaibigan ni papa. Pinagmamasdan ko lang ang seryosong mukha niya. Muntik na siyang mawala. Akala ko hindi na darating ang araw na magiging kami.

Natapos na ang necrological services at sabay-sabay na kaming tumayo at lumabas para ihatid si papa sa kanyang huling hantunga.

Payapa ang araw na iyon. At nakiayon ang panahon sa amin at hindi umulan. Nakatayo kami habang pinapakinggan ang huling mga dasal ni father bago tuluyang ibaba ang kabaong ni papa.

Magkahawak-kamay kami mama na lumapit upang ihulog ang bulaklak tanda ng huli naming pamamaalam ka papa. Sumunod ang tiya ko at mga ibang kamag-anak. Maging si Cate ay naghulog ng bulaklak para kay papa.

Matapos ng libing ay dumiretso na kami ng condo. Pagpasok ko ay dumiretso ako ng kusina para uminom ng tubig ng makita ko si Cate na nakaupo na nanginginig sa habang hawak ang cellphone niya.

There's that look again. Those blank eyes. Dali-daling nilapitan ko siya at iniharap sa akin.

"Baby?! May problema ba?" Pero tila wala siyang narinig. Hawak niya pa rin ang cellphone at mukhang hindi pa tapos ang call. Kinuha ko ito sa kamay niya at sinubukang kausapin ang nasa kabilang linya.

"Hello? This is Nate Valle. I'm with Miss Solis. She's not in a good condition. Can you call again."

"Nate. Ikaw pala ang boyfriend ni Cate. Pakisabi sa kanya na tumawag ang daddy niya." Yun naputol na ang linya.

Daddy? May hindi ba sinasabi si Cate sa amin. Ang buong akala namin ay ulilang lubos si Cate. Yun ang pagkakaalam namin kay Cate. Sinipat ko ulit si Cate. Nakatulala pa rin siya pero this time ay nagsimula na siyang umiyak.

Mabilis ko siyang niyakap at hinaplos ang buhok niya. Ano ba ang nangyayari. I have to know to protect her.

"Baby, it's okay. I'm here. I wont leave you."

Tuluyan nang pinakawalan ni Cate ang hikbi niyang kinikimkim. At humigpit ang pagkakahawak niya sa akin. "Dont ever leave me. Please.."

Hawak ko siya sa bisig ko. Patuloy lang ang pag-iyak niya hanggang bigla na lng siyang nawalan ng malay. Binuhat ko siya at dinala sa kwarto. May mali. Hindi ko alam pero kailangan ko na sigurong makialam.

Kinuha ko ang cellphone ni Cate. Mabuti na lang at hindi nakalock ang phone. Iniscan ko ang contacts at natigilan ako sa contact number ng isang Dr. Silva. Dinial ko ang number at isang babae ang sumagot sa kabilang linya.

"Hello Cate napatawag ka?" Sagot ng babae sa kabilang linya.

"Hello. Is this Dr. Silva? I'm Nathan Valle. I'm actually calling from Cate's phone. There's an incident..."

"Did she have another attack?" Tanong ni Dr. Silva.

Nagsimula na akong magtanong pero matigas ang paninindigan ng doctor na ito. Hindi daw niya pwede idivulge ang information about kay Cate kahit ako pa ang boyfriend nito.
Tinapos ko na lang ang tawag ng mapagtanto kong hindi siya sasagot sa mga tanong ko.

Tinabihan ko si Cate at hinawi ang buhok na tumatabing sa mukha niya.
"Baby, ano ba ang sikreto mo? Papasukin mo naman ako sa mundo mo" Pabulong kong tanong at  hinalikan ang kanyang noo.

I'm already into deep. I need to know. I want to protect her. But how? These thoughts prevailed even as I drifted to sleep.

The Girl Named CateWhere stories live. Discover now